34

262 7 0
                                    

Isinuot ko ang dala kong jacket dahil medyo may kalamigan ngayon ang panahon dito sa States. Tatlong araw na rin kaming nandito at halos busy ako sa buong araw dahil sa mga kamag-anak naming kaliwa't kanan ang pa-reunion party. Minsan na lang din kasi magkita-kita ang mga kapatid ni Mommy at mga pinsan niya kaya sinusulit talaga nila ang isang linggo naming pamamalagi dito. Lalo na't kasama pa namin si Lola na kinita nalang namin sa airport sa araw ng pag-alis namin ng bansa.

Medyo makulimlim ngayong araw at mukhang uulan maya-maya lang kaya minabuti ko nalang na magdala ng payong kung sakali. Marahan kong sinara ang pinto ng kwarto ko at bumaba na upang makapag-paalam. 

"Nako, sakit ng ulo ko yang si Gio at si Isla. Corrine used to be pero nung nagka-anak medyo tumino naman ng kaunti." rinig kong saad ni Mommy.

"Karma mo yan. Sakit ka din sa ulo ni Mama noon. Di ba, Ma?" sagot naman ng kapatid ni Mama.

Nakangiti akong pumasok sa kusina at ang unang nakapansin sa akin ay si Lola dahil malapit siya sa bukana ng kusina. I smiled then walk closer to her to greet her good morning. Ganon din ang ginawa ko kay Mommy at kay Tita Faye, panganay ni Lola.

"Nirereklamo ka sa akin ng Mama mo, Isla. Sakit ka daw sa ulo." sumbong ni Tita at natawa naman ako ng bahagya.

"Maayos na naman po ako ngayon, Tita."

"Maayos naman na daw pala siya." ulit ni Tita at umingay ang kusina sa tawanan naming apat.

Napansin ko ang tingin sa akin ni Mommy kaya nilingon ko siya at tinaasan naman niya ako ng kilay. Napansin niya siguro na posturang postura ako umagang-umaga. 

"Magpapaalam lang po sana ako." paunang salita ko.

"Saan ka naman pupunta?"

"I'm meeting someone. It's a friend of mine, Mom." kumbinsi ko at tinimbang niya muna ang mga salita ko bago tumango.

"Do you need your Kuya Gio to drive you?" tanong niyang muli na may tonong naninimbang.

"Hindi na, Mommy. Sa may malapit lang naman na cafe ako pupunta. I'll be back before lunch." sabay lapit ko sa kanya upang bigyan siya ng halik bilang pagpapaalam.

"Mag-iingat ka, iha." saad ni Tita sa akin ng sa kanya naman ako nagpaalam.

Lumabas na ako ng bahay at agad na isinuksok ang kamay ko sa loob ng pocket ng makapal kong jacket. Kahit kailan talaga ay hindi ako magiging sanay sa lamig ng panahon dito sa ibang bansa. Nang makalayo na ako ay nilingon ko ang bahay namin dito sa States bago nagpatuloy maglakad. 

Nang makita ko na ang cafe na sinasabi ko ay tinawid ko na ang kalsada nung pwede ng tumawid at pumasok na kaagad sa loob ng cafe. Napabuntong hininga naman ako ng maramdaman ang heater ng cafe. Dumiretso muna ako sa counter upang umorder ng hot chocolate na agad ko naman ding nakuha bago umupo sa isang bakanteng upuan malapit sa may bintana.

I shrugged off my jacket before settling down and sip my coffee. Nilabas ang phone ko upang tingnan kung may message ako galing sa kikitain ko ngayong araw nang may maglapag ng baso ng kape sa harapan ko. I was about to tell that person that I am waiting for someone but when I look up I immediately smiled.

"Buti at pinayagan ka." unang saad nito kaya tumayo na ako at niyakap siya. "I miss you too, Isla."

"Hindi ko naman sinabi na ikaw yung kikitain ko, Jace. You know how much my parents don't want me to be involve with you anymore." saad ko ng maghiwalay na kami sa pagkakayakap.

"I know that and I know na sobrang tagal na nito but I just want to say I'm sorry. Naalala ko nung mga panahong malapit na tayong mabangga ng truck ay hindi man lang ako makapag-isip ng maigi kaya nanigas ako sa kinauupuan ko. You saved both of us and I owe you my life." mahabang litanya niya at tumango naman ako.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon