KABANATA XXVII: ANG HULALhyster
Medyo napuyat ako kagabi kaya hindi ko namalayang malapit na palang magtanghali. Bumalikwas ako sa aking hinihigaan at nagmadaling lumabas ng kuwarto. Hindi ko pa nga maayos ang aking damit at buhok ay lumabas na agad ako para hanapin sina Blyde. Nadatnan ko siya at ang mga kasama namin na masayang nag a-almusal sa kusina.
Nang maramdaman nila ang presensiya ko, sila'y nagsipatingin at nagbigay galang sa akin. “Magandang umaga po, mahal na prinsipe. Mukhang napasarap ang iyong tulog kung kaya't nahuli ka,” wika ni Blyde na nakadikit ang kamay sa kanyang dibdib habang nakayuko.
“Marahil iyon. Hindi kasi agad ako nakatulog kagabi,” sagot ko at lumapit sa kanila. Hinila ni Jach ang isang upuan para sa akin. “Salamat!” sabi ko. “Walang anuman po!”
“Baka iniisip mo na naman ang prinsesa, tama ba?” tanong ni Blyde.
“Wala naman akong ibang inisip kundi siya. Ako’y nananabik na muling makita ang kanyang napakagandang mukha,” sagot ko.
“Tunay ngang siya ay iyong lubos na iniibig.”
“Nais kong magsimula sa paghahanap ngayon dito sa bayan na tinatawag na Arhetilla, baka narito lamang talaga si Prinsesa Shanelle. May pagkakataon na akong makita ulit siya,” saad ko.
“Sasama kami sa iyo para mas mapadali ang paghahanap sa prinsesa.”
“Tama dahil iyon naman talaga ang dahilan nang inyong pagsama sa 'kin,” sabi ko sabay abot ng tinapay at palaman.
“Mahal na prinsipe, baka hindi mo magustuhan ang lasa. Maaari naman akong magpautos na bumili ng makakain na tiyak babagay sa iyong panlasa,” sabi ni Blyde.
“Hindi, sapat na ito.”
“Ngunit sinasabi ko lamang iyon dahil baka bigla kang magalit sa amin. Sa Wiseman, kaming mga alipin lamang ay ito ang kinakain. Kailanman hindi ito ipinatikim sa mga mahaharlikang tao tulad mo,” sabi niya.
“Pero kumain ako.” Hindi siya umimik bagkus nagpaabot ng ngiti. Masaya naming pinagsaluhan sa loob ng maliit na bahay ang simpleng pagkain. Pagkatapos, nagpaalam kami sa may ari ng bahay na kami'y pansamantalang lilisan upang magsimulang maghanap kay Prinsesa Shanelle. Malugod naman iyon pumayag.
Nahati ang aming grupo sa tatlo, tig lilima kada grupo. Isang grupo sa silangan at timog, sa hilaga, at kanluran ng bayan. Hindi naman gaanong malawak tulad ng Wiseman ang lugar na ito kaya malaki ang posibilidad na matagpuan namin ang prinsesa sa loob lamang ng ilang araw pero iyon ay kung talagang narito siya.
Sindo tahanan na aming madaanan ay sinasadya naming tanungin nang walang pag aalinlangan. Pasikot-sikot din kami sa mga makukupad na daan.
“Mahal na prinsipe, ano nga ba sa palagay mo? Narito nga ba talaga ang prinsesa? Ilang oras na tayong naghahanap ngunit hindi pa rin natin matagpuan,” hinihingal na sabi ni Tedd. Halatang pagod na pagod.
“Hindi ko alam sapagkat sinusunod ko lamang ang sinasabi ni Blyde,” sagot ko.
“Pero paano kung wala nga siya rito?”
“Hindi ako mag aatubiling pugatan siya ng ulo kasama ang koronel.” Napalunok sa kaba si Tedd at dahan-dahang lumayo sa akin.
“Huwag kayong mag alala, walang dapat na madamay kapag magkagayun. Iisa lang ang dahilan kung bakit tayo nandito kaya iwasan niyo ang manggulo,” istriktong sabi ko.
“Prinsipe Lhyster, may nakapagsabi po sa akin na may nakakita sa prinsesa at sa koronel. May kasama silang isang babae at dalawang bata!” patakbong sabi sa akin ng kasama nina Blyde pagkatapos maghanap sa silangan ng bayan.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...