KABANATA XLIV (EDITING)

191 19 0
                                    

KABANATA XLIV: PAGGISING

Re-L

Simula ng bumalik sina Shan sa mundo nila, ang lungkot na dito sa bahay. Palagi na ring tahimik si Raidee. Palagi siyang walang gana sa maraming bagay dahil mas gusto niyang nandito ang dalawa ngunit ilang beses ko na rin ipinaunawa na hindi sila maaaring manatili rito ng matagal subalit ayaw niyang makinig kaya hinayaan ko nalang.

Kumusta na kaya sila? Sana nama'y nasa maayos silang kalagayan. Babalik pa ba sila rito? Naaalala pa ba nila kami? At tungkol naman sa digmaan, nawa'y manalo sila.

Sa ngayon, abala ako sa paghuhugas ng pinagkainan namin ng kapatid ko, kagagaling ko lang sa trabaho eh. "Raidee, puwede ba kitang mautusan saglit, may ipapabili lang ako sa iyo," tawag ko kay Raidee.

"Ayoko!" nakangusong sagot niya.

"Sige na, mabilis lang naman eh. Babayaran kita!" pagpupumilit ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kaniyang kuwarto at siya'y lumapit sa akin. "Ano ba iyon?" kamot noong tanong niya.

"Bumili ka nga ng gulay sa palengke at isda, magluluto ako ng hapunan natin," utos ko. Tumigil ako sa paghuhugas at inabot ang pera. "Kasya 'to?"

"Oo, may sukli pa iyan, sa 'yo nalang!" sagot ko.

Hindi siya nagsalita kundi tinanggap ang pera at lumabas ng bahay. Muli akong nagpatuloy sa panghuhugas. Pagkatapos, nilinis ko ang mga kalat sa sala at nagpalit ng damit.

Habang nagbibihis ako, may kumatok sa pinto kaya dali-dali kong isinuot ang aking damit at lumabas upang pagbuksan iyon.

Bumungad sa akin ang matandang babae, ang manghuhula sa bundok. "Magandang gabi po, ano hong kailangan mo?" magalang kong tanong.

"Ikaw si Re-L, 'di ba?"

"Ako nga po, bakit? Ah teka, tuloy ka po muna," aya ko. Pumasok siya at umupo sa upuan.

"Bakit ka naparito? May ibig ka ho bang sabihin sa akin?" tanong ko sabay upo.

"Ikaw at ang dalawa mong kasama ang kailangan ko," aniya.

"Kasama? Sino ho, sina Klean at Shan ba?" takang tanong ko.

"Sila nga."

"Ngunit matagal na po silang bumalik sa kanilang mundo, bakit po ba?" tanong ko.

"Nais ko sanang sabihin sa inyo ang masamang balita," wika nito.

"Ano pong masamang balita? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"Nagsimula na ang malagim na digmaan. Ang kanilang bayan ay tuluyang mawawasak at sila'y matatalo sa labanan subalit may isang paraan kung paano matatalo ang mga kalaban ngunit sinabi mong nakabalik na sila, wala na akong magagawa kundi ang bumalik sa bundok. Maraming salamat sa iyong oras at magandang gabi," sabi niya at tumayo upang lumabas subalit pinigilan ko siya.

"'Wag ka munang umalis, sabihin mo sa akin kung ano ang maitutulong ko para sa kanila? Bumalik na ang kapangyarihan ko kaya may kakayahan na akong makapaglakbay sa ibang mundo at ipaalam sa kanila ang lahat, sige na po!" sabi ko. Tiningnan niya ako ng matagal bago bumalik sa pagkakaupo. May kinuha siyang bagay sa malaking supot, ang bolang crystal. Inilagay niya iyon sa mesa at hinimas-himas ng tatlong beses saka nagliwanag at nagkaroon ng vision.

Nakita ko ang isang malaking kahariang nawasak, maraming mga naglalaban, at marami ng nasawi. Kahit saang sulok, pag awayan ang nakikita ko. "Anong- B-Bakit? Anong lugar iyan?" bulalas ko.

"Ang nakikita mo ay ang lugar ng iyong kaibigan, ang Wiseman. Iyan ang nangyayari ngayon doon, tutuloy ka pa rin ba?" tanong niya na halos ikalaglag ng panga ko. Iyan na ba ang lugar na pinanggalingan nina Shan? Nakakatakot.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)Where stories live. Discover now