Chapter Sixteen: LET GO.
Anim na buwan na pala. Anim na buwan na akong nagtitiis. Nasasaktan. Durog na durog na ako pero umaaasa pa rin akong magkakaayos kami kahit ilang beses na niya akong binastos at sinaktan. Emotional at pisikal. Martir? Siguro nga. Mahal ko ee. At may anak kami.
"Baby kailan kaya kami magkakaayos ng daddy mo? Kailan niya ba ititigil ang pambababae niya! Lagi nalang siyang lasing. Yung pananakit niya sakin? Kailan ka niya kikilalanin bilang anak?" Kawawa naman yung baby namin. I'm sorry baby kailangan mo pang madamay sa kakitidan ng ulo ng daddy mo. Naiiyak ako. Lagi naman nga pala kong umiyak. Ano pa bang bago? Ni hindi na ako nakakalabas ng bahay. Umaasa kasi ko na isang araw, uuwi siya na masaya. Na nilalambing ako. Letche ang sakit mong mahalin Grico! Ni magpa-checkup hindi ko na nagagawa. Mahigpit na rin yung mga damit ko. Nakakamiss yung pagiging pervert niya. Nakakamiss ka na Grico! Nasasaktan ako tuwing may iuuwi kang babae sa mismong kwarto pa natin gusto ko ng umalis at umuwi sa mga magulang ko pero ayaw kong sumuko! Naniniwala ako na malalaman mo din ang totoo. Pinanghahawakan ko pa rin yung sinasabi mong 'mahal mo ako' Naiiyak na naman ako lagi nalang mugto ang mata ko. Mababaliw na ako kakaisip sayo! Ni hindi ko ginawa yung ibinibintang mo pero ikaw? Nagawa mong kong pasakitan! Ang gumamit ng ibang babae sa harapan ko pa? Alam mo ba kung gaano kasakit yun?! Si baby nalang yung kinakapitan ko. "Baby kapit ka lang ah? Huwag mong iiwan si mommy."
Alam na din pala ng mga parents namin na hindi kami okay pero hindi pa ata nila alam ang dahilan kung bakit.
Argggh! Bakit ba kasi hindi niya ako pinagkatiwalaan? Shit lang! Akala ko ba mahal niya ko?! Oo alam ko nasaktan siya pero hindi pa ba sapat lahat ng pagganti niya? Hindi ko naman ginawa na makipagrelasyon sa iba alam ng Diyos na malinis ang konsensiya ko.
"Hoy malanding babael! Buksan mo itong pinto!" Lasing na naman siya! Kailan ba siya titigil? Gabi-gabi nalang! Hindi ko alam kung kumakain pa siya ng umagahan! Simula kasi ng iuwi niya si Breena dito sa bahay sa guest room na dito na ako natutulog. Ni ayaw niya ako makita.
"Bakit ba?" Kinakabahan ako. Baka kasi saktan na naman niya ko. Malaki na yung tyan ko natatakot ako para sa baby namin. Natatakot akong sumuko na siya sa daddy niya.
"Bubuksan mo o sisirain ko itong pinto?" Huminga ako ng malalim at binuksan yung pinto.
"Grico ano ba? Please huwag. Grico bitawan mo ako!" Bakit ginagawa mo sakin ito. Mahal na mahal kita. Akala ko ba mahal mo ako pero bakit nagagawa mo akong babuyin? Nasaan na ba yung Grico na hindi sumuko sakin kahit na sinusungitan ko? Nasaan na yung pervert na Grico! Yung malambing at lagi bg nakangiti sakin. Babalik ka pa ba? Kasi pagod na ako. Pagod na pagod na ako.
"Bakit? Asawa pa rin kita di ba?? May obligasyon ka sakin!" Alam ko naman ang gusto niyang sabihin. Matagal na buhat nung huling may mangyari samin. Ni hindi ko na matandaan kung kailan o kung gaano kami kasaya dati. Oo namimiss ko siya pero ayokong may manayari sa amin ng ganyan ang reaksyon niya. Kitang-kita ko yung galit niya. Yung pagkamuhi niya sakin.
"Pero Grico malaki na yung tyan ko. Yung baby natin.." Na naman? Sinampal niya na naman ako! Hindi na ba siya naawa? Buntis ako!
"Ilang beses ko bang sasabihing hindi ko anak yang nasa sinapupunan mo?"
