As the days passed by, things at school gets more and more demanding and hectic. Marami sa amin ang hindi magkamayaw sa paghihikahos na tapusin ang partner project at ang iba naman ay namomroblema kung anong kompanya ang tatanggap sa kanila para sa OJT nila. With all the chaos that surrounds me, I can't help but to feel stressed as well.
Kasalukuyan kaming nasa shop ni Lola ni Isaac at tinatapos ang ilang mga detalye para sa gagawin naming clinic drive sa susunod na linggo. Kailangan kasi naming maipasa ang schedule na iyon sa professor namin bukas dahil may iilan kaming mga kaklase na sasama sa amin para doon. Our professor asks our classmates to help us as it will also credit to our OJT hours din and that is an easy opportunity for some of my classmates na wala pang nahahanapang hospital or clinic na pwede nilang pag-pratisan ng mga natutunan nila sa nursing.
I sighed louldy as I looked at the papers in front of us. Nagkalat ang mga ito at pati ang iilang mga orders na bulaklak ni Lola ay naghalo na sa mga papel na kakailanganin namin ni Isaac. May flower arrangement na hindi ko pa natatapos dahil na rin kinailangan ni Isaac ng tulong sa isnag bahagi ng project namin. Nilingon ko ang kasama ko at nakita ko naman siyang focus na focus sa pagrerevise na ginagawa namin.
I will never get tired of praising his looks lalo na kapag nakasalamin siya at focus na focus siya sa pag-aaral. He's the type of person na kapag inassociate mo yung sarili mo ay mapipilitan at mapipilitan kang magsipag dahil ganon ang nature niya. Mas lalo siyang nagiging attractive sa paningin ko. I mean, who wouldn't want a hardworking suitor, right?
"Can we take a break? We've been staring at this paper and my laptop for hours now." sabay sandal ng ulo ko sa braso niya.
"Andaming gagawin, hindi na matapos tapos. Hindi ko alam kung ang mga requirements ang matatapos ko o tatapusin ako ng mga requirements." pagpapatuloy ko sa mga rants ko.
The good thing about Isaac though is he never fails to listen to me. Nitong mga nakaraang araw kasi kahit na magkasama kaming dalawa most of the times ay hindi naman kami nagkakaroon ng time para sa isa't isa dahil sa dami ng kailangang tapusin at asikasuhin. Siguro rinding rindi na siya sa mga reklamo ko but knowing Isaac, he will just listen. He always listens.
Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa bago siya umayos sa pagkakaupo kaya inalis ko ang pagkakasandal ko sa mga braso niya. Nagulat ako ng yumuko siya at hawakan ang paa ng upuan ko at hinila ako palapit sa kanya. Agad tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa sobrang lapit namin at sa ginawa niyang paghila sa akin. Inilagay naman niya ang mga kamay niya sa sandalan ng upuan ko bago magsalita.
"Anong gusto mong gawin?" napalunok ako ng magtama ang mga mata namin at hindi ko maintindihan kung bakit parang sa pandinig ko ay nang-aakit ang boses niya sa akin.
Pinagmasdan ko lang ang mga mata niyang patuloy na nakatingin sa akin at napansin ang unti-unti nitong pagtingin sa mga labi ko kaya nagaya ko ang ginawa niya. Unti-unti niyang binasa ang mga labi niya kaya napatingin ako muli sa mga mata niyang nagmamatyag ng mga ginagawa ko. Gumalaw din ang mga ito pero hindi ko marinig ang sinasabi niya. It's like he is hypnotizing me or something.
I don't have any idea how did we end up in this scenario but I do know that he started it at masyado lang akong in love siguro sa kanya kaya lahat ng ginagawa niya ay nagpapabaliw sa puso ko.
"Isla..." tawag niya at doon lang ako natauhan.
"Hmm..."
"Tinatanong kita kung gusto mong maglakad-lakad sa may dalampasigan?" he asked while a smirk is slowly forming in his lips.
"Ahh... magpapaalam lang ako saglit kay Lola. Maiiwan kasi natin yung flower shop." mabagal na sagot ko at agad na tumayo.
Nginitian ko siya ng bahagya bago nagmamadaling pumasok sa mansyon. Bago ako tuluyang pumasok ay nakita ko naman siyang umiiling habang may ngiti sa mga labi. Probably thinking that I am acting a bit crazy by his simple gestures. Simple pa lang yon paano kapag naging boyfriend ko na siya baka imbes na maging nurse ay maging pasyente nalang ako.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...