CHAPTER 15

5.8K 238 18
                                    

❦❦❦❦❦
FREEN's POV

Pagkatapos kong ihatid si Becky sa school nya ay dumiretso ako sa bahay ni Architect Orm para sunduin sya.

"Thanks! Akala ko hindi mo ako susunduin eh.." nakangiting sabi ni Orm pagkaupo nya sa passenger seat ng kotse ko.

"Bakit kasi ayaw mong pumirma ng kontrata sa Viva Company? May pa-free car sila para sa mga empleyado nila.." nakangiting tanong ko habang naka-fix sa daan ang mga mata ko.

"Mas malaki ang income kapag freelance.." nakangiting sagot nya sakin.

"Kung mas malaki ang income kapag freelancer, edi bakit hindi ka bumili ng sasakyan?" Tanong ko sa kanya.

"Ang hassle kung magda-drive ako, hahanap pa ako ng parking lot.. Saka mas gusto ko na inaabala ka paminsan-minsan.." nakangiting sagot nya sakin, dahilan upang matawa ako.

"By the way, nag email sakin ang Cielore, kaya baka ito na ang huling project ko under Viva Company.." seryosong sabi nya sakin.

"Huh?? Akala ko gusto mo mag freelancer dahil mas malaki ang income?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang Cielore at Viva Company ay parehong kilala sa Asia, pero nakakapagtaka na napapayag sya ng Cielore.

"Hindi naman salary ang dahilan kung bakit ako pumayag sa Cielore.." nakangiti nyang sagot sakin, hindi ko na tinanong ang reasons nya, but im sure it's deep. Dahil ang katulad ni Orm ay hindi basta-basta nagdedesisyon nang hindi pinag-iisipan.

Pagdating namin ni Orm sa site ay nadatnan namin doon si Ceska, kasama nya si Engineer Arkin na syang makakatulong ni Orm sa project na ito.

Ipinakilala ni Ceska si Arkin kay Orm, ito ang first time nila na magtatrabaho together, sana ay makabuo sila ng maayos at matibay na proyekto.

Ang daming dapat ayusin at palitan sa mga materials na dumating dahil hindi na-satisfied si Ceska sa mga nakita niya. Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ang bawat item na nakalatag sa harapan, ang mga mata’y kritikal na sinusuri ang bawat sulok ng materyales. Perfectionist kasi si Ceska pagdating sa trabaho—hindi puwedeng basta-basta lang, kailangan bawat detalye ay eksakto sa kanyang mga inaasahan. Isa siyang taong hindi kuntento sa “pwede na” o “okay na ‘yan,” gusto niya, lahat ay perfect.

“I don't like it..” bulong niya sa sarili habang binabaliktad ang isang piraso ng tile na may maliliit na gasgas. “I paid a lot of money for this trash?” inis na dugtong nya, dahilan upang magkatinginan kami ni Orm. Welk, may rason naman para magalit sya dahil may list sya ng mga materials na inorder nya, pero ibang kulay at quality ang ipinadala ng supplier.

"Miss Kim, call the supplier of this trash, Now!" Taas kilay na utos ni Ceska sa secretary nyang nangangatog ang mga kamay habang dina-dial ang phone number ng supplier.

"Hello, this is Ceska, the CEO of Viva Company. I received the materials you sent here to the site, and they are completely different from the materials listed in my order." Taas kilay nyang bungad sa kausap nya.

"I don't need your apology; what I need is a solution. Retrieve all the low-quality materials you sent here to the site and replace them with the exact materials listed in my order. I am so disappointed! You are causing delays. Make sure everything is replaced by tomorrow morning, or else I will find another supplier!" Sabi ni Ceska na bakas sa mukha ang pagkadismaya. Pagkatapos nyang kausapin ang supplier ay agad nyang ibinigay ang cellphone sa kanyang secretary.

"Relax, Don't stress yourself too much.. Im sure that Orm and Arkin can handle this.." seryosong sabi ko sa kanya.

"Okay.. okay.. I need to go, I have a meeting.. Make sure na hindi maling materials ang ipadadala ng supplier.." sabi ni Ceska kay Orm at Arkin bago sya tuluyang umalis.

Pagkatapos namin mag ikot sa site ay dumiretso kami ni Orm sa paborito naming restaurant, habang si Arkin naman ay humiwalay na ng landas samin.

Inorder namin ang mga best seller nila na naging paborito namin dahil sa kakaibang lasa nito, masarap at talagang sulit ang bayad.

Pagkatapos naming kumain ay nag-aya naman si Orm na uminom sa bar, kaya bago kami magsimulang uminom ay nag message ako kay becky na wag na akong hintayin dahil gagabihin ako.

Habang lumalalim ang gabi ay dumarami na ang boteng nakalagay sa table namin ni Orm, ngunit nananatili syang tahimik at tila malalim ang iniisip.

"Why did you invite me to drink?" tanong ko habang pinapanuod ko syang lunurin ang sarili sa alak. Ngayon ko lang sya nakitang ganito dahil ang Orm na kilala ko ay masayahin at tila walang problema, ibang iba sa Orm na kaharap ko ngayon.

"Posible ba na maghilom ang sugat na dulot ng pag-ibig? " Tanong nya habang nakatingin sa basong iniikot-ikot nya.

"Depende sa lalim ng sugat. Kung mababaw, madali itong maghilom, pero kung malalim, maaaring kailanganin ng mas mahabang panahon at mas maraming pag-unawa." sagot ko sa kanya.

"Now I understand kung bakit umabot ng apat na taon ang galit nya sakin.." nakangiting sagot nya habang nakatingin pa rin sa baso na hawak nya.

"Ginawa nya ang lahat para sakin, pero iniwan ko pa rin sya.." nakangiting kwento nya sakin, hindi ako nagsalita.. Hinayaan ko lang sya na mag kuwento upang gumaan kahit papaano ang nararamdaman nya.

"I heard her arguing with her mom, and her mom was ready to disown her, but she didn’t care... She was willing to give up the life she had for me." Kwento nya habang namumuo ang luha sa mga mata nya.

"She has done everything for me, and if she’s willing to give up the life she has for me, it’s too much... I can’t bear to watch her suffer because of me." umiiyak na kwento nya, kaya naman lumapit ako sa kanya upang yakapin sya.

Wala akong maibigay na advice na makakatulong upang mapagaan ang nararamdaman nya, hindi kasi ako expert sa ganitong bagay.. Pero gusto kong maramdaman nya na may kaibigan syang masasandalan at maiiyakan..

Halos dalawang oras din syang umiyak sakin bago kami magpasyang umuwi. Hinatid ko sya sa bahay nya bago ako nagtungo sa bahay nila becky.




❦❦❦❦❦❦

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon