Chapter Thirteen: WHERE IS GRICO.

518 6 0
                                    

Chapter Thirteen: WHERE IS GRICO.

After that wonderful fight.

"Ang sarap mo talaga my loves hehe." Siya habang nakayakap pa rin sakin. Nandito pa din kami sa ibabaw ng table niya. Yeah we did it here.

"I know right. Tss. Grico naman date naman tayo? Inip na inip na ako sa bahay. Lagi kang nandito wala ka ng oras sakin!" Nakakatampo kasi puro si Manang nalang ang kasama ko palagi. Ano naman paguusapan namin ni Manang.

"After ko matapos lahat ng papeles na iniwang nakatambak ng parents natin? Promise lahat ng oras ko sayo nalang. Para makabuo na rin tayo ng Grico Junior natin hehe." I blushed. Waaah! Baby!? Ano ba? Sasabihin ko ba? Pero paano kung delay lang pala ako? Ayoko namang paasahin siya! Aissst sisiguraduhin ko muna bago ko siya isama sa doktor. I don't want to dissapoint him. Kainis kinakabahan tuloy ako!

"Ayoko ng promise do it or else si Kenzo isasama ko makipagdate!"

"Ano?!!" Syempre joke yun wala na akong nararamdaman kay Kenzo gusto ko lang siyang takutin para tapusin na niya ang mga ginagawa niya.

"Kaya nga bilisan mo dyan okay?" Pero ang walanghiya naningkit na yung mga mata! Okay ang hot niya ngayong wala siyang suot haha pero waaaah! Kakaiba kasi yung paglapit niya? Parang! Parang waaaah!

"Grico! Anong? Anong gagawin mo!?" Bwisit siya! "Wahahaha Grico! Tama na! Hahaha tama na bwisit! hahahaha tama na! Please!" Hindi na ako makahinga! Ang walanghiya kasi kiniliti yung paa ko ang lakas pa naman ng kiliti ko dun waaaah bwisit talaga siya.

"Ano? Ano ha? Sasama ka pa sa Kenzo na yun?"

"Hahaha hindi naman talaga e haha please tama na. Pagod na ko!"

"I love you myloves. Mahal na mahal kita asawa ko." Ahem asawa ko daw leshe kinikilig ako promise. We we're kissing passionately when someone knocks. Tsk. Abala!!

"Uwi nalang tayo? Bukas ka na pumasok!!??"

"Di talaga pwede myloves. Baka importante yung ipinunta nung secretary ko? Wait  kakausapin ko lang siya. Get dressed ipahahatid na kita sa bahay." Tss. Ano pa nga ba? Pero ayoko pang umuwi! Sa doktor nalang siguro ko pupunta.

"Hindi na kaya ko namang umuwi magisa ee."

"Myloves naman. Huwag ka ng magtampo. Promise Ill make it up to you."

"Di ako nagtatampo. Sige na. Baka urgent yan" Pagkabihis ko agad akong lumabas ng office niya.

3 WEEKS LATER...

Grico!! Damn you. Argh! Three weeks na ah?? As in tatlong linggo! Three weeks na siyang hindi tumatawag o nagpaparamdam manlang! Promise promise! Aissst mababaliw na ako peste kang pervert ka! Kulit alam mong mahal na mahal na kita tinitis mo ako! 

After nung nangyari samin sa office niya biglaan namang nagka-bussiness trip sa Cebu! Tinawagan lang ako tapos wala na! Wala na talagang communication! Nagaalala na ko pero ni hindi ko alam saang lupalop sa Cebu ko siya susundin! Marami ng tumatakbo isip ko.

Sino kasama niya?

Kumain na ba siya?

Naiisip niya pa ba ko?

Bakit di siya tumatawag?

Di na ba niya ko mahal?

Ang daming bakit sa isip ko pero walang makasagot dahil kahit text man lang wala!

Mababaliw ako taena!

Bakit? Bakit natitiis niya ko? Naiiyak na ko peste! Bakit grico? Hindi mo na ba ko mahal?

The day na umalis siya ay yung araw din na nakumpirma ko na buntis nga ako. Pero paano ako magiging masaya? Paano kung ni hindi man lang ako naaalala ng tatay ng batang nabubuhay sa loob ng sinapupunan ko? Gusto kong i-share sa kanya yung sayang nararamdaman ko pero paano? Wala siya. Umalis siya at ni wala na nga kaming contact sa isa't-isa.

Hindi ko na din inamin kay manang na nagdadalang-tao ako. Bakit pa? Wala naman si Grico ee. Siya dapat ang unang makaalam dahil asawa ko siya. Waaah ang drama ko na! Nagtatampo ako pero umuwi lang siya? Ibababa ko na yung pride ko bwisit! Mahal na mahal ko siya ee. Miss na miss ko na siya. HAYUP KANG PERVERT KA! PAGUWI MO HINDI TALAGA KITA PAGPAPAHINGAHIN.
Bakit natitiis mong di man lang ako KAMUSTAHIN? Wala ka naman sigurong babae di ba? Mahal mo ko hijdi ba? Waaah mababaliw na talaga ko!

*dingdong*

Eee?+? Sino naman magiging bisita ko? Sila daddy nasa Spain naman ngayon? Pinahiran ko yung mga luha ko at nainis na bumangon. Hala ang pangit ko haha. Ni hindi ko na makuha maligo kainis.

*DINGDONG*
"Peste ayan na!" Bakit ba mainit ulo ko e pssh. Pero hindi ko inaasahan kung sino ang nasa labas.

"Kenzo? Waaaah Kenzo!! Ikaw ba talaga yan?"

"Hi best?" Waaah bakit ang hot niya? Dati cute lang siya bakit ngayon, okay lumaki katawan niya pero hindi ako nagtataksil ah? Talagang naging hot lang siya. "Where have you been? Bakit waaah namiss kita!"

"Best naligo ka na ba hehe?" Putcha waaah nakakahiya! Hindi pa nga pala ako naliligo three days na nakakahiya talaga

"Hehehe pasok ka muna!"

To be continued...

Arrange Marriage With Mr. Pervert ✔️ (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon