KABANATA XXXVIII (EDITING)

175 20 0
                                    

KABANATA XXXVIII: PAGPASLANG

Belle

Tatlong magkakasunod na pag ataki ang ginawa ng kalaban pagkatapos ng mga ataki ko. Lahat ng iyon ay sumapol sa akin dahilan para tumilapon ako at sumubsob sa lupa. Napakabilis pangyayari kaya't hindi ko agad nakita. Hinihingal akong bumangon at naupo. Ginawa kong panukod ang ispada upang magsilbing balanse. Ito ang unang beses na inilaban ko ang sarili ko. Marahil nagtataka ngayon si Lady Shan kung bakit marunong akong lumaban ay dahil hindi lang pagiging Prinsesa at pag aaral ang ginagawa ko. Madalas din ako magtraining kasama ang si manong Del--ang palace butler.

Hindi ko inakala na aabot sa ganito ang lahat, hindi ko inakala na may ibubuga siya. Kung sa bagay, bihasa na siya sa laban bago ako. Ang pinakaimportante ngayon ay matalo siya upang masundan ko na si Lady Shanelle.

Dahan-dahan akong tumayo at hinawakan nang mahigpit ang ispada sabay itinutok sa harap. Tiningnan ko siya, kalmado ang kaniyang hitsura. Pakiramdam ko'y hindi siya napagod.

“Napakahusay ng iyong mga pag ataki at nakakamangha ang ispadang gamit mo, kung hindi ako nagkakamali, isa iyang Willow Leaf Sword o Liuyedao, tama ba?”

“Tama at ang ispadang ito ang tatapos sa iyo!” mariing tugon ko.

“Hay, dapat sana napugutan ko na ang prinsesa kanina ngunit may iba namang nakialam, hindi ko na tuloy alam kung nasaan na siya. Pero ayos lang, matutuwa pa rin ako sapagkat nagawa mong mapawi ang pagkayamot ko. Kung tutuusin, mas may abilidad ka kumpara sa Prinsesa na iyon na walang ibang ginawa kundi manginig sa takot. Higit kayong magkaiba!” mataas na puri niya habang iginagalaw ang ispada nang pahalang patungo sa kanan. Iyon ang slash ticnic.

Kumunot ang noo ko sa pagmamasid sa mga susunod niyang galaw at pahalang ding inilapit ang ispada sa harap habang nakapantay sa bibig ko. “Ngayon manong, magagamit ko na itong tiknik na itinuro mo,” sabi ko sa isip ko.

Ito ang tiknik na ginamit ni manong Del sa pagpatay ng baboy-ramo sa bundok noon, at ito rin ang ginamit ng isang Legendary Swordman at the very first Armies World War, ilang libong taon na ang nakakaraan. Kaunti nalang ang nakakaalam ng tiknik na ito dahil mahigpit itong ipinagbabawal. It is brutal pero kailangan ko pa rin itong gamitin ngayon para matalo siya ng mas mabilis.

“Come!” hamon niya sa akin. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy bagkus sumugod. Nang makalapit ako, isang beses ko lang iwinasiwas ang ispada at pagkatapos ay napunta ako sa likod niya na ganoon pa rin ang istilo sa paghawak ng ispada.

Hindi ko siya nilingon sa loob ng ilang segundo hanggang marinig ko ang naputol na bagay mula sa kaniya. Humarap ako, nakita ko ang nahulog niyang braso at ang pagtalsik ng dugo.

Hindi ko manlang narinig ang pagdaing niya kundi ang malimitang pagtawa. Ibang klase ang taong ito, hindi big deal sa kaniya ang nangyari.

“Fine, hindi dapat kita minaliit kanina. Mukhang malakas ka!” sabi ko at ipinatong sa balikat ang hawak kong ispada.

Kapag nakakahawak ako ng ganitong sandata, biglang nawawala ang pagiging Prinsesa ko at napapalitan ng bagong ako, ang pagiging mandirigma. “Nakakatuwang tiknik iyon, grabe hindi ko napansin. Ang bilis!” sambit niya.

“Speed Attack iyon, it's only one attacked yet two!” sabi ko.

Tumaas ang kilay niya nang nakangiwi sabay tulo ng dugo niya sa bibig. Bumuka ang sugat niya sa dibdib, na lamat sa naging pag ataki ko.

Ipinatong niya sa noo ang kamay na nakahawak sa ispada niya habang nakaangat ang ulo. “Ang galing, ang galing, ang galing, ang galing!” paulit-ulit niyang sinasambit habang nakangiti. Ako na mismo ang kinikilabutan sa inaasta niya.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)Where stories live. Discover now