Chapter Nineteen: PLAN.

503 6 0
                                    

Chapter Nineteen: PLAN.

"Hey! What happened? Bakit ka umiiyak?"

"Zultan. Si Grico! Nakita ko siya!"

"Damn! Sinaktan ka na naman niya? Anong ginawa niya sayo?! Damn him papatayin ko na talaga yang exhusband mo!" I punch his arm. "Aray! Nananapok ka?!"

"Ang OA mo ee! Patayin agad?"

"Ee bakit ba kasi umiiyak ka? Iniwan mo pa kami sa airport!"

"I saw my husband."

"Kaya pala."

"I saw Grico kanina kaya iniwan ko sayo si Ghani. Hinabol ko siya pero kainis naiiyak talaga ko!  He didn't recognize me! Hindi niya daw ako kilala! Ano bang nangyari? Bakit di niya daw ako kilala? At alam mo ba girlfriend niya daw yung hipon na si Breena! Naiinis ako! Nagseselos!"

"Kumalma ka nga! Para kang tanga!"

"Calm down? Paano?? Paano akong kakalma kung alam kong nasa ibang kandungan ang asawa ko? Higad kaya yung babaeng hipon na yun buseeet!"

"At sa tingin mo sa tagal mong nawala hindi pa nakakahanap ng iba ang asawa mo? Leanne ikaw nalang ang umaasa siya nakamove on na!"

"Fine nandun na tayo pero bakit hindi niya ako maalala?"

"Baka may amnesia?"

"Bullshit! Sana sinabi sakin ng parents ko!? Oh shit right si daddy! Si daddy! Taena nawala na sa isip ko ang daddy ko! Zultan!? Si daddy nga pala?"

"Tinawagan ko na sila Tito Joaquin at Tita Kristine. Sabi ko may jetlag pa tayo kaya mamaya na tayo pupunta sa hospital."

"Zultan pwede bang ikaw muna ang bahala kay Ghani? I want to see my dad."

"Para namang mapipigilan kita?"

"Sige na please? Take care of my daughter pwede ba?"

"Oo na! Kung hindi lang kita mahal ee."

"Thanks Zultan. I owe you a lot."

****HOSPITAL****

*TOK*TOK*

"Come in.."

"Mom? Dad?"

"Oh my God Leanne anak!" Mom hugged me. Sa higpit ng yakap niya hindi na ako makahinga.

"Mom I can't breathe."

"Namiss lang kita! Where's my apo?"

"Naiwan kay Zultan. Nasa mansion na sila. Si daddy?"

"Nasa CR nagpalit ng damit."

"Ah okay, ano daw bang sakit ni daddy? Bakit siya na ospital?"

"Leanne anak? Ikaw nga!"

"Dad! Kamusta? Ano bang nangyari? Tumawag sakin yung secretary mo sabi malala daw yung nangyari sayo!"

"Huh? Ano kasi anak." Ano bang nangyayari bakit hindi sila mapakali?

"Ang totoo kasi anak.." si mommy.

"Ang totoo kasi, wala naman akong sakit. Si Grico kasi." Grico? Paanong napasok ang pangalan ng pervert na ulyanin na yun?

"Anong tungkol kay Grico? At bakit nagsinungaling ba kayo tungkol sa kalusugan niyo!?" Medyo napataas ang boses ko. Bakit kasi kailangang gawing biro abg kalusugan?

"Anak huwag ka namang sumigaw."

"What the hell is going on!? Ano bang kalokohan ito? At paanong nangyari na kagagawan itong lahat ni Grico? Ee nagkita kami kanina! Hinabol ko pa nga! Hindi niya daw ako kilala! At girlfriend niya daw si Breena!" I cried. Kanina ko pa pinipigilan yung sakit.

"What?" Oh ee sabay pa talaga sila.

"Yeah. I saw him kanina. Pero hindi niya ako matandaan."

"Gagong bata na yun ah? Matapos kaming sumangayon sa plano niya! Sasaktan ka na naman!"

"Anong plano? Ano bang nangyayari!" Leshe naguguluhan na ako ah!

