BECKY's POV
Pagdating namin sa bahay ni Freen, parang hindi ako makahinga sa kaba. Sobrang bilis ng mga nangyari—parang kahapon lang hinatid niya ako pauwi, tapos ngayon sinundo niya ulit ako sa bahay at ipapakilala sa tropa niya.
Relax self! Hindi ka nya girlfriend, okay? Ipapakilala ka lang nya as a friend. Hindi ito planado, nagkataon lang na nandito rin ang mga kaibigan nya kaya ipapakilala ka.
Pagpasok pa lang namin sa pintuan ay bumungad na samin ang malalaking ngiti ng mga kaibigan nya, mas lalo tuloy akong nakaramdam ng matinding kaba sa dibdib ko.
"Bakit ganyan kayo ngumiti? Ang creepy!" Nakangiting tanong ni Freen sa mga kaibigan nya.
"Aaayyyy, hindi mo ba alam? Ganito talaga ang ngiti namin kapag may magandang bisita," sagot nung isang kaibigan niya na naka-boy cut. Parang ang gaan ng dating niya, pero halatang may kapilyuhan sa boses.
"Wala ka naman dito kanina. Bat nandito ka ngayon?" Nakangiting tanong ni Freen sa kanya nang makalapit na kami.
"Woah! Nalaman ko kasi na may magandang babae ka daw na kasama, so nagmadali akong pumunta dito.." nakangiting sabi nya,, dahilan upang mapangiti ako.
"Sya si Becky.." seryosong pagpapakilala ni Freen sakin.
"Si Jim, Fon, Sky, Maddy, at si Tee," Banggit naman ni Freen. Isa-isa silang ngumiti at kumaway. Mababait naman silang lahat, kahit halatang may kakaibang energy ang grupo.
"Im Tee and im single.." nakangiting sabi ni Tee saka nya iniabot sakin ang kamay nya upang makipag handshake. Nang hahawakan ko na ito ay agad na hinampas ni Freen ang kamay ni Tee, dahilan kaya hindi kami nakapag shakehands.
"Woah? Akala ko ba kaibigan mo lang si baby girl, bakit parang gusto mo na akong saktan?" Tumatawang pang aasar ni Tee kay Freen, dahilan upang magtawanan kaming lahat.
"Sasaktan talaga kita kapag hindi ka tumigil.." tumatawang sagot ni Freen sa kanya.
"Grabe naman magselos ang friend namin.." tunatawang asar naman ni Sky.
"I agree, ngayon ko lang sya nakitang nagselos.." nakangiting sabi naman ni Maddy.
"Ngayon lang kasi sya nagdala at nagpakilala ng kaibigan nya dito.." nakangiting sabi naman ni Jim na tila nang aasar din.
"Gusto nyo na bang umuw" nakangiting tanong ni Freen sa kanila.
"Huh? Ayaw pa naming umuwi.. Gusto rin naming manuod ng movie.. diba?" Nakangiting sabi ni Sky saka nya hinikayat na sumagot ang iba.
"Oo nga. Gusto rin naming manuod ng movie. Medyo matagal na rin kaming hindi nakakanood eh.." nakangiting sang ayon naman ni Maddy.
"Sakto! Masarap uminom ng alak habang nanunuod bold!" Nakangiting biro ni Tee kaya agad kaming napatingin sa kanya.
"Joke lang!" Nakangiting dugtong nito habang naka peace sign sya.
"Siraulo ka talaga Tee!" Sabi ni Jim saka nya hinampas ang braso ni Tee.
"Bumili na kayo ng alak at pulutan nyo, don't forget to buy five bottles of juice.. for becky.." nakangiting sabi ni Freen, dahilan upang kiligin ako. Naalala nya pa akong pabilhan ng juice, eh kahit tubig lang ay okay na sakin.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Freen sakin nang mapansin nyang tahimik ako, tumango lang ako at ngumiti bilang sagot.
"Ano ang gusto mong panoorin becky?" Nakangiting tanong ni Jim sakin pagkabukas nya sa Television.