KABANATA XLIII: WALANG HANGGAN
Shanelle
Muli ko na naman nakita ang lalaking iyon. Ayaw pa rin niya akong lubayan. Desidido talaga siyang kunin ako. Dahil dito, pati si Klean madadamay pa. Man v.s Man ang laban nila kaya hindi ako maaaring makialam kahit sabihin pa nating ako ang dahilan. Ako lang ang magmumukhang kawawa rito. Siguro kailangan kong sundin ang tugon ni Klean ngunit sana nama'y okay lang siya. Kung hindi ako nagkakamali, may iniinda pa rin siya ngayon at hindi ko manlamang natanong if magaling na ba o hindi. Ayokong pilitin niya ang sariling lumaban. Puwede naman siguro kaming tumakas pero alam kong hindi iyon papayag si Klean. Hindi niya ugaling tumakas.
Sa ngayon, nagpapalitan sila ng ataki. Maliksi silang pareho at hindi ko masabayan ng mga mata ko ang mga galaw nila. Tanging tunog ng nagkakabanggaang talim ang naririnig ko.
"Klean, mag iingat ka," sambit ko at bakas sa aking sopranong tinig ang pag aalala. Walang araw na hindi ako nag alala sa kaniya, kundi araw-araw. Hindi ko mapigilang isipan ang mga posibleng mangyari sa kaniya. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang sinabi ng matandang babae. Malaki Ang tsansang si Klean ang taong sinasabi niya kaya gagawin ko ang makakaya ko para mapigilan iyon.
Napahawak ko ng mahigpit sa puno nang makita kong tumilapon ang isa sa kanila. Tumalsik sa puno ang kalaban ni Klean ngunit agad din namang bumangon at sumugod nang walang pagdadalawang isip. Nang makalapit si Reighan kay Klean, inambahan niya ito ng saksak subalit ito'y nailagan. Hindi alintana ang pagsablay ni Reighan kundi nagpahabol pa siya ng suntok. Tumama ang kamao niya sa puno na dahilan para mabali ito. Gulat na napaasik si Klean sabay tinuhod ang kalaban.
Tila walang epekto ang ginawa niya sapagkat hindi nagbago ang reaksiyon nito. "Hindi pang ordinaryong tao ang lakas niya. Sa isang suntok lang ay napatumba niya ang puno? Kagilagilalas," manghang sabi ko sa isipan habang pinanonood ang laban ng dalawa.
Maliban sa suntok na nakita ko, nakita ko rin ang isang braso niyang may hiwa't piklat ng tinahing sinulid. Nakapalibot ito sa kaniyang braso. Parang naputol na before ang kamay niya, maybe dahil sa laban nila ni Belle.
“Mas malakas ka na ngayon kaysa huli nating pagkikita," wika ni Reighan kay Klean sabay pagpag ng kaniyang damit na nadikitan ng alikabok.
"Mabilis lang pag aralan ang galaw mo kaya ’wag ka ng magtaka riyan," sagot naman ni Klean.
"Ah gano'n ba, nakakalungkot." Ngunit hindi kaya siya nalulungkot, sarcasm naman magsalita ang isang ito. It's hard to believe of everything that comes out from his mouth.
"Alam mo, nakakapagod na itong ginagawa natin, ang prinsesa lang ang kailangan ko kaya hindi na natin kailangang maglaban pa eh. Hindi mo kailangang ibuwis ang buhay mo para sa kaniya," sabi ni Reighan.
"Sinabi ko na rin sa iyo na hindi ko siya ibibigay sa isang tulad mo," sagot ni Klean.
Hindi tumugon si Reighan kundi tumingin sa 'kin at ngumisi. Ang ngiting iyon, ngiti ng pagtatagumpay. Wala na akong kailangang pagdudahan, siya talaga ang pumatay kay Belle.
Tumaas ang dugo ko sa galit at hindi na napigilan ang sariling mapabulyaw. "Napakasama mo, hindi mo lang inaamin pero ikaw talaga ang pumatay kay Belle!" Nagsimulang mangilid ang luha sa aking mga mata na anumang segundo ay babagsak na sa aking pisngi.
"Mag iingat ka sa mga sinasabi mo, nakamamatay iyan,” sabi ni Reighan.
"Itinatanggi mo pa, magbabayad ka!" mariing sabi ko at tiningnan siya ng mapintas na tingin. Umalis ako sa pagtatago sa likod ng puno at lumakad palapit kay Klean upang hiramin ang ispada niya saka naglakad patungo kay Reighan.
"Lalabanan mo ako?" takang tanong nito ngunit hindi ako sumagot.
"Shan, huminahon ka. Ako ang kalaban niya at hindi ikaw!" pagpigil ni Klean.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...