CHAPTER 10

5.9K 238 10
                                    

FREEN's POV

After our first kiss, finally ay official na ang relationship namin ni becky. Hindi ko inexpect na sa ganitong paraan kami magiging official couple.

"It feels like na-witness namin ang pinaka-dramatic na paglalagay ng label sa relasyon.." nakangiting pang-aasar samin ni Sky pagpasok namin ni becky sa loob ng bahay.

"Yeah! Simple lang naman diba? Bakit hindi nyo pa noon ginawa?" Tumatawang tanong ni Tee.

"There's a right time for everything.." nakangiting sagot ko habang nakahawak sa kamay ni becky. Hinalikan ko ang kamay nya sa harap ng mga kaibigan ko, dahilan upang tuksuhin nila kami.

"Woah! Hindi porket official na kayo ay pwede nyo ng ipamukha sakin na single ako.." tumatawang sabi ni Sky.

"Kailan ka naging single?" Tanong ni Tee kay Sky na tila hindi makapaniwala. Lagi naman kasi talagang may girlfriend si Sky, paiba-iba nga lang sya ng dinadalang babae kapag may gatherings kami. Sa dami ng naging girlfriend nya, hindi ko na maalala ang mga pangalan nila.

"Well, today. I declare myself that im single.." nakangiting sagot ni Sky.

"Huh?? Pero kasama pa natin kanina si Abegail bago tayo pumunta dito.. break na kayo agad?" Nagtatakang tanong ni Maddy.

"Eh, bakit pa patatagalin kung alam mo namang hindi na magwo-work, diba? Masaya naman siya kanina, okay na 'yon. Next chapter na tayo!" Nakangiting sagot ni Sky na tila sanay na sanay sa panloloko ng mga babae.

"Puro ka kalokohan.. makakahanap ka rin ng babaeng magpapabago ng pananaw mo sa buhay.." nakangiting sagot ko sa kanya.

"I don't think so..." Nakangiting sagot naman ni Sky.

Maya-maya ay nagpasya si Jim na buksan ang TV upang manuod, kaya naman agad kaming naupo sa sofa upang manuod na rin ng TV. Ganito lang ang ginagawa namin sa rest day, mas prefer namin na nasa bahay lang at nanunuod, umiinom at nagku-kwentuhan.

Pagkatapos namin manuod ng isang movie ay naghanap muli si Jim ng panonoorin, ngunit nakaramdam na ako ng pagka-bored kaya naman inaya ko si Tee at Sky na maglaro ng bilyar sa labas. Iniwan namin sina Jim, Maddy at becky na nanunuod ng TV dahil hindi naman sila mahilig sa bilyar at tinatamad rin silang lumabas ng bahay.

Habang naglalaro kami ng bilyar ni Tee at Sky, ay nakaupo namang nanunuod samin si Fon. Sumama sya samin dahil mabilis rin syang nabo-bored sa movies. Habang naglalaro ay hindi namin maiwasan na mag kwentuhan, hindi pa rin kasi sila tumitigil sa pang aasar sakin.

"I'm so happy for you.. finally magkaka-experience kana.." nakangiting pang aasar ni Sky.

"Siraulo!" Sagot ko saka ko hinampas ng marahan ang braso nya. Hindi ko rin naiwasan na matawa sa biro nya dahil hindi ko naman naiisip ang bagay na yon.

"A secret in a healthy relationship is having a good sex.." nakangiting sabi naman ni Tee.

"Alam nyo? Ang gago nyo.. Wag nyo nga akong idamay sa kamanyakan nyong dalawa." Tumatawang sagot ko sa kanila.

"Hoy realtalk yon. Proven and tested.." sabi ni Tee.

"If that is the secret to a healthy relationship, bakit hanggang ngayon ay never ka pang nagkaroon ng healthy relationship?" Tanong ni Fon.

"Woah! It's because I'm still innocent.." nakangiting sagot ni Tee kay Fon.

"Innocent your face.. Ang sabihin mo, puro kahalayan ang nasa isip mo kaya walang nagtatagal sayo.." iritang sgaot ni Fon daka nya inirapan si Tee. Para talaga silang aso at pusa sa tuwing magkasama sila. Walang araw na hindi sila nag aaway.

