Chapter Fourteen: MISUNDERSTANDING.

514 7 0
                                    

Chapter Fourteen: MISUNDERSTANDING

Nang sa wakas nakaligo na ako.

"Best nainip ka ba?"

"Huh?"

"Best may problema ka ba? Bakit parang namutla ka?"

"Huh? Wala naman. Wala akong problema. Ikaw kamusta?" Ang gwapo talaga niya ngayon. Hala huwag naman sana siya ang paglihian ko baka magalit sakin yung perv na husband ko.

"Huh!? Medyo hindi okay ee. Nakakainis best. Pero huwag na nating pagusapan hehe. Ikaw? After one and a half month ngayon mo lang ako dinalaw?"

"I'm trying to moved on Leanne."

"Okay lang tanggap ko naman na. Pero aaminin ko mahal pa din kita."

"Kenzo naman ee."

"Haha nagblushed ka best! Hahahaha."

"Heh! Tumigil ka nga jan!"

"Nga pala asan asawa mo? Bakit nagiisa ka dito?"

"Tsk. Naku best huwag mo ng itanong! Ako nga hindi ko alam kung saang lupalop ko hahanapin ang asawa ko!"

"What? Anong ibig mong sabihin? Pinapabayaan ka ba ni Grico huh Leanne?"

"Huh? No!! Ano kasi hindi pa siya nagpaparamdam buhat nung huli naming pagkikita!"

"At kailan kayo huling nagkita?" Ano ba to? Interrogation?

"Three weeks na." I look down.

"Three weeks? Ni hindi siya tumawag o nagtetext man lang?" Tumango nalang ako kainis. One and a half month na yung baby sa tummy ko pero wala pa din siya! Parang gusto kong umiyak sa harap ng bestfriend ko pero alam kong mali! Mali dahil maling i-comfort ako ng taong may nararamdaman pa din sakin. Haissst! "Mahal ka ba talaga ni Grico?"

"Kenzo naman! Mahal ako ng asawa ko! Mahal niya ako alam ko yun! Alam kong may dahilan kung bakit hindi pa siya tumatawag."

"At ano? Ni text wala! Hindi ba siya nagaalala sayo? Dapat ata ipinaglaban talaga kita ee!" I cried.

"Shhhh it's okay Leanne. I'm here. Hindi kita pababayaan." Hindi ko alam pero parang bata na akong napayakap kay Kenzo. Lahat ng sama ng loob ko, lahat ng hinanakit ko kay Grico inilabas ko sa pagiyak. Miss na miss ko na siya. Nasaan na ba kasi siya? Bakit di siya tumatawag? Bakit!

"Best mahal ako ni Grico alam ko yun, pero bakit natitiis niya ako?
Bakit wala pa siya?"

"Malay mo busy lang talaga siya?"

"Gusto ko ng magrebelde, gustong-gusto ko ng magalit sa kanya pero paano? Mahal na mahal ko siya ee. I'm sorry Kenzo hindi ko na dapat sinasabi sayo ito pero kasi ang sakit-sakit na ee." Nakakahiya. Lumayo ako sa kanya. But he pulled me closer and kiss me! Why did he kissed me!? Hindi ako makagalaw! Hindi ako makareact.

Pero kasabay ng pagkabigla ko, biglang bumukas yung pintuan and I saw my husband! Anong gagawin ko? Itinulak ko ng malakas si Kenzo alam kong nabigla siya pero galit ako! Baka anong isipin ni Grico! Alam kong hindi ako nagtataksil! Peste. Agad kong nilapitan si Grico pero sinampal niya ako.

"Malandi ka!"

"Grico!"

"Pare wag mong sasaktan ng ganyan si Leanne." Shit! Kenzo bakit nakikisali ka pa?

"Kenzo pwede ba huwag ka ng makialam! Damn you! Umalis ka na hanggat kaya ko pang magtimpi! BAKIT MO BA KASI AKO HINALIKAN! You kissed me and my husband saw it! Nakakagago lang dahil akala ko kaibigan kita!" Nakaalis na si Kenzo pero balot pa din kami ng tensyon.

Arrange Marriage With Mr. Pervert ✔️ (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon