KABANATA XXIX

207 28 18
                                    


KABANATA XXIX: KAGUSTUHAN

Yuki

Ang dalawang yunit ng pwersang militar ay kasalukuyang nakikipaglaban sa mga taong lumalabag sa batas. Aksidente naming natagpuan ang taguan ng itim na organisasyon na sinasabi nila.

Patuloy silang lumalaban sa amin kahit ilang beses na naming sinubukan silang himukin na sumuko. Pinili nilang lumaban kaysa magpahuli, kaya napilitan kaming ibigay ang gusto nila.

Sa nakikita ko, walo o sampu sila at tila may kaalaman sa pakikipaglaban. Dahil mga sundalo ang kasama ko, mga espada ang kanilang sandata imbes na baril. Samantalang ako, gumagamit ng "hand-to-hand combat" kahit na may sarili akong espada, na bihira ko lamang gamitin at tanging sa kritikal na sitwasyon ko lang ito inilalabas. Binalaan ako ni Heneral Azuma noon, lalo na't ang espadang ito ay may delikadong lason na maaaring agad ikamatay ng sinumang masugatan nito. Samakatuwid, hindi ko maaaring gamitin kung saan-saan.

"Dalawa pa lamang ang bumagsak, kailangan natin ng bagong plano," sabi ni Cei-A habang nakasandal sa pader upang makapagtago mula sa mga bala ng kalaban.

"Anong plano? Patuloy pa rin silang nagpapaputok!" tanong ko habang nagtatago rin kasama niya.

"Sa palagay ko, maghiwa-hiwalay tayo. Hindi maganda kung nasa iisang puwesto lang tayo. Kailangan ng tamang tiyempo para—" Hindi nakapagpatuloy sa pagsasalita si Cei-A nang biglang sinugod ni Jessa ang mga kalaban. Harapan mismo. Siya ay may lahing ninja, kaya't madali siyang nakakakalapit sa mga kalaban nang hindi natatamaan ng bala. Siya ay isang pambihirang babae sa kanilang angkan ng mga ninja. Pagkalapit na pagkalapit niya sa mga kaaway, agad silang bumagsak at namatay. Si Cei-A at Jeil ay napatingin sa kanya nang may paghanga.

"Huwag na kayong tumayo riyan, may natitira pang lima!" sigaw ni Jessa habang iwinawasiwas ang kanyang espadang nabahiran ng dugo. Agad namang natanggal ang dugo mula sa talim nito.

Tumango ako at mabilis na tumakbo patungo sa kinaroroonan ng natitirang lima. Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagtakbo, bigla akong napatigil at umatras nang makita ko ang isang malakas na sipa mula sa isang lalaking nakasuot ng sombrero. Mabuti na lang at naiwasan ko ang atake, dahil may patalim pala sa dulo ng sapatos niya.

"Masyado kang mabilis, akala ko hindi mo maiiwasan!" malisyosong sabi niya habang nakangiti sa akin.

Nagsalubong ang aking kilay habang pinagmamasdan ko siya. Kung hindi ako nagkakamali, siya na siguro ang pinuno ng grupong ito. Ngunit ito rin kaya ang pinunong nakalaban ko noon? Sa kilos at galaw niya, masasabi kong siya ang pinakamahusay sa kanilang lahat, hindi lang dahil sa pisikal niyang lakas, kundi dahil sa talas ng kanyang mga mata at pandinig. Akalain mong alam niyang paparating ako o baka kanina pa talaga siyang nakaabang.

Ngumisi siya sa ikalawang pagkakataon at sunod-sunod akong sinugod. Karamihan sa mga atake niya ay sipa na pakaliwa't kanan kaya't nahirapan akong umiwas, sumangga, o kahit makahanap ng pagkakataon para makaganti.

Sa huli niyang sipa, wala akong ibang magawa kundi salagin ito gamit ang braso ko at saka mabilis na lumayo sa kanya. Huminga ako ng malalim at marahang binunot ang espada mula sa likuran ko. Hindi ko siya agad matatalo gamit lang ang kamao ko, kaya sa pagkakataong ito, gagamitin ko na ang aking sandata.

"Yuki Handman, kasamahan ng ni Koronel Klean ng ikalawang yunit.” Nakangisi pa rin siya. Hindi makapaniwala, kilala niya kami ni Klean.

"Sino ka? Bakit kilala mo kami ni Klean?" tanong ko nang nakakunot ang noo.

"Sino ba naman ang hindi makakakilala sa inyong dalawa, eh miyembro kayo ng kilalang Departamento ng Wiseman. Bukod pa diyan, nagkaharap na tayo noon. Malas mo lang, hindi mo ako natuluyan,” sagot niya nang may halong pang-aasar. Tama ang hinala ko, siya nga ang lalaking iyon. Tsk, buti na lang ngayon nagkita ulit kami. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakatakas.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)Where stories live. Discover now