"Kaming tatlo lang ang nag-uusap dito, hindi kasali ang mga taong never pang nagkajowa.." nakangiting pang aasar naman ni Tee kay Fon, mukhang may balak pa silang mag bardagulan dito sa billiard room.

"Bagay kayo ni sky, puro kahalayan ang alam. Bat di nyo jowain ang isat isa?" Banat ni fon sabay irap.

"Oh bakit nadamay naman ako?" Tanong ni Sky.

Pagkatapos naming maglaro ay dumiretso na kami sa bahay. Ang bilis ng oras kapag nag-eenjoy ka, kanina lang ay may araw pa, pero ngayon ay madilim na ang paligid.

"What's up!" bungad ni Tee pagpasok namin sa bahay. 

"Na-brainwash nyo na bang mabuti si becky?" Natatawang tanong ni sky.

"Well, just a little bit.." nakangiting sagot ni Jim, dahilan upang magtawanan kaming lahat.

"I think we need to go home, maaga pa tayo bukas.." pag-aaya ni Fon.

"Yeah! Let's go home.. Im so tired.." sagot naman ni Maddy.

"Basta kapag kailangan nyo ng teknik, magsabi lang kayo sakin." nakangiting sabi ni Tee.

"Psh! Wag nyo ng subukan humingi ng advice kay Tee, siguradong masisira lang ang buhay nyo." Sabi ni Fon, dahilan upang magtawanan kaming lahat.

"Epal talaga, kulang ka ba sa aruga kaya lagi kang nagpapapansin sakin? Nakangiting pang aasar ni Tee kay Fon.

"Ang kapal mo huh?" Inis na sagot ni Fon sa kanya.

"Konti na lang, iisipin ko na talaga na may gusto ka sakin." Tumatawang pang aasar ni Tee, kaya naman inis na inis sa kanya si Fon.

"Asa ka.." madiing sabi ni Fon saka nya inirapan si Tee.

"Kayong dalawa, lagi kayong nag-aaway. Naaalala ko tuloy kung paano nagkatuluyan ang mom and dad ko.." tumatawang pang aasar naman ni Sky, alam na alam nya kung paano inisin si Fon.

"Hoy Sky! Kadiri ka huh? Papasakan ko ng tsinelas yang bibig mo.." inis na sabi ni Fon.

"That's enough.. Baka mapunta pa sa kasalan yang pag-aasaran nyo." Nakangiti kong sabi sa kanila para tumigil na sila.

"Anong kasalan? Baka sakalan? Dahil malapit ko ng sakalin tong babaeng to!" Iritang sagot ni Fon saka sya naglakad palabas ng bahay ko, dahilan upang magtawanan kaming lahat.

"Asar talo.." nakangiting sabi ni Tee na tila nagtagumpay sa bardagulan nila ni Fon.
.
.
Nang makaalis na ang mga kaibigan ko ay agad akong dumiretso sa kwarto upang maligo, habang si becky naman ay busy sa paghuhugas ng plato.

Pagkatapos kong maligo ay gumamit ako ng hair dryer para matuyo agad ang buhok ko, saka ako nahiga sa kama.

Isang oras lang ang nakalipas ay pumasok naman si becky sa kwarto, nakabalot ng tuwalya ang kanyang katawan at ang kanyang buhok.

"Nabasa ako habang naghuhugas ng plato kaya naligo na rin ako." Nakangiti nyang sabi sakin saka sya kumuha ng maisusuot na damit sa cabinet.

Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang makinis nyang batok at likod habang busy sya sa paghahanap ng maisusuot. Nang makahanap na sya ng isusuot ay agad syang humarap sakin, kaya naman agad akong umiwas ng tingin.

Bakit parang naging awkward ang sitwasyon ngayong may label na kami? Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

"Okay ka lang?" Nagtatakang tanong nya sakin, napansin nya siguro na tila wala ako sa sarili..

"Huh? Oo naman," sagot ko, pilit pa ring iniwasan ang mga mata niya. "Magbihis ka na… para makatulog na tayo," dagdag ko, pilit na nagpapakakalmado. Nilingon ko ang sahig, ang pader—kahit ano, basta huwag lang siyang tingnan nang diretso.

"Mauuna na akong matulog.." sabi ko sa kanya saka ako humiga ng patalikod mula sa kanya. Kailangan ko ng matulog, dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko..


————❤️————❤️————❤️————

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon