KABANATA XLII: PAGKAWASAK
Klean
Napatayo ako nang magkaroon ng malakas na pagsabog at pagkayanig ng buong lupain. Lahat ng mga taong nandito sa kulungan ay nakaramdam ng matinding takot sapagkat anumang oras ay maaaring bumigay ang kulungan at matabunan kami ng mga bato. Subalit hindi iyon ang pinangangambahan ko kundi ibang bagay. Kinabahan ako at tila ba'y gusto ko nang wasakin ang harang upang makalabas. Mas lalo akong nag alala kay Shan at sa buong bayan. Hindi ko makita ang mga nangyayari sa labas ngunit sapat ng malaman kung may nagpasabog. Isang malakas na kagamitan ang ginamit kung kaya't nagawa nitong yanagin ang lugar.
"Ano kaya iyon?"
"May gulo yata!"
"Ano pa bang ginagawa nila? Bakit hindi nila tayo palabasin, baka mapahamak tayo rito!"
"Oo nga!"
Sigawan ng mga priso. Lumapit ang bantay at sila'y pinatahimik. "Hindi kayo maaaring palabasin, ayon sa utos ng mga hukom. Huwag niyong kakalimutan kung bakit kayo nandito. Kahit ano pa man ang mangyari sa labas, magkaroon man ng kaguluhan o wala ay hindi namin kayo patatakasin. Mananatili kayo rito," sabi ng bantay.
"Hahayaan niyo kaming mamatay dito? Isang kahangalang desisyon. Nais niyo ba kaming mamatay? Ano bang kamalayan namin sa kaguluhan na iyan? Ano bang alam namin upang kami'y masangkot at mamatay? Problema't suliranin niyo 'yan!" lakas loob na sabi ng isang prisong nangunguna sa kasisigaw kanina.
"Problema na nga namin ito kaya wala kayong karapatan na maging pabigat sa amin. Manatili kayo rito!" tugon ng bantay.
"Mawalang galang lang, ngunit maaari ko bang malaman kung ano talaga ang nangyayari sa labas? Batay sa malakas na tunog at pagyanig ay hindi malayong nagkaroon ng pagpapasabog," singit ko sa kanilang usapan.
Nabaling ang tingin sa akin ng bantay. "Ayon sa report, nagkaroon nga ng pagsabog. Isang malaking nuclear ang umuntog sa kalahati ng bayan ng Wiseman, kalahati ng lugar ay nawala sa mapa sa isang iglap lang. Marami ang nasawi, sugatan, at nawalan ng tirahan. Nakakakilabot ang sinapit ng lugar na tinamaan." Habang sinasalaysay palamang niya ang ilang detalye, naiisip ko na ang kalagayan nila roon. Magkakahalo ang nararamdaman ko ngayon, takot, kaba, galit, at labis na pag-aalala.
"Anong ginagawa ng hari at mga Elite ngayon?" medyo matigas kong tanong sa kaniya.
"Hindi namin alam, wala pa kaming balita sa kanila. Nagpadala palamang ang mga hukom ng tao na mangangalap ng impormasyon," sagot nito.
"Isa akong Elite kaya kung maaari ay ilabas niyo ako rito. Handa naman akong bumalik pagkalipas ng isang araw. Kailangan ko lang silang puntahan at makausap!" sabi ko.
"Hindi maaari, kahit isa ka pang Elite kapag nandito ka sa loob, wala kang pahintulot na lumabas kahit ano pang dahilan mo sapagkat lalabas ka lang kapag ika'y patay na!"
"Pero kailangan nila ako!" giit ko.
"Wala akong pakialam kung kailangan ka nila, sumusunod lamang ako sa ipag uutos sa akin!" aniya at umalis.
Napakuyom nalamang ako ng kamao at bumalik sa pagkakaupo. Nakakainis, useless ako sa mga oras na ito. Dapat sanay nandoon ako para tulungan sila pero heto ako nakaupo at parang nababaliw sa kakaisip sa mga nangyayari.
Bukod pa do'n, bakit napakaaga ng pag ataki? Bakit ngayong araw nila naisipang pasabugin ang bayan? Bakit ang mga mamayang mga inosente ang inasinta nila?
Isang nuclear? Nagbibiro ba sila? Gusto ba talaga nilang wasakin sa isang tirahan lang buong bayan ng Wiseman? Sabik na ba sila sa digmaan?
Ano na ba sa palagay ng lahat ang ginagawa ng hari? Anong kilos naman ang isinasagawa nina Captain Azuma?
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...