CHAPTER 3

6.7K 297 18
                                    

BECKY's POV

Halos 30 minutes na akong naghihintay sa cafeteria kung saan kami magkikita ni Freen, pero ni anino nya ay wala pa rin. Ang hirap maghintay! Sobrang excited at kinakabahan ako, kasi after 3 years, ngayon ko na lang ulit makikita ng personal ang mukha nya. Sigurado akong malaki na ang pinagbago ng itsura nya ngayon.

7 PM na, wala parin sya. Nagsisimula na ring magligpit ang mga crew dito sa cafeteria dahil 7:30 PM sila nagsasarado. Unti-unti na akong nahihiya sa mga crew dahil ako na lamg ang customer na nandito.

Darating pa kaya sya? Jusko Freen wag mo naman akong paasahin sa wala.. Ang tagal ko tong hinintay.. Iiyak talaga ako kapag hindi ka nagpunta!

Tumayo na ako sa inuupuan ko dahil nagsasarado na sila. Lumabas ako ng cafe at doon naghintay. Habang naghihintay, di ko maiwasang kausapin ang sarili ko.

"Don't break my heart please..." bulong ko sa sarili ko habang nililingon-lingon ang paligid, umaasa na sana ay dumating sya.

"Of course I won't..." Isang boses ang narinig ki mula sa aking likuran. Hindi ako pwedeng magkamali. Kabisado ko ang boses nya kahit 3 years ko syang hindi nakita. Palagi kong pinapanood ang mga video nya kaya imposibleng magkamali ako.

Nang lumingon ako ay agad kong nasilayan ang maamo nyang mukha, para akong hihimatayin sa sobrang saya na makita sya ulit. Nginitian ko sya na para bang hindi nya ako pinaghintay ng dalawang oras, ang mahalaga sakin ay dumating sya, hindu na mahalaga kung gaano nya ako katagal pinaghintay.

"I'm sorry, I didn't know that this place is too far from my house," sabi nya sa akin na bakas ang pagkahiya sa mukha nya.

"It's okay. Ang mahalaga, dumating ka," nakangiti kong sagot sa kanya.

Mas lalo syang gumanda at kuminis. Pumuti sya ngayon. Maybe because hindi na sya babad sa practice? Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko ngayon.

Tumingin sya sa relo nya, pagkatapos ay nilibot nya ng tingin ang paligid, nakita nya na ang lahat ng stores sa paligid ay sarado na.

"Where do you want to go? I'll take you there," tanong nya nang may ngiti sa labi.

"Hmmm... this is the only place I know... sayang sarado na. Masarap pa naman ang kape dito," sagot ko.

"May alam akong place na masarap mag-kape, medyo malayo nga lang dito. But it doesn't matter to me, do you want to go?" she asked.

"I want to but... if it's far from my place, baka mahirapan ako makahanap ng taxi sa ganitong oras," sabi ko sa kanya. 9 PM palang kasi ay mahirap nang sumakay ng taxi.

"It's already 8:20 PM," sabi ko sa kanya nang tignan ko ang oras sa phone ko.

"Don't worry about it, ihahatid kita..." she said and smiled at me. Did I heard it right? Ihahatid nya ako??

"Let's go?" nakangiting pag-aaya nya sakin saka nya binuksan ang pinto at pinasakay nya ako sa maganda nyang kotse.

Habang nasa kotse kami ay tinitingnan ko si Freen na nakatuon ang atensyon sa kalsada. Bakit hindi siya nagsasalita? Parang may invisible wall sa pagitan naming dalawa. Nagtanong na lang ako para mabasag ang katahimikan, kahit alam kong matagal na siyang hindi madaldal.

"How are you?" tanong ko sa kanya, umaasang magsisimula na ang aming pag-uusap.

"I'm good... how about you? 3rd year college ka na," sagot niya, na talagang nakapagpagimbal ng gabi ko.

Did I hear it right? Anong sabi niya? 3rd year college na ako? Bakit niya alam? Ibig sabihin ba nun ay matagal na nya akong kilala??

"Ah... yes. Bakit mo alam?" nakangiti kong tanong, kahit napupuno ako ng pagtataka.

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon