CHAPTER 7

5.5K 256 8
                                    

BECKY's POV

So ayun na nga.. Hindi pa man din natatapos ang celebration ay nakahandusay na si Freen sa sofa at walang lakas para tumayo sa sariling mga paa, habang ang mga kainuman nya ay patuloy pa rin sa kantahan at inuman..

"You can drive yourself home pala huh?" Nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ko syang mahimbing na natutulog sa sofa.

Dahil mabigat si Freen ay hindi ko sya kayang buhatin paakyat sa kwarto ko kaya naman agad akong nagpatulong kay Richie, ang bunso kong kapatid. Inalalayan namin si Freen hanggang sa makarating sa kwarto ko.

Nang maihiga na namin si Freen sa kama ko ay agad na kaming iniwan ni Richie, lumabas na sya upang magpatuloy sa celebration.

Tatayo na sana ako upang kumuha ng pamunas at damit pamalit nang bigla nya akong hinila, dahilan upang mapadapa ako sa kanya. Niyakao nya ako ng mahigpit, na parang ayaw na akong pakawalan.

"Lasing ka na talaga.." sabi ko saka ako pilit kumawala sa mga yakap nya.

"Hindi nga ako lasing..."  Pilit na inilalaban ng naniningkit nyang mata.

"Dito kana matulog.." sabi ko sa kanya saka ako tumayo. Inayos ko ang pagkakahiga nya sa kama. Binuksan ko na rin ang aircon dahil paniguradong maiinitan sya.

Nang makita ko ang pagpikit ng mga mata nya ay agad akong naupo sa gilid nya, hindi ko naiwasang pagmasdan ang mukha nya, dahil noon palang ay gusto kona sya, at walang nagbago dun kahit matagal ko syang hindi nakita sa personal. Para tuloy dream come true na makasama ko sya, dati kasi ay parang imposible na mangyayari ang mga bagay na to, pero ngayon ay nangyayari na paunti-unti..

Tinititigan ko ang mukha nyang pulang pula dahil sa kalasingan nang bigla syang dumilat, dahilan upang mapaatras ako at kabahan.

"Crush mo ba ako?" Tanong nya sabay ngiti na tila nanti-trip. Nagkukuwaring tulog.

"Matulog kana, lasing ka lang.." sabi ko sa kanya.

"Sagutin mo muna yung tanong ko.." nakangiting pang aasar nya sakin.

"Secret.." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Kukuha ako ng damit, para makapagpalit ka." Sabi ko saka ako tumayo, ngunit di pa man ako nakakatayo ng husto ay agad nya akong hinila palapit sa kanya, dahilan upang mapadapa ako sa kanya..

"Stay here.." bulong nya sa tenga ko kaya agad akong kinabahan. Shit! Halos five inches na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang anytime sasabog na sa tuwa.

Inihiga nya ako sa tabi nya saka nya ako niyakap ng mahigpit, dahilan upang kiligin ako ng husto. Hindi na ako nanlaban pa dahil confortable naman ako sa pwesto ko, nakahiga habang nakayakap sya sakin.

Totoo ba to? Hindi naman ako nakainom kaya imposibleng imahinasyon ko lang to.. Hindi rin naman siguro ito panaginip?

"Lasing ka lang ba kaya mo to ginagawa? Kung ganon, parang mas bet kong lasingin ka araw-araw para maging ganito ka ka-sweet sakin lagi." Sabi ko sa isip ko habang nakatitig sa mukha nya.

Bigla tuloy akong napaisip.. Gusto nya rin ba ako? O nag aassume lang ako kasi gustong gusto ko sya?

Nang mapatingin ako sa labi nya ay tila nakaramdam ako ng pagnanasa na halikan sya, pero hindi ko ginawa. Hindi ako lasing at ayokong mag take advantage sa kanya.

"Temptation is everywhere, but be strong becky.." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa mukha nya na tila anghel na natutulog.

Sinubukan kong bumangon pero masyado syang mabigat kaya hindi ako makatayo. Nakadantay ang katawan nya sakin habang nakayakap, kaya ramdam ko ang bigat ng katawan nya. Pinagmasdan ko sya hanggang sa makaramdam ako ng antok...

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon