KABANATA VIII

361 97 3
                                    

KABANATA VIII : PANGITAIN

Shanelle

"Ano ang iyong desisyon, Klean? Sumama ka na kasi sa akin, dodoblehin ko ang sahod mo," panghihikayat ko kay Klean habang hinihintay ang magiging sagot nito.

"Hindi ikaw ang nagpapasahod sa 'kin kundi ang iyong mga magulang." Kaya kong pagtiyagaan ang ugali niya basta't pumayag lang siyang sumama sa akin. Kahit ano pang paraan ang pagtrato ay ayos lamang sapagkat mas iniimportante ko ang makabalik siya kaysa makisama kay Lhyster.

"Ngunit puwede rin naman kita sahuran gamit ang aking sarili pera," sagot ko.

"Pasensiya na binibini ngunit pag iisipan ko pa iyan," sagot niya. Ano? Seryoso ba siya? Pag iisipan pa? Gaano ba katagal siya mag iisip? Wala ba talaga siyang tiwala sa akin? Ang hirap pakisamahan nito, masyadong maarte.

"Pag iisipan? Ngunit binigyan na kita ng pagkakataong makapag isip at hanggang ngayon ba naman ay pag iisipan mo pa rin? Bakit hindi mo nalamang ako diretsuhin nang sa gayun ay malaman ko kung ano nga ba ang iyong tunay na sagot. Baka nais mo lang akong paasahin."

"Nagpapasalamat ako sa pag aalala ngunit babalik naman ako kapag nakapagdesisyon na ako. Umuwi ka na sa inyo bago ka pa hanapin ng iyong mga magulang. Hindi ka dapat lumalabas na mag isa sapagkat napakadelikado iyon para sa iyo.” Ngumiti siya nang malapad at nagsimulang lumakad palayo.

"Klean, sandali" tawag ko sa kanya ngunit hindi na ito nakinig pa.

"Mabuti pa prinsesa, huwag mo nalang siyang guluhin. Marami pa siyang responsibilidad," sabi ni Yuki at patakbong sinundan si Klean.

Kumamot ako sa noo ko saka bumuntong hininga. Wala akong pagpipilian kundi hintayin muli ang desisyon niya basta gagawin ko pa rin ang makakaya ko upang bumalik siya bago sumapit ang kasal namin ni Lhyster. Ayoko matuloy iyon, ikamamatay ko. Hindi ako makakapayag.

Sa ngayon matamlay akong bumalik sa palasyo. Mabuti't hindi ako napansin ng aking ama’t ina maliban lamang kay Lhyster. Kanina pa siya nakaabang sa akin. Nakatayo siya sa gitna ng daan, dito mismo sa pasilyo.

"Magandang umaga prinsesa. Tila ika’y nagmula sa labas. Hindi mo manlang ako isinama. Kanina pa kita hinihintay at bakit ganiyan ang suot mo?" malumanay na pagsita niya sa akin.

"Hindi ko na ito dapat pang ipaalam sa iyo, mahal na prinsipe," masungit na sagot ko.

"Paumahin ngunit nais kitang makasalong kumain. Hinihingi ko ang iyong pahintulot.”

“Hindi.”

“Kung ayaw mo, ipaparating ko nalang sa mahal na hari at reyna ang iyong pagtakas,” saad niya dahilan upang mataranta ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. “H’wag. H’wag mong sasabihin sa kanila. Gagawin mo anumang gusto mo,” sagot ko.

Napatingin siya sa aking mga kamay. Ngumiti at hinawakan ito ng mahigpit. “Natutuwa ako’t pumapayag ka. Halika, sumunod ka sa akin,” sabi niya. Hindi nalamang ako umimik bagkus sumunod sa kanya patungo sa palaikanang silid. Inutusan niya ang mga tagapagsilbi na paghandaan kami ng makakain. Samantala kumuha siya ng upuan para sa akin at tinulungan akong makaupo.

“Nasaan sina ama at ina?” tanong ko sa kanya. Kailangan ko na muna siyang pakisamahan ngayon upang hindi ako managot sa aking mga magulang. Baka bigla siyang magsumbong kapag hindi ko siya paunlakan. Mahirap na.. Hindi ko pa naman alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed-Revise 2)Where stories live. Discover now