KABANATA XLI: ANG KAPANGYARIHAN
Third Person
Sumapit ang maalinsangang gabi, ang buong palasyo'y tahimik. Huni ng ibon at palaspas ng mga dahon sa labas ang tanging maririnig sa paligid. Sa mga sandaling iyon, nakakulong sa loob ng kuwarto ang mahal na Prinsesa at matiyagang naghihintay kay aling Theresa. Ngayong gabi, siya'y muling susubok na tumakas. Subalit paano nga ba niya ito magagawa kung wala na siyang ibang madadaanan kundi ang nag iisang pintong nakaharap sa pasilyo ng palasyo? Ang bintana ng kaniyang kuwarto ay isinara, tinabunan ng mga taong naatasang gumawa. Kaya naman, ang tanging pag asa ng Prinsesa ay ang mailabas siya ni aling Theresa nang hindi mapapansin ng hari at reyna.
Hindi siya mapakali, nakahiga sa kama at kanina pa pagulong-gulong. Halos kalahating oras na siyang naghihintay subalit wala pa rin ito. Pasado alas dose na. "Nasaan na kaya si aling Theresa, bakit hindi pa rin siya sumisipot? Akala ko ba itatakas niya ako? Nagbibiro lang ba siya kanina?" nangangambang tanong ng Prinsesa sa sarili.
Habang siya'y nag iisip ng mga negatibo, biglang bumukas ang pinto. Sa una, siya'y natakot sapagkat ang anino nito'y tila anino ng Prinsipe. Siya ay umatras. Pinagmasdan niya ang pagpasok nito hanggang tumambad sa kaniya si aling Theresa. Nakatakip ang mukha nito ng itim na tila.
"Aling Theresa," nagagalak na sambit ng Prinsesa.
"Magbihis ka na mahal na prinsesa, lalabas tayo!" tugon nito. Tumango si Shanelle at agad na nagpalit ng damit. Nagsuot siya ng mahabang balabal at pantakip sa mukha. "Aalis na ho ba?" tanong ni Shanelle pagkatapos niyang makapagpalit.
"Oo, sumunod ka lang sa akin at huwag kang maingay. Huwag mong kalimutang dalhin ang larawan na ibinigay ko, iyon ang tutulong sa iyo para matandaan mo ang taong ibig kong pakigkitaan mo. Alang-alang ito sa iyo at kay Klean kaya kailangan mong mag ingat," mahabang tugon ni aling Theresa.
"Nauunawaan ko ho, makakaasa ka sa akin," saad ni Shanelle at isinuksok sa bulsa ang maliit na larawang ibinigay sa kaniya.
Tumingin si aling Theresa sa pinto, sinilip niya kung may ibang taong daraan. Nang mapansing niyang wala, agad niyang hinila si Shanelle palabas at patiyad na nangilid sa pasilyo. Palinga-linga silang pareho.
Sa kabilang dako, magkatabing nakahiga sa iisang kama ang hari at reyna. Sila ay pareho pang dilat ang mga mata at masinsinang nag uusap tungkol sa kanilang anak. Wala silang kamalay-malay sa plano ng dalawa sa mga oras na yaon. “Sa tingin mo mahal ko, kailan kaya magbabago ng anyo si Klean? Matagal ko nang inaabangan ang pagbabago niya pero mukhang mas mahina pa siya kaysa mga naunang lobo,” takang sabi ni Willengam kay Rozell sabay haplos sa balikat nito.
“Baka na misunderstood ka lang, mahal. Baka hindi siya lobo at ibang tao ang tinutukoy mo,” sabi ni Rozell. Kahit alam niya ang totoo, tinanong pa rin niya ito dahil nagbabakasali siyang magbago ang isip ng asawa at ihinto ang masamang plano laban kay Klean.
“Hindi ako puwedeng magkamali, siya ang anak ng mag asawang lobo kaya walang dudang lobo rin siya,” siguradong sabi ni Willengham.
“At dahil ba roon ay walang pag asa ang dalawa na magmahalan? Sa nakikita ko'y mahal na mahal nga ni Shan si Klean,” ngiting sabi ni Rozell.
“Sabihin mo nga sa ’kin, kumakampi ka ba sa batang iyon? Alam mo namang hindi sila puwede sa isa’t isa pero bakit natutuwa ka pa riyan?”
“Hay ikaw talaga, para kang hindi dumaan sa ganiyan! Kapag pag ibig na ang pinag uusapan, madalas nagiging bulag tayo, pinipili natin ang mga bagay na hindi naman puwedeng maging atin kaya sa huli, nasasaktan. Pero hindi mo masisisi si Shan dahil unang beses siyang ma-inlove kaso lang, kay Klean na hindi naman tulad natin,” nakangusong sabi ni Rozell.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...