KABANATA XXIII

199 27 0
                                    

KABANATA XXIII: HILAKBOT

Raidee

Patuloy lumalaban si kuya Klean kahit wala na siyang manalo. Malaki pa rin ang tiwala niya kahit kitang-kitang lamang si Hasegawa kaysa kanya. Hindi lang ako ang nakapansin niyon bagkus lahat ng mga manonood dito.

Paano niya ito matatalo kung wala na siyang sandata? Nakakatakot ngunit nakakamangha ang ipinapakita niyang determinasyon. Nakakainggit isiping mas may karanasan siya sa mga bagay na ito kumpara sa aking matagal nang narito at lumalaban.

Nakakunot ang noo ko habang pinanonood ang laban nila. Pambihira, magsasampung minuto na ngunit hindi pa natatapos ang laban. Ano kayang gagawin niya ngayon? May naiisip pa ba siyang paraan upang manalo? At hanggang kailan ito matatapos?

Nanlaki ang mga mata ko nang mga sandaling nakita kong napabagsak ni kuya Klean si Hasegawa sa simpleng sipa't suntok. Bumakas sa mukha nito ang galit. Nagsigawan naman nang malakas ang mga manonood ngunit maliban kina ate Re-L at ate Shanelle na seryosong nanonood at tila hindi nagpapaapekto sa bukambibig nila.

“Kuya, talunin mo siya!” bigla akong napasigaw nang malakas dahil sa nakakatuwang tagpo ng laban.

Sumulyap siya sa ’kin at mabilis ding ibinalik ang atensiyon sa kalaban. Magkakasunod niyang sinapak si Hasegawa hanggang tuluyan itong nanghina at nawalan ng balanse sa pagtayo.

“Mukhang may laban pa yata ang iyong kaibigan, Ginoong Raidee!” Napalingon ako sa kaliwa nang marinig ko ang tinig na nagmumula roon. Nakita ko si Mai na nakakros ang braso habang nakatuon ang mga mata sa laban nina kuya Klean. Kaibigan siya ni Hasegawa, sikat din siya rito dahil sa taglay niyang kapangyarihan at magkakasunod na pagkapanalo sa bawat laban.

“Talaga dahil malakas siya at matalino," pinagmamalaking sagot ko.

“Pero kung ganiyan lagi ang gagawin niya, hindi na siya magkakaroon ng pag asa na makaganti. Masyadong simple ang taktikang ginagamit niya. Sa mundo ng mahika, hindi lang pisikal na lakas ang dapat na pairalin kundi ang lakas pag iisip at taglay na kapangyarihan para matapatan ang lakas ng kalaban,” sabi niya. Tama, walang duda iyon. Hindi nga mananalo si kuya Klean kung ganoon lang ang gagawin niya dahil maaari rin siyang mapahamak pero paano siya makakagamit ng kapangyarihan kung ordinaryong tao siya? Imposible. Hindi nila alam na si kuya Klean ay tao at hindi tulad ng mga nilalang na narito.

“Tama ka nga pero anong malay natin. Kahit ako, hindi ako makakapaghusga lalo na kung wala akong alam sa taong iyon. Malay natin, may tinatago pala siyang higit na maganda kaysa nakikita natin ngayon,” pagpupuna ko at tiningnan siya nang mabilisan.

“Ewan ngunit para sa akin ay wala akong inaasahan sa kanya. Pabor pa rin ako kay Hasegawa," asik nito.

“Dahil kaibigan mo siya, 'di ba? At iyon ginagawa ng mga magkakaibigan, kinakampihan ang isa't isa,” sabi ko.

“Alam ko ang lakas ni Hasegawa kaya sa kanya ang boto ko. Kahit hindi kami magkaibigan, sa kanya pa rin ako boboto at hindi sa walang kuwenta mong kasama. Wala akong pakialam kung may tinatago pa siyang sandata. Si Hasegawa pa rin ang mananalo sa bandang huli.” Kumuyom ang mga kamao ko. Masyado siyang nagtitiwala kay Hasegawa pero ano pa bang aasahan ko sa kanya? Kung ako man ang nasa posisyon niya, tiyak sasabihin ko rin iyan pero hindi na iyon ang importante ngayon kundi kung sino ang mananalo sa pagitan nina Hasegawa at kuya Klean.

Tagapahayag: Ayan na mga kaibigan, bumabawi na si Klean at si Hasegawa naman ngayon ang nangangawawa. Hindi siya makaganti. Ano na kaya ang gagawin niya para bumawi ulit at sino kaya ang magwawagi sa huli? Patuloy talagang umiinit ang laban! Nasasabik na ako sa magiging resulta kaya sabay-sabay nating abangan!

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)Where stories live. Discover now