KABANATA XXVIII: HALIK
Klean
Lumabas si Shanelle nang walang paalam. Labis siyang nasaktan sa sinabi ng matanda. Hindi mahagilap sa kanyang mga mata ang pagtanggap sa kanyang magiging kapalaran. Kahit ako, hindi rin mapaniwala lalo na sa parte na sinabi ng matanda na si Shanelle daw ang puno't dulo ng paparating na digmaan. Paano nga ba nangyari iyon? Ibig kong hindi maniwala. Walang katuturan ang mga bagay na ito o baka nagkamali lamang ng hula ang matanda.
“Talaga nga bang isaktong ang iyong hula sa kanya?” tanong ko rito.
“Hindi ka pa nagkamali ang mga hula,” tanging sagot niya. “Ngayon, ikaw. Handa ka na ba?” Tumango lang ako at inabot sa kanya ang aking kamay.
Katulad ng nangyari kanina, gayundin ang nangyari sa akin. “Ang taong minamahal na mawawala sa batang babaeng iyon ay ikaw. Ika'y papanaw, sa harap niya dahil sa isang kasunduan. Pumayag ka sa alok ng prinsesa at sa pamamagitan mo ay babalik ang pinakaunang mundo. Dadaan sa pinakabrutal na proseso para magawa iyon kundi ang pagpatay sa iyo ay siya mismo ang gagawa. Ang batang babae kanina, siya ang prinsesa na nabubuhay sa nakaraan at magpahanggang ngayon. . .” Hindi ako nakaramdam ng takot o pagkabahala pagkatapos ng mga narinig ko ngunit ang bumabagabag sa isip ko ay ang panghuling sinabi niya na tungkol sa kasunduang inalok sa akin ng prinsesa. Pati siya, ganoon din ang tingin kay Shanelle. Iniisip nilang siya nga ang prinsesang tinutukoy sa propesiya ngunit paano maipapaliwanag siya nga iyon gayung ilang libong taon na ang nakakaraan simula no'ng mawala siya. Mahirap paniwalaan ngunit ang matanda na ito mismo ang nagsabi kaya bakit ko pa itatanggi sa aking sarili iyon?
“Naiintindihan ko.” Kahit nagtataka ay pinilit ko pa rin sumagot sa kalmadong tono. Ayokong magpakita ng motibo na pinanghihinaan ako, huwag sa harap ng iba o kahit kanino.
“Hindi ka ba, natatakot?”
“At ano ang dapat kong katakutan?” tanong ko naman.
“Matatag kang bata,” sabi niya.
“At iyon ang nararapat,” dugtong ko.
“Subalit sa kaloob-looban ng iyong puso, may matindi Kang nararamdaman sa kanya. Hindi ba iyon sapat para manghinayang ka?”
“Hindi at wala akong pinanghihinayangan. Wala kahit anong nararamdaman para sa kanya. Sapat na sa akin na makita siyang ligtas hanggang sa pagbabalik namin sa Wiseman,” walang kahit anong emosyong sagot ko.
“Ang iyong pinagkakasinungalinan ay may kakayahang malaman ang damdamin ng sindo mahawakan niya at ikaw, hindi mo iyon maitatago sa akin!” Umiwas ako ng tingin at kinuha sa kanya ang kamay ko.
“Mamamatay ako tulad ng iyong sinabi kaya walang patutunguhan kung aking ipagpatuloy. Ayokong maging hadlang ang bagay na iyon para hindi matupad ang hula. Ayoko ring magluksa siya dahil sa akin,” sagot ko at tumayo.
“Maliban sa sinabi ko, ika'y huhulihin ng mga nasa mataas na antas ng palasyo at ikukulong. Ituturing ka nilang kalaban at tatangkaing patayin,” sabi niya.
“Malinaw sa akin, salamat. Paghahadaan ko iyan dahil ganoon naman talaga ang mangyayari kapag sa oras na bumalik na kasama siya. Natitiyak kong papatawan ako ng kamatayan ng hari.”
“Gusto mo bang malaman kung kailan ito?”
“Hindi. Sapat na ang mga nalaman ko.”
“Sigurado ka?” paninigurado niya.
“Oo. Sandali, bago ang lahat, may nais akong itanong. Maaari ba?” Tumango siya. “Tungkol kay Shanelle at sa pagtupad ko sa pangako ko sa kanya, ano ang magiging wakas nito? Magiging tama ba ang mga desisyon ko, o hahantong lamang ito sa pagkasira ng lahat?”
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)
خيال (فانتازيا)Tatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...