Chapter two: SAME ROOF.
"Leanne! Gising na! Nagugutom na ako!" What the hell, ang sarap ng tulog ko ee pssh. "My loves! Gising na!" Tsk. Epal talaga nitong Grico na ito! Feelingero.
"Lumayas ka nga! Natutulog ako hindi ba?" Di pa din ako dumidilat!
"Kapag indi ka bumangon hehe." Ang walanghiya! Ginagapang yung hita ko!
"Heto na! Bwisit ka talaga sa buhay ko!" Nagdadabog na bumaba ako! Ano bang pwedeng iluto dito? Damn magiging katulong lang ang labas ko nito e! Di kasi marunong magluto itong pervert na ito! Nakakita ako ng hotdog sa fridge kaya yun nalang ang kinuha ko. May itlog din kaya naglaga ako. Ayoko ng piniritong itlog, ewan ko ba. Bata pa lang ako hindi na ako kumakain ng piniritong itlog. Nilaga manapa! Medyo nakaramdam ako ng gutom kaya nilantakan ko na agad yung niluto ko, sakto naman bumaba na si Grico na bagong ligo. Shet. Oo na! Gwapo ka na! Mabango ka na! Pero pervert ka pa din. Tss.tss. Di ko siya pinansin. Kain lang ako ng kain.
"Grabe naman my loves? Hindi mo man lang ako hinintay kumain."
"Bakit? Sapilitan ba ang pagsabay natin sa pagkain?" Kumagat ako ng hotdog. Shets gutom pala talaga ko, tatlong oras pala akong nakatulog.
"Hindi naman my loves." Tapos kumain na din siya. Okay ang sexy ng pagkain niya. "My loves? Favorite mo talaga ang hotdog ano? Hehe."
"Paki mo?"
"My loves tabi tayo matulog mamaya ah?"
"Huuuu mamaya rape-in mo ako!"
"Wow huh? Hindi ako nakikipagtalik sa isang babae lalo na at labag sa kanyang kalooban."
"Whatever! Hindi ko tinatanong!"
"Tsk. Alam mo Leanne? Hindi kita magets? Ano bang mali sakin? Ano bang ayaw mo sakin? Ginagawa ko
naman lahat para magkalapit tayo! Ikakasal na tayo! Forever na tayo magkakasama! Nakakainis na ah!" Hala? Nagda-drama na naman."Anong teleserye yan Grico?"
"I'm serious! Bahala ka nga dyan! Manchi-chicks nalang ako!"
"E di mambababae ka!"
"Talaga!" Arrrghhh! Nakakagigil siya.
"Bakit ba ayaw mong bigyan ng pagkakataon ang relasyong ito Leanne? Ano bang kinakatakot mo?" Shit ngayon niya lang ako kinausap ng seryoso. Lagi kasi puro kalibugan at kamanyakan niya ang sinasabi niya! Pero ano nga bang kinakatakot ko? Wala akong first kiss. Walang first date. Walang first hug. Walang first dance. Maliban sa Daddy ko okay? Pero nagkaboyfriend na ako. Si Jethro Saavedra. Siya ang first boyfriend ko. Classmate ko siya noon pero niloko niya lang ako. Naka-two days lang kami dahil nalaman ko agad na pinagpustahan nila ko ng mga kabarkada niya. Simula noon ay hindi na ako nakipagkaibigan pa sa mga lalaki. Wala na ulit akong pinayagang manligaw sa akin. Takot na akong masaktan.
"Lu-Lumayo ka nga!"
"Tell me Leanne? Ano bang mali sakin at lagi kang ganyan?" *dugdug* okay bakit may topak ata ang heartbeat ko?
"Sabing lumayo ka e!" Pero ang walanghiya! He kiss me! Shet! Pero he's a damn good kisser. Pero ang first kiss ko. Shit! "Damn you!" Tinulak ko siya ng malakas.
"Why? Fiancee na kita at magpapakasal na tayo!"
"Pero alam mong hindi natin mahal ang isat-isa!"
"Dahil arranged lang ang lahat? So what? Babae ka, lalaki ako. Sexy ka, may abs ako. Maganda ka, gwapo ako! Pwede tayong magkaanak hehe."
"Pervert ka talaga! Bakit ka ba kasi nandito?"
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With Mr. Pervert ✔️ (completed)
RomanceWhat if magising ka isang araw na may fiancé ka na pala? At yung fiancé mo naging asawa mo na?! Pero yung asawa mo isa palang - - - Pervert! Yeah, to the highest level ang pagiging pervert niya and the F! He is so gwapo kaya naiinis ako! I'm Leane M...