WAKAS (EDITING)

184 23 51
                                    

Note: Ang video na nasa taas ay mula sa YouTube at sa Original Uploader kaya ibig sabihin, hindi sa akin iyan, I put this as a credits to the rightful owner para aware kayo. Thank you!

( ANG PAGTATAPOS )


KLEAN GHIO AIZAWA and SHANELLE KEIS WISEMAN

Thadeo's (King of Yhegerre)

Kahit malayo, tanaw na tanaw ko pa rin ang mga kaganapan sa buong Wiseman. Kitang-kita kung paanong madurog ng paunti-unti ang lugar nila. Ito na yata ang katapusan ng paghahari ni Willengham. Marami ng nawala sa mga tauhan niya, iyon ba ang pinakamakapangyarihang kaharian, mukhang nagkamali ako ng akala. Masyado lang yata mataas ang tingin ko, wala pala silang ibubuga.

Hindi manlang sila nakapaghanda para sa pagsalakay namin, marahil kahambugan lang ang alam nila. Batay sa mga naririnig kong impormasyon, hirap na rin sa pakikipaglaban ang karamihan sa mga Elite Soldiers. Kinakapos na sila. Ano ng gagawin ng mga iyon para abangan ang mga susunod na pag ataki.

"Haring Thadeo, kumusta ang tanawin, hindi ba't ang ganda pagmasdan? Sa isang tirahan lang, kalahati ng Wiseman ay mabilis na nabura, ano pa kaya kung gamitin natin sila ng pinakahuling armas na mayroon tayo, ano sa palagay mo?" nakangising sabi ni Reindrick na tila nagtagumpay sa laban.

"Ano bang aasahan ko, napakahusay ng iyong grupo. Ipagpatuloy mo lang iyan," puri ko sa kaniya.

"Kumusta ang hanay nina Lavazor? Anong ginagawa nila?" tanong ko.

"Nasa hilagang-silangan po sila, naroon nakapuwesto ang Fire machine, hinihintay nalang na maayos bago gamitin," sagot niya.

"Ah sige. . .eh iyong fire ball kanina, sino ang may gawa no'n? Bakit tinira agad ang palasyo? Wala pa naman akong hudyat na gawin iyon," pagalit kong sabi.

Bahagyang nagkamot sa ulo si Reindrick at inosenteng tumingin sa akin. "Ano pong fire ball? Akala ko ho, sa inyo iyon?!"

"Ha? Anong sa akin? Hindi pa ako nagpadala ng ganoong armas, akala ko ba sa inyo? Bakit bumabalik sa 'kin?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi mo na po kailangang mabagabag tungkol do'n, ang kupunan ko na mismo ang gumawa," sambad sa usapan ni Hazhiah.

"Bakit mo naisipang gawin ang kalokohang iyon? Hindi pa lakip sa pagpapabagsak ang palasyo, uunahin natin ang mga tauhan nila hanggang sa malagas, bakit kumilos kayo ng walang pakundangan at permiso sa nakatataas? Alam ba ito ni Calliote?" galit kong tanong.

"Hindi na po kailangan, nangyari na eh, ang dapat na isipin mo ay kung papaano mananalo laban sa kanila. May nalaman ang tauhan ko, tumawag ng tulong ang Wiseman sa ibang kaharian, at ngayon ay paparating na sila rito. Dadaan ang malaking grupo nila sa unang tarangkahan ng kaharian," sabi ni Hazhiah.

"Totoo ba iyan?"

Umangat ang isang kilay niya at suminyas sa kanan, nakita ko ang ilan sa mga tauhan naming umaatras. Unti-unti na ring bumubukas ang malaking tarangkahan at iniluwa roon ang daan-daang mga mandirigma.

Wala sa oras kong napukpok ang barricade na nasa harap ko at nagmadaling bumaba. "Hoy, ano pa bang itinatayo-tayo niyo riyan, harapin niyo sila, 'wag niyo silang hayaang makalapit. Kung kinakailangang gamitin ang makapinsalang armas ay gamitin!" singhal ko sa kanila.

"Masusunod, mahal na hari!" sagot ng mga ito.

"Thadeo!"

"Haring Calliote, anong balita sa iyong mga tauhan?" nakangiting tanong ko kay Calliote na papalapit sa akin sakay ng kabayo.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)Where stories live. Discover now