KABANATA XXXIV: REBELASYON
Klean
Mahigit isang linggo na ang lumipas ngunit nananatili pa rin ako sa maliit na kubong pinagdalhan sa akin ni Yuki. Hindi niya ako pinapayagang lumabas o sumilip man lang sa kaharian. Siya'y labis na nag aalala kaya wala naman akong magawa kundi ang sumunod kaysa makita siyang nahihirapan nang dahil sa akin.
Habang nandito ako, pansamantala kong sinasanay ang aking sarili. Kahit paano'y nakakaya ko nang igalaw ang buong katawan ko. Sa totoo lang, nakakabagot na, paulit-ulit nalang ang mga ginagawa ko tulad ng pagsasanay, pagluluto, paghahanap ng mga makakaing prutas sa bakuran, pagsisipak ng kahoy, at iba pa. Nais kong maiba naman ang gawain ko ngunit hindi ko magawa dahil mga bilin niya sa 'kin.
Maliban do'n, gusto kong makita o makamusta ang prinsesa. Ang sabi sa kin ni Yuki, bibisita si Shanelle pero ilang araw na akong naghihintay ngunit hindi pa siya dumarating. Ano na kayang nangyari sa babaeng iyon? Bibisita ba siya rito o hindi na? Kinalimutan na ba niya ako or nalaman na niya kung sino ako?
"Hoy Klean, ano bang ginagawa mo? Tutula ka na naman diyan. May problema ba? May masakit na naman ba sa 'yo?" bulabog ni Yuki sa katahimikan ko. Bahagya akong tumingin sa kanya. "Wala, pasensiya na."
"Ipagluluto kita mamaya ng masarap na hapunan kaya pagbutihin mo ang pagpapagaling sa sarili mo," anya.
"Yeah, salamat."
"O nga pala, magpapaalam muna ako sa iyo. Luluwas ako para mangalap ng kaunting impormasyon. Gusto kong malaman kung tuloy pa rin ba ang pagbabantang pagpatay nila sa iyo o hindi," paalam niya. Dahil nga napunta ako sa lugar na 'to, palagi talaga siyang lumuluwas dahil sa iba't ibang dahilan. Hindi ko naman siya puwedeng pigilan dahil palagi siyang may rason saka malaki na rin ang naitulong niya sa mabilis na pagpapagaling ko.
Kung tuluyan na akong gumaling, aalis na ako rito at tatapusin ang misyong sinimulan ko. At paghahandaan ko na rin ang nalalapit na digmaang hinulaan ng matanda.
Maliban sa nabanggit, may masama akong kutob tungkol sa mga taong namamahala sa palasyo, lalo na ang prinsipe at hari. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila pero malakas ang kutob kong may nangyayaring hindi maganda. Direkta akong napakuyom ng kamao at umupo sa bangketa. "Yuki, bago ka umalis, puwede ba akong makahingi ng isang pabor?"
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano iyon ngunit huwag naman sanang mahirap."
"Huwag kang mag alala," sabi ko.
Tumawa siya. "Binibiro lamang kita, ano ba iyon?"
"Hindi ba't, lalabas ka? P-Puwede mo b-bang—" Napailing ako. "Puwedeng ano?" nakangiwing tanong niya. Nagtataka ang mukha.
"P-Puwede mo ba ako ikumusta k-kay S-Shanelle?" Iniwas ko ang paningin ko habang nakatago ang mga kamay sa likod. Hindi ako makatingin din sa kanya ng direkta.
"Hoy Klean!" Tinabig niya ang likod ko. "B-Bakit?"
"Magtapat ka. Nangungulila ka ba sa kanya?" mabirong tanong niya sa akin.
"Hindi, Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi ba't sinabi niya sa iyo na bibisita siya rito? Ngunit bakit wala pa siya? Hindi na ba siya pinayagang lumabas sa palasyo?" magkakasunod kong tanong.
"Hmm, hindi ko alam. Iyon nga din ang ipinagtataka ko," sabi niya at inakbayan ako sa balikat.
"Salamat!"
"Bago ang lahat ng iyon, may nais akong sabihin." Tumango ako. "Alam ko, may lihim kang pagtingin sa mahal na prinsesa, tama ba ako? Alam ko ring gusto ka niya ngunit nais kong malaman kung gusto mo rin ba talaga siya."
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)
FantasíaTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...