KABANATA XL: WALANG MAGBABAGO
Shanelle
Isang mapintas na sampal ang natanggap ko mula kay papa nang makabalik kami sa palasyo.
Napasalampak ako sa gitna ng pasilyo at agad na hinawakan ang pisngi ko. "Ngayon, magtatanda ka na, Shan. Ika'y suwail. Ilang beses mo nang tinangkang tumakas sa palasyo. Ilang beses na rin kitang sinabihan na lumayo ka sa taong iyon ngunit hindi ka nakinig. Kaya simula ngayon, ipadadala kita sa Zohorha, doon sa lugar ng lola mo," mariing sabi ni papa.
"Papa, huwag po. Parang awa muna. Wala talagang kasalanan si Klean. Wala. At isa pa, huwag mo pong gawin sa kin ito, hindi ako pupunta ro'n," nagmamakaawang sabi ko at gumapang patungo sa paanan ni papa. "Misirable ka na, Shan. Ito ba ang epekto na naging kasama mo siya? Hindi kayo nararapat para sa isa't isa. Isa siyang lapastangang halimaw, ang tulad niya'y dapat maparusahan!" mariing sabi ni papa.
"Gusto ko po siya, huhu," naiiyak kong sabi.
Lahat ng mga nandito sa palasyo'y nakikiusyoso sa amin. Tahimik silang nakamasid sa amin. "Mga kawal, dalhin siya sa Zohorha, ngayon mismo!" utos ni papa. Akmang lalapit sa akin ang dalawang kawal nang bigla akong hinawi ni Prince Lhyster sa tabi.
"Huwag niyo siyang hawakan, hayaan niyong manatili siya rito at makasama ko. Mapapangasawa ko siya kaya huwag niyo siyang subukang ilayo sa 'kin," sabi ni Prince Lhyster.
Mukhang nakumbinse niya ang loob ni papa at dahil doon, pumayag itong itigil ang planong ipadala ako sa Zohorha.
"Ako ng bahala kay Princess Shanelle," presenta ni Prince Lhyster at hinablot ang kamay ko.
"Sige at kung maaari sana'y dalhin mo si Shan sa kaniyang silid at huwag mong hahayaang makatakas siya ulit. Uutusan ko nalang ang manggagawa na ipasara ang bintana ng kuwarto niya upang sa gayun ay wala na siyang malulusutan," utos ni papa kay Lhyster.
"Papa, 'wag poooo!" Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko sa mata. Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari.
Tinanggal ko ang kamay ni Prince Lhyster na nakakapit sa kamay ko at umiiyak na lumuhod sa harapan ni papa. "Papa, nakikiusap ko! Huwag mong gawin sa 'kin ito. Hayaan mo nalang mabuhay si Klean. Kung may galit ka sa kaniya, sa 'kin mo ibuntong lahat basta't mo lang sasaktan si Klean. Nagmamakaawa ako!"
"Hindi na ikaw ang Shan na kilala ko. Para kang basura kung magmakaawa sa 'kin. Patapon ka na, anak ko!" sabi ni papa at sinampal na naman ako for the second times.
"Asawa ko, itigil mo na iyan! Masyado kang marahas sa anak natin" singit ni mama na tila naaawa sa kalagayan ko.
"At nagawa mo pa siyang kaawaan? Hindi natin itinuro sa kaniya ang mahulog kay Klean. Kahit anong saway natin ay kaniyang sinusuway nang walang pag aalinlangan, para lamang sa kapakanan ng halimaw na iyon? Hindi maaari," tugon ni papa habang nakaduro ang hintuturo sa akin.
"Ang mali ay mali. Kailan ba naging tama ang mali at kailan naman naging mali ang tama? Mali ang pagdidisiplina mo! Kailangan pa bang saktan si Shan para mapaglayo mo sila? Si Klean ang saktan mo, huwag ang anak natin!" makabuluhang sabi ni mama.
"Kahit anong dikta, kung ito'y makakabuti sa kaniya'y bakit hindi gawin, mahal na reyna?" singit ni Prince Lhyster.
"Hindi! Kung alam niyo lang, kung gaano kabait si Klean, marerealize niyo ang ibig kong sabihin. Mas mabait siya kaysa inaakala niyo, hindi niyo lang alam iyon kasi hindi naman kayo ang nakasama niya sa loob ng ilang araw!" sabi ko sabay punas ng luha sa mata.
"At sapat na bang dahilan iyon para sabihin mong mabait siya?" tanong ni Prince Lhyster.
"Mabait siya hindi tulad mo o kahit ni isa sa inyo!" singhal ko.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...