Chapter Seventeen : GOODBYE FOR NOW.

509 8 0
                                    

Chapter Seventeen : GOODBYE FOR NOW.

Nakatulala lang ako habang nakaupo dito sa kama. Itong guest room na ito ang saksi sa lahat ng sakit na naranasan ko. Damn him. Mag eight months na ang tiyan ko. Isang buwan nalang at manganganak na ako pero nagawa niya pa sakin ito. Buti nalang sana kung ginamit niya ako ng may pagmamahal pero puro galit at pagkamuhi ang ipinararanas niya sakin! Bawat halik, bawat hawak, lahat ng yun may pagkamuhi at pandidiri. I miss the old him. His touch. His kisses. Yung mga ngiti at tawa niya. Yung pagaalaga niya sakin.

Pag-alis ko dito mamimiss ko lahat tungkol sa asawa ko! Ngayon palang bumabaha na ang mga luha ko. Kung pinagkatiwalaan niya lang sana ako, kung pinakinggan niya ako. Nakakainis siya! Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko lang pala lahat!

"Baby I'm sorry, I need to do this. Kailangan kong iwan ang daddy mo. Hindi na kasi healthy para sa atin na mag-stay pa kasama siya ayoko namang mapahamak ka." Nagulat pa ako ng biglang bumukas yung pintuan.

"Daddy bakit niyo ba kukunin si Leanne? Asawa ko na siya! Ako ang may karapatan sa kanya!" Galit na galit si Grico habang nakasunod sa daddy ko. Si mommy naman ay nilapitan ako at niyakap. I gasp for air when my dad punch Grico.

"Dad! Tama na po please!" Hindi bayolente ang daddy ko pero ngayon galit na galit talaga siya habang sinusuntok si Grico.

"Hayup kang lalaki ka! Ipinagkatiwala ko sayo ang anak ko! Sabi mo mamahalin mo! Naiiyak na naman ako." Akala ko kasi dati hindi ako mahal ng mga magulang ko pero ngayon, napatunayan ko na mali ako. Pero naaawa na din ako kay Grico. "Sana isinoli mo nalang siya sa amin! Damn you! Hayup ka Grico!"

"Hindi niyo alam ang kalandiang ginawa ng anak ninyo!"

"Hindi kita kahit kailan man niloko Grico! llang beses ko bang ipapaliwanag sayo? Bakit kasi hindi mo buksan ang isipan mo! Anak mo ang dinadala ko! Nakakainis ka na!"

"Anak kumalma ka! Malaki na ang tiyan mo baka mapaanak ka ng mas maaga?" Tama si mommy.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa! Pero hindi dahilan yun para pagbuhatan mo ng kamay ang anak ko! Nakagayak ka na ba Leanne!? Tara na! Ayoko ng makita kahit dulo ng daliri ng asawa mong palenghado ang utak! Tangina mo Grico ibinigay ko sayo ng maayos at masaya ang anak ko! Pero isinoli mong mukhang ube ang katawan! Huwag kang magalala kaya kong alagaan at mahalin ang anak na ayaw mong kilalanin!"

"Daddy. Huwag po. Huwag ninyong kunin si Leanne." Shit! Wag kang umiyak Grico! Bwisit ka talaga bakit ka umiiyak? Mahal mo pa ba ako?

"Pwede ba Grico? Huwag mo kaming dramahan! Huwag mo ng bilugin ang ulo ng anak ko!"

"Please Leanne huwag mo akong iwan." Pero hindi wala na siyang tiwala sakin. Paano kung pumayag ako, paano kung saktan niya ulit ako. Ayokong mapahamak ang anak ko. Mahal ko siya. Mahal na mahal, pero tama na muna yung sakit.

"Anak huwag ka na ulit magpaloko sa hayup na yan!"

"I'm sorry Grico pero sasama muna ako kila daddy." Nagulat ako ng bigla niya akong hablutin sa tabi ng mommy ko. Ayan na naman siya! Naging incredible hulk na naman siya!

"Leanne ano ba! Asawa mo ako! Siguro iiwan mo ako para maging malaya na kayo ng Kenzo mo ano?! Maglalandi ka na naman? Napakakati mo talaga!"

"Don't you dare touch or hurt my daughter!" Shit si mommy! Sinampal niya si Grico.

"Mommy."

"Huwag mo akong tawaging mommy! Tahimik lang ako dahil iniintindi kita! Pero ang saktan ang anak ko sa mismong harapan ko pa? Antayin mo ang annulment papers niyo. Ito na ang huling beses na makikita mo ang anak namin!" Huling beses? Annulment?

Arrange Marriage With Mr. Pervert ✔️ (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon