❦❦❦❦❦❦
FREEN's POVKinabukasan, maaga akong gumising para ihatid si Becky sa kanyang eskwelahan. Habang nagmamaneho kami, tahimik ang paligid, at maririnig mo lang ang tunog ng makina at mga pihit ng gulong sa kalsada. Nang maihatid ko na si becky sa school ay agad naman akong nagdrive patungo sa Vortex Company, ang aking kumpanya.
Pagdating ko sa trabaho, ilang empleyado ang agad bumati sa akin habang naglalakad ako sa hallway. "Good morning, Miss Freen," bati ng isa habang naglalakad palapit sa akin. Tumango ako at ngumiti bilang tugon, pormal ngunit may halong kasimplihan, gaya ng nakasanayan ko.
Pagbukas ko ng pinto ng opisina, agad kong napansin si Fon na nakaupo sa couch, parang kalmado pero may malalim na iniisip. Bahagya akong natigilan sa nakita ko. Hindi si Fon ang tipo ng tao na basta-basta pumupunta rito, lalo na kung walang mahalagang dahilan. Hindi siya katulad nina Tee at Sky na madalas maglakwatsa at sumulpot sa opisina ko kahit walang paalam.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya nang seryoso saka ako naupo sa couch. Hindi nya ako sinagot, nanatili syang nakasandal sa couch at nakatingin sa malayo.
"Galing ako dito kahapon dahil may usapan tayo na sabay nating ichecheck yung pinapatayo nating resort, pero ang sabi ng secretary mo, nag leave ka daw.." seryosong sabi nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko, may kaunting bakas ng pagkadismaya sa mukha nya kaya hindi agad ako nakapagsalita.
It's true naman na may usapan kami, at naiintindihan ko na nadidismaya sya ngayon dahil nakalimutan ko ang usapan namin.
"I can't believe you're becoming irresponsible now..." Seryosong sabi nya sakin.
"Woah! I'm sorry, okay? Sorry for not informing you, it was sudden... Becky was upset with me because I didn't update her all day... so I made it up to her yesterday..." Kalmadong paliwanag ko sa kanya.
"Wag ka ng magalit, please? Ngayon na lang natin icheck yung resort, then I'll treat you for lunch.. ipagda-drive na rin kita.." nakangiting sabi ko sa kanya.
Si Fon kasi yung tipo ng tao na sobrang professional. Lagi syang on time at ayaw nyang may nasasayang na araw. Madali syang nagagalit when it comes to work, pero madali rin naman nawawala ang galit nya lalo na kapag narinig nya ang libre..
"Fine, but make sure na hindi na ito mauulit.. lalo na kung walang kwentang dahilan ang ibibigay mo sakin.." iritang sabi nya sakin.
"Nagsusungit ka na naman.. May dalaw ka ba?" Nakangiting pang-aasar ko sa kanya, dahilan upang irapan nya ako, kaya naman agad kong pinisil ang magkabilang pisngi nya.
"Tara! Bilhin natin lahat ng food cravings mo bago tayo pumunta sa resort.." nakangiting sabi ko sa kanya habang ang magkabilang kamay ko ay nakakurot sa magkabilang pisngi nya.
"Fine.. let's go.." seryosong sabi nya sakin, kahit obvious naman na pinipigilan nya lang ngumiti.
Habang nasa loob kami ng kotse, tahimik akong nakafocus sa daan, sinusundan ng mga mata ko ang bawat liko at tahimik na kalsada. Si fon naman ay nakaupo sa tabi ko habang nakafocus naman ang tingin sa labas ng bintana.
"Ang sarap siguro sa pakiramdam na may taong pumipili sayo araw-araw..." marahang sabi ni Fon habang nakatanaw sa bintana, habang ako naman ay tahimik lang at nakafocus pa rin sa daan. Hindi ako nagsalita, bagkus ay pinakinggan ko lang sya.
"Minsan naiisip ko, ano kaya ang pakiramdam kapag may taong nandyan para sayo, yung handa kang piliin sa araw-araw.." seryosong sabi nya bago sya tumingin sakin. Bakas sa mata nya ang lungkot at pangungulila.
"Yung hindi mo na kailangang mag-alala kung aalis ba siya o magsasawa, dahil sigurado ka na ikaw ang pipiliin niya kahit anong mangyari. Yung kahit hindi ka perpekto, tatanggapin ka pa rin niya ng buo, at gagawin niya ang lahat para maparamdam sayo na mahalaga ka. Siguro ang sarap sa pakiramdam nun, yung may kasiguraduhan, yung tipong hindi ka nag-iisa kahit sa mga araw na hindi mo kaya, dahil alam mong may isang tao na nandyan para sayo na handa kang piliin sa lahat ng pagkakataon.." nakangiting sabi nya sakin habang bakas naman sa mata nya ang lungkot. Hindi ko alam ang pinagdadaanan nya ngayon, pero sigurado akong malalim ang iniisip nya.
"Alam mo ba? Yan din ang tanong ko sa sarili ko nung bata pa ako.." nakangiting bungad ko sa kanya. "Ano kaya ang pakiramdam na may taong pumipili sayo?" Saglit akong tumingin sa mga mata nya bago ako mag focus ulit sa daan.
"Sarili ko kasing nanay ay inayawan ako.. Iniligaw nya ako na parang pusa para lang mawala ako sa paningin nya.." nakangiting sabi ko bago ako sumulyap ulit sa kanya.
"Pero nung dumating sa buhay ko ang mga naging adoptive mom at dad ko, doon ko na-realize na may mga tao talaga na darating para pahalagahan tayo, para piliin tayo, at iparamdam sa atin ang pagmamahal na hindi natin naramdaman sa taong mahal natin. Yung klase ng pagmamahal na hindi mo kailangang hingin o hanapin, kasi kusa nilang ibibigay.." nakangiting sabi ko sa kanya.
Well, si Fon at Tee lang ang nakakaalam tungkol sa pagiging adoptive child ko. Simula kasi nung bata ako ay itinuring ko na bilang totoong magulang ang mga taong umampon sakin. Kaya hanggat maaari ay ayaw kong ungkatin pa ang nakaraan ko.
"Kailangan mo lang bigyan ng pagkakataon ang ibang tao na piliin at mahalin ka.." nakangiting sabi ko sa kanya.
"What would you feel if one day malaman mo na may boyfriend na ako?" Seryosong tanong nya sakin kaya bigla akong natawa, out of nowhere kasi ay bigla nyang tinanong ang bagay na yon sakin.
"Shempre magiging masaya ako kasi may pipili na sayo bukod sakin.." nakangiting sagot ko sa kanya, dahilan upang irapan nya ako.
"What if lahat ng oras ko ay mapunta sa boyfriend ko, okay lang ba yon sayo?" Seryosong tanong nya.
"What do you mean? Hindi ka na magtatrabaho?" Tumatawang tanong ko sa kanya.
"Alam mo? Ang cute mo, pero ang hina mo pumick-up." seryosong sagot nya sakin saka nya ako inirapan.
❦❦❦❦❦❦