KABANATA XIII

267 66 26
                                    

KABANATA XIII: ARHETILLA

Shanelle

"Arhetilla?" takang pagkakasambit ko nang marinig ang tinig ng magandang babae nakakasilaw ang kagandahan. Kutis purselana ang kanyang balat, mahaba ang buhok, at kung paano siya manamit ay talagang kakaiba at napakamisteryoso. Ang kanyang tinig ay kahawig sa boses na narinig ko sa aking silid. Para siyang diwata.

Nakita ko siyang tumango. "Tama ang narinig mo binibini, ito nga ang lugar kung saan totoo ang mga mahika. Marahil naguguluhan kayo pero iyon ang katotohanan. Sa pamamagitan ng aking kapangyariha'y dinala ko kayo rito para sa napakahalagang bagay," sabi nito at lumapit sa amin. Sa parehong oras, naalala ko sa Klean. Malaki ang sugat niya at kinakailangang magamot agad.

"Klean, kaya mo pa bang tumayo?" nag aalalang tanong ko kay Klean na nakaupo na ngayon sa damuhan at hindi kumikibo.

"Oo," matipid niyang sagot ngunit kitang-kita pa rin na iniinda niya ito. Kasalanan ko. Hindi sana siya masasaktan kung hindi dahil sa akin at ngayon ay nagdurusa siya. Hindi ko alam ang aking gagawin. Natatakot ako.

"Kailangan kitang dalhin sa pagamutan!" natarantang sabi ko at hinawakan ang sugat niyang patuloy sa pagdurugo.

Napadaing siya kaya naisipan ko siyang yakapin upang hindi niya maramdaman ang labis na sakit nito. Hindi ako manggagamot at wala akong mahika para mapagaling siya kaya ito nalang siguro ang maitutulong ko.

"Binibini, kung sino ka man maaari mo ba kaming tulungan? May sugat ang kasama ko, pakiusap tulungan mo siya!" pagmamakaawa ko rito. Wala na akong pakialam kung ano ang sabihin niya sa akin basta't ang mahalaga ay magamot si Klean sa lalong madaling panahon. Hindi siya maaaring magtagal sa ganitong kalagayan.

Nakita kong hindi siya umimik sa halip ay napadako ng tingin kay Klean at umupo sa harap nito. "Hindi ba't kaya mong gawin iyon, bakit hihingi ka pa sa akin ng tulong, mahal na prinsesa?" Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Paano niya nalamang prinsesa ako? Dahil ba sa aking suot? Ngunit hindi ito ang kasuotan ng prinsesa. Sino ang babaeng ito at ano ang mga sinasabi niya? Hindi ko maintindihan, anong 'Kaya kong gawin iyon', ang alin? Naguguluhan ako ngunit mas nananaig pa rin ang pag aalala ko para kay Klean.

"Sandali, hindi ko maunawaan. Puwede mo bang ipaliwanag sa 'kin? Saka paano mo nalamang isa akong prinsesa? Nagkakilala na ba tayo noon?" naguguluhang tanong ko. Sinulyapan niya ako at hinaplos ang aking pisngi.

"Nararamdaman ko ang iyong awra. Alam ko rin na ika’y mula sa maharlikang pamilya at may taglay na. . . ." Naputol ang sinasabi niya 'pagkadaing nang mariin si Klean at kasabay nito ang pagsuka niya ng dugo.

"Hindi bale, ako nang gagawa para sa kaibigan mo dahil mukhang hindi mo pa nalalaman ang anumang sinasabi ko," sabi niya. "Wag kang matakot, hindi siya mamamatay. Nasa mundo kayo ng mahika kaya walang imposible rito," dagdag pa niya at hinawakan ang kamay ni Klean kasabay nang biglang pagliwanag ng buong katawan nito. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nakita ang ganito. Hindi ko akalaing makikita ito ng sarili kong mga mata. Halos hindi ko na maisara ang bibig ko sa kamangha-manghang nakikita ko. Hindi ko inalis ang paningin ko sa ginagawa niya at nanatiling nakatitig.

Ilang minuto na ang lumipas bago tuluyang naglaho ang liwanag. Sa mga sandaling iyon, matagumpay niyang napagaling si Klean, ngunit nawalan pa rin ito ng malay.

"Bakit?" tanong ko nang naguguluhan.

"Huwag kang mag-alala, ayos lang siya. Nahimatay lang siya dahil sa pagod. Halika, sumunod ka sa akin. May maliit na bayan doon sa malapit. Doon siya maaaring makapagpahinga," sabi niya sa akin. Tumango ako at inalalayan si Klean.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating kami sa isang maliit na bayan. Napakaganda ng lugar—mukhang mapayapa at malayo sa anumang kaguluhan. Napansin ko ang mga kakaibang tao na naroon. Ang kanilang kasuotan ay naiiba kumpara sa mga taga-Wiseman. Bukod dito, gumagamit sila ng iba’t ibang uri ng kapangyarihan sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Napakabanal ng lugar na ito at parang pumasok kami sa isang mundo ng fairytale, katulad ng mga binabasa ko sa mga aklat. Hindi ko akalain na may ganitong lugar na totoo.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)Where stories live. Discover now