"Grico kailan mo ba ako pakikinggan? Paniniwalaan? Akala ko ba mahal mo ako? Pero bakit napakadali para sayo na saktan ako? Lumalaban ako. Kasi umaasa ako na magbabago ka. Na babalik sa dati ang lahat. I miss you. The old you. Wala akong ginawang masama. Mali yung nakita mo pero ikaw? Ilang beses kang nagtaksil sa harapan ko? Ilang beses mo na akong sinaktan emosyunal at pisikal? Grico hindi ka pa ba napapagod? Wala na bang natitirang pagmamahal dyan sa puso mo? Kahit respeto nalang!"
"Dahil sinaktan mo din ako! Minahal kita! Mahal na mahal kita pero bakit niloko mo ako!"
"Paano kung nagsasabi ako ng totoo? Paano kung mapatunayan kong malinis ako? Maibabalik mo pa ba lahat ng masasakit na salitang ibinato mo sakin? Kahit wala akong kasalanan nag stay ako! Para sayo. Dahil mahal kita. Dahil may anak tayo pero ano? Itinatanggi mo ang sarili mong anak dahil lang sa isang beses na nakita mo! Na hindi mo alam kung totoo o hindi!" Natigilan siya sa sinabi ko.
"Huwag mong bilugin ang ulo ko! Huwag mo akong paikutin!" Yun lang at pinwersa niya ako. Hindi ako makapaniwala. Damn you Grico! I can't even imagine. My husband raped me! Ang sakit tangina! Mahal kita Grico but I don't think kaya ko pang magtiis.
"Grico tama na please.." Ni hindi ako makagalaw. Naalis na niya lahat ng suot kong damit pero iyak lang ako ng iyak. Bawat paghawak niya ng mahigpit nag-mamarka sa katawan ko. Bawat halik niya pakiramdam ko binababoy niya ako.
I'm sorry anak. Pero hindi ko na ata kaya, ayokong ikaw ang maging kapalit ng lahat ng ito. Mahal na mahal ko ang Daddy mo pero mukhang wala na kaming pag-asa.
Bukas na bukas din aalis na tayo.
Tama na lahat ng sakit.
Nang pagtitiis.
Nakakapagod na.
All this time pinanghahawakan ko pa rin yung pagmamahal niya. Pero ngayon? Hindi ako makapaniwala na ginahasa niya ako. Hindi ko matanggap. I chose him over Kenzo dahil akala ko sasaya ako. Na sasaya kami forever. Ginawa ko naman lahat pero kulang. Kahit patuloy ang pambababae niya. Kahit iuwi pa niya. Tahimik akong umiiyak sa kwarto ko.
Nung matapos niya akong gamitin umalis siya na parang walang nangyari. Yung haplos niya, yung halik niya. Wala ng pagmamahal. Wala ng respeto. Wala na. Ayoko na talaga!
I dial my father's number.
"Dad...
"Leanne anak? Bakit??"
"Sunduin niyo na po ako please. Hindi ko na po kaya."
Narinig ko pa yung malulutong na pagmumura ni Daddy bago niya sabihing antayin ko sila ni mommy. Pumikit ako at inalala lahat ng masasayang araw na magkasama kami ni Grico. Kainis! Wala na bang katapusan yung mga luhang ito?
Ni hindi ako nag-aksayang magimpake. Wala akong dadalin kahit isa sa mga gamit ko. Ayoko ng may maalala o may magpaalala sakin ng mga masasakit na nangyari samin.
Nakakainis! Bakit parang ayaw ko siyang iwan? Pero hindi, nakapagdesisyon na ako. Mamimiss kita Grico. Mamimiss ko lahat ng kakulitan mo. Yung ngiti mo. Yung abs mo. Leshe! Ngayon palang miss na miss na kita! Yung pervert husband ko na halos ayaw akong ipakagat sa lamok. Tangina! Lahat ng yun history nalang ata!
"Mahal na mahal kita Grico. Pero hindi ko pababayaang madamay ang anak ko. Sana sa pagbalik ko- sana sa pagbalik ko kilalanin mo man lang ang anak mo."
To be continued...
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With Mr. Pervert ✔️ (completed)
RomanceWhat if magising ka isang araw na may fiancé ka na pala? At yung fiancé mo naging asawa mo na?! Pero yung asawa mo isa palang - - - Pervert! Yeah, to the highest level ang pagiging pervert niya and the F! He is so gwapo kaya naiinis ako! I'm Leane M...