KABANATA XXX: PAGHAHARAP: Part II
Lhyster
"Paano kayo nakarating dito? Paano niyo nalamang nandito kami?" taas boses na tanong ni Prinsesa Shanelle na parang hindi makapaniwalang nakarating kami rito. Halata ring galit na galit siya. Mukhang hindi yata magiging maganda ang pagkikita namin ngayon. Hindi ko makita ang pagtanaw niya ng utang na loob.
"Mahabang istorya kapag sabihin ko sa iyo. Huwag mo na pag aksayahang alamin pa iyon basta't ang mahalaga ay nakita na kita," sagot ko sa kanya sa malambing na tono.
"Anong binabalak niyong gawin kay Klean?" tanong pa niya.
"Bakit labis kang nag aalala ka sa kanya? Wala naman akong binabalak na masama. Tingnan mo, narito lang tayo sa loob at maayos na nag uusap," mahinahong sabi ko.
"Sinong niloko mo? Hindi ako naniniwala sa 'yo, alam kong may balak kayo sa kanya. Utos ba ito ni papa? Inutos ba niya na hanapin ako? Para ano, para ibalik sa Wiseman? Paano kung hindi ako sumama sa inyo? Anong gagawin niyo? Ipapapatay ako? Ganoon ba?" sunod-sunod niyang tanong. Hindi pa rin bumababa ang boses niya. Patuloy pa rin siya sa paninigaw sa akin.
Umirap ako at nanimangko. Tiningnan ko siya ng maigi. Masyado siyang paunang mag isip. Bakit alam na alam niya ang mga posibleng mangyari? Sinabihan ba siya ng lalaking iyon?
"Ikalma mo ang iyong sarili, mahal ko. Hindi mo kailangang mabalisa sa kung anong mangyayari. Wala akong balak na patayin o mas’ki saktan ka dahil naparito ako para ibalik ka sa Wiseman, wala ng iba pa. Bukod doon ay wala ng iba pang iniutos sa akin ang iyong ama. Wala rin siyang kaalam-alam na narito ako,” paliwanag ko.
"Hindi ako sasama sa inyo, si Klean ang magbabalik sa akin sa Wiseman. Siya lang at wala nang iba!" mariing sabi niya na nagdulot sa akin na magselos. Kaya pala hindi niya balak sumama sa akin dahil sa hangal na koronel na iyon.
"Bakit siya at hindi ako? 'Di ba dinukot ka niya? Kaya bakit sasama ka pa rin sa kanya? Hindi ka ba nabibigla sa mga sinasabi mo? Ako ang iyong mapapangasawa kaya bakit sa iba ka sasama?"
"Hindi niya ako dinukot kundi itinakas mula sa mga guwardiya ng palasyo. Hinabol nila ako kaya tinulungan niya akong makatakas!" sagot niya.
Naiinis ako sa sinabi niya. Tumayo ako at lumakad patungo sa bintana. "Iyan na ba? May namagitan ba sa inyo noong mga panahong nawalay ka sa akin?" seryoso kong tanong habang mahigpit na isinasara ang kamao ko.
"Ano naman ang problema mo tungkol doon, mahal na prinsipe?" sarkastikong sagot niya pabalik.
"Alam mo na malapit na tayong ikasal, kaya dapat sabihin mo sa akin kung may nararamdaman ka para sa akin o wala. Mahal mo ba talaga ako katulad ng pagmamahal ko sa'yo? Alam mo namang ayokong niloloko lang ako sa nararamdaman ko dahil pinapatay ko kapag napipikon ako,” mahinang sabi ko.
"Wala akong nabanggit na mahal kita, tanging mga magulang lamang natin ang nagdesisyon na ipag-isang dibdib tayo kaya 'wag na ’wag mo akong pagbabantaan. Hindi ako natatakot sa iyo," sagot niya.
"Marahil ako nga lang talaga ang nagmahal sa iyo sa pagitan natin, at iginagalang ko iyon," malumanay kong sabi at hinarap siya.
"Ngayon, pakawalan mo na ako. Hayaan mo na lang akong umuwi mag isa. Ipaalam mo nalang sa aking ama na may kasama ako at hindi ikaw iyon"
"Kaya mo? At iniisip mong patatakasin kita rito? Haha, hindi ako ganoon kabaliw para gawin iyon, mahal ko. Hinding-hindi ako makakapayag na magkakasama ulit kayo ng koronel na iyon,” sabi ko.
“Nangako sa akin si Klean na ibabalik niya ako sa Wiseman. Nangako siya at tutuparin niya iyon!” lintanya na ikinahalakhak ko.“H’wag mong kalimutan na hindi lahat ng nangangako ay tumutupad, mahal ko,” sabi ko.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...