"Simula kasi nung umalis tayo, naging miserable ang buhay ni Grico. Maging yung daddy Fred ninyo hindi siya mapigilan sa paglabas at pag-inom. In short naging patapon ang buhay niya. llang buwan din siyang ganun." Shit! Naiiyak ako. Kung pinakinggan niya lang kasi ako! "Until one day he had a car accident. Na-paralize yung mga binti niya for almost two months!" Accident? Damn! Kinakabahan ako! "Dun lang siya nalubay sa pag-inom. Then nakita ka niya sa isang magazine. Nakita ka niya with Zultan. Selos na selos ang loko." Shit! Sa edad kong ito kinikilig pa pala ako? Leshe ka Grico. "Then ayun! Sinundan ka niya sa London. Pero nakita ka niyang masaya kasama si Zultan. Iginala niyo noon si Ghani. Umuwi siyang wala sa sarili. Kinausap niya ang daddy mo noon. Humingi ng tawad pero matigas ang loob ng daddy mo. Hindi niya tinanggap yung sorry ni Grico. Hindi niya pa rin alam ang totoo noon na anak niya si Ghani. Yun ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya pinatawad ng daddy mo. Until one day nagpakita samin si Kenzo at inabutan siya ni Grico. Ano pa bang aasahan mo sa pagkikita nila? Sinabi sa amin ni Kenzo ang totoong nangyari. Na wala talaga kayong affair at nadala lang siya ng pagmamahal niya sa iyo kaya ko niya nahalikan at yun ang eksenang inabutan ni Grico. Narinig yun lahat ng asawa mo. Nakaluhod siyang umiiyak." Damn! Ang higpit sa dibdib! "Nagsisisi siya na hindi ka niya pinagkatiwalaan. Nagsisisi siya na nagpadala siya sa selos at galit."

"Pero mom alam na pala niya na nagsasabi ako ng totoo. Bakit hindi niya man lang ako sinuyo!? Bakit hindi niya ko sinundo sa London!"

"Anak, Leanne. Dahil nahihiya na siya sa iyo. Sabi niya noon sa akin. Mukhang masaya ka na raw sa buhay mo sa London. Na mukhang nakamove on ka na kasama si Zultan. Sinisisi niya ang sarili niya anak." Peste! Di man lang niya ako ipinaglaban? Ganun na lang yon? Hindi man lang niya inisip yung anak niya?

"Di man lang ba niya naisip na ipaglaban ang karapatan niya sa anak namin!"

"Naisip niya anak, kaso wala na raw siyang mukhang ihaharap sayo. Matapos lahat ng kagaguhan niya. Lahat ng pananakit. Inamin niya lahat sa amin ang nangyari sa inyo. Galit ako oo pero pinatawad ko siya dahil naging matapang siyang aminin sa harap namin ng mommy mo yung mga katarantaduhang ginawa niya sayo." Si Daddy.

"It's okay anak. Iiyak mo lang." Mom hugged me.

Bwisit kang pervert ka!! Bakit ba lagi mo nalang akong sinasaktan at pinapa iyak. But despite all of that BAKIT MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA!!

"Anak intindihin mo nalang si Grico. Natatakot siya noong harapin ka. Nahihiya siya sa iyo dahil sinabi niyang mahal ka niya pero hindi ka niya nagawang pagkatiwalaan."

"Pero bakit natiis niyang lumipas ang limang taon na hindi kami kausapin ng anak ko!"

"Dahil gusto niyang ienjoy mo muna yung buhay mo sa London. Ayaw niyang kunin yung mga achievements mo."

"Ee bakit ngayon? Anong sinasabi niyong plano?"

"Nabasa kasi ni Grico yung article tungkol sa inyo ni Zultan." Ee!? Yung rumored fiancée daw ako ni Zultan??

"Alin? About sa rumored fiancée??"

"Oo kaya kinuntsaba niya ang daddy mo. Siya nga dapat ang susundo sa'yo sa airport e."

"Pero bakit hindi niya daw ako matandaan?"

"Ewan?? Baka nagselos dahil kasama mo si Zultan?" You're so done Pervert.

"Saan nakatira yung lalaking yun!?"

"Sa dating bahay niyo pa din."

Handa na ba akong makita yung bahay namin? Handa na nga ba akong harapin ka pervert? Handa na ba akong balikan lahat sakit at nakaraan? Siguro naman. Sapat naman na siguro lahat ng pasakit na nangyari sa amin. Biktima lang naman kami ng sakim na pagmamahal ee.

To be continued...

Arrange Marriage With Mr. Pervert ✔️ (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon