Chapter Fifteen: HEARTACHES.

475 5 0
                                    

Chapter Fifteen: HEARTACHES.

Three days ng wala ang asawa ko. Three day na puro iyak at pagaalaga. Three days na din akong nababaliw kakaisip kung nasaan siya.

Pagkagising ko after nung nangyari ay wala na siya. Kinuha niya lahat ng gamit niya. I calm myself. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko para sa anak namin.

Grico namimiss na kita! Yung husband na makulit. Yung perv na Grico. Yung pagtawag mo sakin ng my loves. Bakit ba kasi hindi muna siya makinig sakin? Ganun ba kahirap na pagkatiwalaan ako?

Tama! Si Kenzo siya lang ang makapagpapatunay na nagsasabi ako ng totoo! I dial his number pero napabalikwas ako ng makarinig ako ng ugong ng sasakyan.

"Si Grico? Waaaah umuwi siya! Sabi ko na nga ba hindi niya ako mastitis. Nagsuklay ako at nagpabango. Baby andyan na si Daddy mo, huwag kang magalala sasabihin ko na, na magiging daddy na siya. I'm sure matutuwa siya." Para akong tangang hinihimas yung maliit ko pang tummy.

Binuksan ko yung pinto pero lahat ng sayang nararamdaman ko ay napalitan ng pagkagulat at sakit.

I saw my husband and Breena. This bitch! Bakit niya kaakbay ang asawa ko? Hinga Leanne! Makakasama kay baby na ma-stressed ka. Arghh. Tatanggalan ko lahat ng bulbol sa katawan niya! Wala siyang karapatang hawakan ang akin!

"Grico..." Para akong binuhusan ng malamig at nagyeyelong tubig ng galit siyang tumingin sakin at hinalikan ang bisugong hipon na octopus na babae ng ito! Haliparot na babae! Damn. Asawa ko hinalikan niya! Pero asawa ko ang humalik hindi ba? Ano bang nangyayari sayo Grico? Bakit mo ginagawa ito! "Ano bang nangyayari sayo Grico? Why did you kissed her. Grico asawa mo ako! Kasal pa rin tayo! Bakit kasi ayaw mong makinig sakin!?"

"Para ano Leanne? Para lasunin ang isip ng asawa mo?" Abat! Hayup na Breena na to? E siya lumalason sa isip ng asawa ko ee!

"Hoy babaeng tinubuan ng makeup sa mukha! Ngayon ko lang nalaman na nagsasalita pala ang hipon!  You slut! Layuan mo nga ang asawa ko! Alam ko na yang tactics mo! Nilalason mo ang isip ni Grico!" Akmang sasabunutan ko siya pero inilayo siya ni Grico.

"Stay away from her! Damn you Leanne!" He stared at me na para akong isang tae! Puno ng pandidiri. Grico. I cried.

"Grico ano bang nangyayari sayo? Nabubulagan ka ng isang eksenang hindi mo alam ang totoong nangyari. Try to comfront Kenzo! Alam niyang nagsasabi ako ng totoo!"

"Really? Nagawa ko na Leanne! Malandi ka! Matagal na daw kayong may affair habang wala ako! Napakasama mo! Ipararanas ko sayo lahat ng sakit! Lahat ng pagtataksil na ginawa mo!" Yun lang at hinalikan niya si Breena sa harap ko. Hindi ako makagalaw. Masakit pero bakit hindi ko maialis sa dalawang unti-unting nawawalan na ng saplot sa katawan ang mga mata ko? Bakit Kenzo? Bakit sinisira mo ang buhay ko? Bakit ka nagsinungaling kay Grico?! Hindi ako makahinga sa sobrang paghikbi. Pakiramdam ko namamanhid lahat ng katawan ko. Bawat ungol, bawat paglaglag ng mga damit nila nakita at narinig ko. Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko? Paano pa kita ipaglalaban Grico? Masaya tayo hindi ba? Mahal kita at mahal mo ako pero bakit hindi mo ako kayang paniwalaan?

Tumayo ako habang tukop ko ang bibig ko. Hindi kita iiwan Grico. Gagawin ko ang lahat para malaman mong nagsasabi ako ng totoo. Mahal na mahal kita Pervert at gagawin ko lahat ng makakaya ko hanggang bumalik tayo sa dati para sa anak natin.

Kinabukasan...

Nagising ako sa amoy ng sinangag. Shit! Parang hinalukay yung tyan ko. Nagtatakbo ako sa kusina at nagsusuka sa lababo. Aissst baby naman huwag mo namang pahihirapan si mommy. Pero nagulat ako sa mariing paghawak sa braso ko.

"Gri--grico!"

"Buntis ka?!"

"Oo. Tatay ka na." I gasp when he slapped me again. Masakit pero mas masakit na ginaganito na niya ako ngayon!

"Hayup ka! Tangina naman Leanne! Ipaaako mo pa talaga sakin ang kataksilan niyo ng Kenzong yun? Argghhh shit!" Lahat itinaob niya, binasag niya, ipinukol niya! Lahat ng mahawakan niya! Natatakot na ako pero ayokng iwan siya ng ganito!

"Grico please huminahon ka ikaw ang ama ng baby natin! Nagsinungaling lang si Kenzo sayo!"

"Hindi ako bobo at hindi ako tanga! Tatlong linggo akong nawala! Hindi pa rin kita ginagalaw buhat ng makabalik ako tapos buntis ka na! At ako ang ama? Hahahaha nagpapatawa ka ba? Damn you Leanne! Cursed you!"

"Grico.." Natulala nalang ako habang iniwan niya ako dito sa kusinang nanghihina, umiiyak at walang magawa. Paano ko pa nga ba ibabalik ang mga piraso ng isang bagay na nabasag na? Grico mahal na mahal kita at kahit hindi mo ako paniwalaan? Kahit ipagtabuyan mo ako ipaglalaban kita. Miss na miss na kita! Yung mga yakap mo, yung mga halik at haplos mo! Hindi ako susuko. Hindi ka sumuko sa akin noon. Hindi ka nagsawa kaya hindi rin ako magsasawa.

To be continued....

Arrange Marriage With Mr. Pervert ✔️ (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon