Nakarating na kami sa isang maliit ngunit disente namang tingnan na kainan. Hindi pa ako nakakakain sa mga karinderya. I always opt to eat at restaurants.
Inihila naman ako ng upuan ng isa sa kasama namin. Hindi ko kilala kung sino siya but he was kind enough to do that for me so I sat beside him.
"Nakatira ka pala kine Señora. Edi galing kang Maynila?" open ng topic nito at tumango naman ako habang tinatanggal ko ang cap ko.
"Ah, yes. Something happen in Manila so I need to transfer here."
Nakita ko namang napangiti ang ilan sa kanila dahil sa sagot ko. Nakaramdam naman ako ng pagkailang.
"Marunong ka naman mag-tagalog no?" tanong nung Brian ata.
"Yes. Nasanay lang sa Manila." sagot ko in Tagalog.
"Nako, Miss Isla. Pinagtitripan ka lang ng mga yan pero maasahan mo naman ang mga yan. Nagawi din sila minsan sa mansyon kapag kailangan ni Señora ng mga mag-aayos ng kung ano sa bahay." pagpapaliwanag ni Rose.
That's why they are acquianted with each other. Sabagay nakakapagtaka naman na ang isang Agri-business major na si Rose ay kilala si Isaac, I think that's his name, na nursing major.
Nilipat ko naman ang tingin ko kay Isaac na nasa tabi ni Rose sa tapat ko. He is looking around as if he is inspecting the place or he is waiting for someone. Napakunot ang noo ko dahil pansin kong hindi siya palasalita pero kanina naman nakikipagbiruan pa siya kay Rose.
"Ano nga pala kukunin mo, Miss Isla?" tanong ni Brian.
"Nursing. 4th year." saad ko at tumango naman sila.
"Magkaklase pala tayo." ngumiti naman ako sa naghila sa akin ng upuan.
They also start to look around when a bunch of girls entered the place. Hindi naman sila marami atleast 3 girls. Inayos ko ang upo ko at pinagmasdan ang paglapit nila sa amin.
Tumayo ang mga kasama ko kahi si Rose upang salubungin sila. I saw a girl that went straight to the guy that saved me from almost drowning. Tinagilid ko ang ulo ko at medyo pamilyar sa akin ang pigura niya.
"Ah nga pala, may kasama tayo ngayon. Si Isla nga pala." pakilala ni Brian sa akin sa mga bagong dating.
"Isla, si Hannah, Gianne at si Pamela." I smiled at each one of them and lend my hands for them to shake.
"Nice meeting all of you." saad ko at ganon din naman sila.
Nakaramdam ako kaagad ng pagkailang dahil na rin siguro sa paraan ng pagtingin nila sa akin. Mainly the way I dress.
"Miss Isla, kumakain ka ba sa mga karinderya?" tanong ng katabi ko at nakangiting umiling ako.
"This would be my first time but it should be worth it, right?" saad ko at tumango siya sa akin.
Namili naman na kami ng kakainin namin and thank God there are some foods that are familiar to me. Yung mga niluluto ni Lola kapag nandito kami noon para magbakasyon.
Napansin ko ring nag-aabot na sila ng bayad kaagad kaya kinuha ko na ang wallet ko. I looked at the counter and saw that wala naman silang credit card na mode of payment and also nakafreeze nga pala ang account ko.
Kinuha ko na lang ang natitirang 1,000 pesos sa wallet ko and give it to the server who is taking our payment.
"Maam, wala po ba kayong barya diyan? Ngayon palang po kasi darating ang mga manananghalian samin eh." sabay kamot nung tindera sa ulo niya.
"Oh, okay then. Ganito nalang ate, I'll pay for their food nalang so you won't have to give me a big change." saad ko.
"Ay nako, Miss Isla. Huwag na po. Nakakahiya naman. Ako nalang po ang manlilibre sa inyo." tanggi ni Rose.
BINABASA MO ANG
Temporary (Montenegro Series #6)
Teen FictionMontenegro Series #6. Walang permanente sa mundo. 'Yan ang paniniwalang pinaninindigan ni Isla Dianne Montenegro. In everything she does, she live it as if it's her last. In everything she says, she says it as if no one will get hurt. In everything...