❦❦❦❦❦❦
FREEN's POVLumabas ako ng kwarto, dahan-dahang isinara ang pinto upang hindi magising si Becky. Alam kong pagod siya, at nais kong bigyan siya ng oras para makapagpahinga. Nang makalabas na ako, sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa dagat, tila inaanyayahan akong maglakad sa dalampasigan.
Habang naglalakad ako sa dalampasigan ay isang babae ang nakita kong pamilyar mula sa malayo, nakasuot sya ng swimsuit na nagpapakita ng kagandahan ng hugis ng kanyang katawan.
Bahagya akong lumapit at tinignan sya sa mukha, doon ko nakita ang magandang mukha ni Iris, ang kaibigan ko mula pa noong highschool.
"Iris!" Sigaw ko, dahilan upang mapatingin sya sakin.
"Freen.." nakangiting bigkas nya sa pangalan ko bago sya lumapit at yumakap sakin.
"Are you alone here?" Nakangiting tanong ko habang nakatingin sa mukha nya, tumango naman sya bilang sagot.
"Don't tell me you're looking for your forever?" nakangiting biro ko habang naglalakad kami sa dalampasigan.
"Crazy! I'm not looking for that, because I found it already.. May hindi lang kami pagkakaunawaan ngayon, that's why I came here for peace of mind.." nakangiti nyang sagot sakin nang marating namin ang pinakapampang ng dagat bago kami naupo sa buhangin.
"You? Are you here alone too?" tanong nya sakin habang pareho kaming nakatanaw sa kalayuan ng dagat.
"No, I'm here with my girlfriend, but sadly, she's sleeping right now, so I can't introduce you to her." sagot ko.
"We were supposed to go surfing, but she's still asleep. She got really tired from snorkeling." nakangiting kwento ko sa kanya.
"You can do it tomorrow. You can take a leave from work anytime anyway." Nakangiting sagot nya, knowing im the boss of my own company.
"She have classes tomorrow. It's just that she doesn't have classes today, so we were able to come here." nakangiting sagot ko.
"Ohh. So your girlfriend's still a student?" Nakangiting tanong nya na parang hindi makapaniwala.
"Yeah, she studies at the same school where you work." Seryosong sagot ko sa kanya.
"Really? What's her name? Baka kilala ko sya.." nakangiti nyang sabi sakin nang may biglang tumawag sa kanya.
"Iris!" Sigaw ng isang babae na mabilis na naglalakad patungo samin, bakas sa mukha nya ang pagkainis, kaya naman agad kaming tumayo pareho.
"So kaya ka nakikipaghiwalay dahil sa babaeng 'to?!" galit na sigaw ng babae kay Iris habang marahas na itinuturo ako, tila ba ako ang dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman niya.
"Ruiz, calm down. Ano bang pinagsasabi mo? Nakakahiya kay Freen." pakiusap ni Iris, pilit na kinakalma ang babae sa harap namin, pero hindi ito nagpapigil.. Bago pa ako makapag-react, mabilis na bumitaw ng suntok ang babae at tinamaan ako sa mukha. Napaatras ako, at tuluyang bumagsak sa malamig na buhangin. Pakiramdam ko'y kumulo ang dugo ko sa biglaang sakit, ngunit bago pa ako makabangon, nakita kong nakahanda na siyang suntukin ulit ako.
"Ruiz, tama na!" sigaw ni Iris, at sa wakas, nagawa niyang pigilan ang galit na galit na babae. Samantala, mabilis akong bumangon, kahit na kumikirot pa ang sugat sa labi ko.
"Enough! Hindi ka na nakakatuwa!" Sigaw niya saka lumapat ang kamay nya sa mukha ng babae, dahilan upang tumigil ito.
"What’s your problem, huh?!" Sigaw na tanong ko habang bakas sa mukha ko ang pagkainis.
"Im sorry.." mahinang sabi ni Iris sakin habang hawak nya ang braso ko.
"We both know kung bakit ako nakipaghiwalay sayo, Ruiz! She has nothing to do with this." Kunot noong sabi ni Iris sa babae.
"It looks like you are barking at the wrong tree, bro! No wonder kung bakit nakikipaghiwalay si Iris sayo." Nakangiting sabi ko sa babae na bakas sa mukha ang pagkainis dahil sa sinabi ko.
"Shut up!" Taas kilay nyang sagot sakin, napakabilis nyang maasar kaya naman naisip kong asarin sya lalo.
"If you're thinking that we have a relationship, maybe we should make it real so your reason for acting this way would be valid?" Nakangiting pang-aasar ko sa kanya bago ko inakbayan si Iris, dahilan upang mag walk out sya.
"Im really sorry about that.." kalmadong sabi ni Iris na bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Saan mo ba nakilala ang kupal na yon?" Nagtatakang tanong ko dahil halatang kaedad lang sya ni becky.
"Tara! Linisin ko yang sugat mo.." sagot nya sakin na tila umiiwas sa tanong ko.
"Maliit lang to, wag kang mag-alala.. Hindi ko kailangan ng doktor.." nakangiting sagot ko sa kanya.
"Hindi ako doktor, teacher ako.. kaya wag ka ng maraming sinasabi dyan." Nakangiting sabi nya sakin saka nya ako hinawakan sa braso at hinila.
Pinaupo nya ako sa isang umbrella cottage na malapit sa isang bilihan ng mga salbabida at iba pang gamit for swimming. Iniwan nya ako saglit at nang bumalik sya ay may bitbit na syang First aid kit.
"Sabi mo teacher ka, hindi ka doktor.." nakangiting biro ko sa kanya.
"Kayang gawin ng teacher ang lahat, baka nakakalimutan mo.. Kaming mga teacher ang humuhubog sa mga future Doctors at iba pa.." nakangiting sagot nya sakin bago sya naupo sa tabi ko.
Inilabas niya ang isang cotton buds at bote ng Betadine, dahan-dahan niyang binasa ang dulo ng bulak at maingat na nilinis ang sugat sa gilid ng labi ko. Ramdam ko ang kirot sa pagdampi ng bulak na may betadine sa labi ko.
"Ouch.. it hurts.." sabi ko nang mapadiin ang pahid nya sa sugat ko.
"Woah! Simpleng sugat lang to, kung makapag react ka naman dyan.." tumatawang sabi nya sakin, dahilan upang matawa rin ako.
Sa gitna ng tawanan naming dalawa ay biglang bumungad sakin ang nakasimangot at kunot noong mukha ni becky na nasa likuran ni Iris, kaya naman agad kong hinawi ang kamay ni Iris.
"Ahm.. okay na to.." nakangiting sabi ko kay Iris na bakas sa mukha ang pagtataka. Kaya naman tumayo ako agad at lumapit kay becky.
"Gising ka na pala.." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Mukhang nag-eenjoy ka pa eh, gusto mo ba dagdagan ko pa yang sugat mo?" Seryosong tanong ni becky habang nakataas ang kilay.
❦❦❦❦❦❦