KABANATA XXXV: DAKPIN
Third Person
Nagpapatuloy ang laban nina Klean at ng babaeng mamamana na nagngangalang Lex. Sa gitna ng kanilang labanan, nagtakbuhan ang mga tao upang lumikas at iligtas ang kanilang mga sarili. Habang tumatagal ang laban, hindi inaasahan ng mga tagabayan na magiging mas matindi pa ang sagupaan ng dalawa dahil unti-unting nasisira ang kanilang mga tahanan bunga ng mga atake ng kalaban.
Napakalakas ni Lex kaya hirap si Klean na makipaglaban sa kanya. Hindi niya maisip kung paano matatalo ang kalaban, lalo pa't hindi pa tuluyang gumagaling ang kanyang mga sugat na nagdadagdag sa kanyang kahinaan.
Samantala, isang matapang na sundalo ang nagkaroon ng lakas ng loob na ipaalam sa hari at reyna ang nangyayari sa labas ng palasyo. Nang makarating ang balitang ito kay Prinsesa Shanelle, kinakabahan siya para sa kaligtasan ni Klean. Alam niya kung ano ang maaaring mangyari kapag nagtagpo ang landas ng kanyang ama at ni Klean. Kahit nais niyang lumabas upang tumulong, hindi niya magawa dahil nakakulong siya sa sarili niyang silid.
"Anong gagawin ko? Nasa panganip si Klean, kailangan niya ng tulong," nag aalalang sambit ni Shanelle sa kanyang sarili na tila naninikip ang dibdib sa labis na pag aalala para sa taong minamahal niya.
Hindi niya ibig na manatili sa kuwarto ng matagal lalo na't alam niya ang mga kaganapan sa labas ng palasyo. Hindi pa niya limot ang kondisyon ng kanyang amang hari, malaki talaga ang posibilidad na mapahamak si Klean.
Sandali siyang nag-isip ng maraming paraan upang makalabas nang hindi napapansin ng mga bantay ng palasyo at ng kanyang mga magulang. Pagkaraan ng ilang minuto, sa wakas ay nagkaroon siya ng ideya. Tulad ng dati niyang ginagawa, dumaan siya sa bintana. Winasak niya ito gamit ang matigas na bagay nang dahan-dahan. Bagama’t mataas iyon para sa kanya, tumalon pa rin siya dahil alam niyang may damuhan sa ibaba na makakabawas sa pinsalang maaari niyang matamo.
Pagkatapos niyang tumalon, hinarap niya ang isa pang plano. Napapaligiran ng mga bantay ang buong palasyo. Sa kinaroroonan niya, may lima katao ang nagbabantay ngunit medyo malayo ang distansya nila sa kanya. Nakatalikod ang mga ito kaya hindi siya napansin.
Nag-ingat siyang huwag makalikha ng kahit anong ingay. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa isang lagusan na konektado sa ilog ng palasyo. Wala na siyang ibang mapupuntahan dahil maraming nagbago sa pagbabantay mula nang siya’y mawala ng ilang araw, at lalo pang humigpit nang siya’y bumalik.
Sumiksik siya sa makipot na daanan, at dahil sa pagmamadali ay nakalimutan niyang bangin na pala ang tinatapakan niya, kaya’t aksidente siyang nahulog sa pinakaibaba kung saan may mga malalaking ugat ng puno at tubig.
Ilang minuto siyang hindi nakaahon. Nanatili siya sa ilalim ng tubig. Nang umahon siya, tudo ubo siya dahil napasukan ng tubig ang kanyang bibig.
Habang naroon siya, narinig niya ang isang malakas na pagsabog mula sa lugar kung saan nananatili si Klean. Sandali siyang natigilan ngunit agad ding nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating niya ang dulo ng daan. Kaunting hakbang na lang at maaabot na niya ang kanyang paroroonan ngunit bago pa man niya magawa iyon, may nagsalita mula sa kanyang likuran. Hindi siya lumingon at hinayaan munang magsalita ang taong iyon.
“Sa wakas, nakaharap ulit kita,” sabi nito kasabay ng paghugot ng kanyang espada mula sa sisidlan nito. Kitang-kita ang talim ng espada nito sa liwanag, tila bagong hasa kaya’t nagreplika ang kabuuang anyo ni Shanelle.
Mabagal na lumingon si Shanelle at napalunok. “I-Ikaw? Akala ko ba tinalo ka na ni Binibining Yuki? Bakit narito ka pa rin?” nauutal niyang tanong.
Inihilig ng lalaki ang kanyang ulo at ngumisi. “Tinalo? Hindi niya ako natalo. Kita mo, buhay pa ako at kaharap mo pa nga ngayon.”
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...