29

278 11 1
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan upang ihanda ang mga gamit na kailangan ko para sa pagsisimula ng internship ko. It was raining hard and I have a feeling that this day will be more tiring than the usual. Medyo kinakabahan ako sa mangyayari ngayong araw. Some of my classmates will be there and as much as I don't want to interact with them, I need to. I kind of dreading that moment.

Bumaba na ako at nakitang nag-aabang na sa akin si Kuya Gio na isasabay ako sa pagpasok nila ni Ate Ina sa trabaho. Dito sila natulog dahil na rin sa nangyaring party kahapon. Ate Corrine is here as well pero I believe that she is still sleeping with Keith. They were both late yesterday pero hindi na lang pinansin nila Mommy dahil nakarating naman silang dalawa.

"Are you ready?" tanong sa akin ni Ate Ina na may ngiti sa kanyang labi.

"Hmm, medyo kabado lang po." 

"Medyo nakakakaba nga tuwing nag-iinternship pero kaya mo yan. Medyo nakakapagod dahil sa pinili nating field pero masaya pa rin dahil gusto natin yung ginagawa natin, diba?" paliwanag niya at tumango naman ako.

"Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" singit ni Kuya Gio at nakita ko namang umirap si Ate Ina sa kanya.

"Wala, chismoso ka. Tara na at baka mahuli pa ang kapatid mo." sabay tulak niya kay Kuya palabas.

Umiling na lang ako sa inaasal nilang dalawa at sumakay na sasakyan ni Kuya Gio ng ako na ang payungan niya upang makapasok sa sasakyan niya. Isinara niya ito ng makaupo na ako ng maayos bago siya pumasok sa sasakyan at pinaandar na rin ito. I suddenly felt awkward looking at the skyscraper in Kuya Gio's car window. I am used to seeing trees so much that all of this feels new for me.

"Itext mo nalang si Manong mamaya kapag tapos ka na sa shift mo. Kung may pupuntahan ka pa, magpaalam ka kay Mommy at mag-Grab ka nalang or something. Hindi kita masusundo mamaya dahil may project akong kailangan tauhan because Kuya Salem is demanding that all of the current project should be finished this year." pagbibigay-alam niya sa akin na may kasamang reklamo.

"Can you do that?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong na iyon.

"What?"

"Tinatanong kita kung kaya mo ba yung sinabi ko? Do you want me to ask someone to fetch you later? Baka libre naman si Kuya Ajeer o kaya si Kuya Dale." sabay taas niya ng kilay sa akin habang nakatingin sa rear view mirror upang tingnan ako.

"I can manage. Thank you, Kuya." reply ko at tumagal ang tingin niya sa akin bago bumalik ito sa daan.

Nanahimik siya saglit bago nag-open ng topic kay Ate Ina at natuwa naman ako na nawala na ang atensyon niya sa akin. Hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya na sobrang kinakabahan ako para sa araw na ito. Probably if I came across with my former classmates, which I know I will, magtatanong sila kung ano ang nangyari and I don't want to tell them about the accident. It's in the past already.

"Tandaan mo yung binilin ko." malakas na saad ni Kuya Gio ng ibaba niya ako sa entrance ng hospital.

"Okay, go na." pagtataboy ko sa kanya at sinuklian naman ako nito ng nakakalokong ngiti.

"Mag-iingat ka." saad niyang muli at mas lalong bumusangot ang mukha ko dahil may iilang pamilyar ang mukha sa akin na tumingin sa gawi namin.

I just waved my hands at him as a goodbye and slowly went in with my umbrella in hand. May iilang bumati sa akin at binati ko naman sila pabalik. Some were giving me curious glances after that pero wala namang nagtakang lumapit at maglakas ng loob na magtanong, which I am thankful for.

Bago kami magsimula ng internship lahat ng candidates ay pupunta muna sa may parang auditorium ng hospital para sa briefing at upang mameet din namin ang mga kasama namin at ang manager namin kumbaga. I sat at the back of the auditorium and look around the place. May ilang mga kaklase akong nakita ko na nasa unahan and I forgot how loud they are.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon