CHAPTER 13

5.7K 241 5
                                    

FREEN's POV

Pagkatapos naming magligpit ng mga pinagkainan, tumabi ako kina Tita-Mommy at Tito-Daddy sa sofa, na para bang parte na ako ng kanilang pamilya.

Ang lamig ng hangin mula sa aircon ay nagbibigay ng kaunting komportableng pakiramdam, habang ang mga mata ko ay nakatuon sa TV. May palabas kaming pinapanood na puno ng aksyon at drama, kaya hindi maiwasang madala ng kwento.

Tahimik lang ang buong sala, maliban sa tunog ng telebisyon at ang malumanay na paghinga ng mga magulang ni Becky sa tabi ko.

Maya-maya, habang naka-focus ang mata namin sa screen ay biglang naging masyadong intens ang mga eksena—nagkaroon ng maiinit na bed scenes na nagpabilis sa tibok ng puso ko.

Nararamdaman kong umiinit ang mukha ko, at di ko maiwasang makaramdam ng pagka-awkward. Bahagya kong nilingon sina Tita-Mommy at Tito-Daddy. Pareho silang nakatutok pa rin sa screen, na para bang normal lang ang mga eksena.

"Akyat na po ako sa kwarto.." nakangiti kong paalam sa kanila saka ako naglakad patungo sa hagdan.

Pagpasok ko sa kwarto ay nadatnan kong nagpapahid ng lotion si becky, dahilan upang mapatingin ako sa maputi at makinis nyang mga hita habang humahagod ang kamay nya dito.

She's wearing a revealing black dress which suited her well. Hindi ko naiwasan na mapalunok habang pinapanuod syang magpahid ng lotion sa hita nya.

"Mahal, nandyan ka pala. Kanina ka pa?" Nakangiting tanong nya nang makita nya akong nakatayo sa may pinto.

"Ohh.. hindi.. kakapasok ko lang.." nakangiti kong sagot saka ako naglakad palapit sa kanya.

"Sakto.. pwede mo bang pahiran ng lotion ang likod ko? Hindi ko kasi abot eh." Seryosong sabi nya sakin saka nya iniabot ang lotion.

Shit.. Kalma Freen! Magpapahid ka lang ng lotion, wag kang kabahan. Relax.

Kinuha ko ang lotion sa kamay nya saka ako marahang umupo sa likuran nya. Kumuha ako ng kaunting lotion at saka ko ito ipinahid sa kanyang likuran.

Kinuha ko ang lotion mula sa kamay niya, ang aking mga daliri ay bahagyang nanginginig sa nerbyos, natatakot ako na hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Habang nag-aalangan akong umupo sa likuran niya ay naka-focus naman ang mga mata nya sakin na tila naghihintay ng susunod kong gagawin, kaya naman agad kong binuksan ang lotion at kumuha ng kaunti nito saka ko ipinahid sa likod nya.

Habang marahang humahagod ang kamay ko sa kanyang likod ay sinubukan kong maging kalmado, ngunit hindi ko maalis ang mga senaryong naglalaro sa isipan ko.

Ang sexy nya sa outfit nya, samahan pa ng pag gamit nya ng hair clamp sa buhok nya, dahilan upang mas makita ko ang kaputian ng leeg nya.

Naramdaman kong tumataas ang temperatura sa paligid namin, hindi dahil sa init ng panahon, kundi sa tensyon ng mga sandaling iyon.

"Bakit parang tahimik ka? Ano ang iniisip mo?" Kalmadong tanong nya, dahilan upang mapatigil ako sa ginagawa ko.

“Ahh... I’m just... curious about the scent of your lotion.. It's unique from your previous lotions..” sagot ko, medyo kabado habang pinipilit ang aking boses na huwag magpahiwatig ng tensyon, dahilan upang humarap sya sakin at ngumiti.

"Yeah, binili ko lang to sa online.. Ini-endorse kasi  ito ni Eunice Valerio.." nakangiting sagot nya sakin.

"Try to smell it.. it smells good.." nakangiti nyang sagot sakin kaya naman agad akong lumapit sa kanya habang nakatalikod sya. Marahan kong inamoy ang likod nya patungo sa balikat nya, dahilan upang bahagya syang lumingon sakin.

"What are you doing?" Nakangiti nyang tanong sakin, ngunit hindi ko sya sinagot, bagkus ay nagpatuloy ako sa pag amoy sa balikat nya patungo sa leeg nya.

Nang mapasulyap ako sa mukha nya ay nakita kong nakapikit sya at tila dinadama ang bawat pagdikit ng labi ko sa leeg nya.

"It's true.. it smells good.. but it becomes more sweet when it's on your skin already.." mahinang bulong ko sa tenga nya bago ako nagpatuloy sa pag amoy sa leeg nya pababa sa kanyang braso.

"Do you like it?" Seryosong tanong nya habang nakakaakit ang mga titig nya sakin.

"Let me answer that question when im done.." seryosong sabi ko sa kanya saka ko inamoy ng marahan ang kanyang binti hanggang sa makarating ako sa kanyang hita.

"What are you trying to do?" Seryosong tanong ni becky habang nakakapit ng mahigpit ang magkabilang kamay nya sa kumot na nsa gilid nya.. Nakakaakit ang boses nya kaya mas lalo ang nag-iinit.

"You told me to smell it, right?" Tanong ko sa kanya saka ako dahan-dahang gumapang palapit sa mukha nya.

Hinalikan ko ng marahan ang labi nya saka ko sya marahang inihiga sa kama. Hindi naman nya ako pinigilan, bagkus ay iniyakap nya pa sakin ang magkabilang braso nya na tila nagbibigay ng pahintulot at nagpapakita ng tiwala sa akin.

Ang kanyang mga mata ay nakapikit, at sa sandaling iyon, tila naglaho ang mundo sa paligid namin. Ang kanyang mga labi ay malambot at mainit, at habang unti-unti kong inililipat ang aking mga labi sa kanya, ramdam ko ang pagkasabik na umaagos sa aking katawan.

Muli kong hinalikan ang kanyang labi, mas malambing, mas puno ng damdamin. Parang ang bawat halik ay may kasamang mga pangako na hindi ko pa kayang bigkasin. Ang kanyang yakap ay nagpaparamdam sa akin ng seguridad, isang pakiramdam na ako ay nasa tahanan.

Marahan kong hinubad ang damit niya bago ko halikan ang kanyang leeg. Ang bawat halik ay puno ng init ng pagmamahal dahil sa humihigpit na mga hawak nya sakin. Tatanggalin ko na sana ang bra nya nang may biglang kumatok sa pinto, dahilan upang mapatigil kami.

Bakas sa mukha namin pareho ang pagkagulat nang marinig namin ang katok kaya agad akong tumayo para buksan ang pinto, pero agad nya akong pinigilan.

"Wait, magbibihis lang ako.." sabi nya sakin saka sya nagmadaling magbihis at tumakbo patungo sa likod ko.

Pagbukas ko sa pinto ay bumungad sakin ang malaking ngiti ni Tita-mommy.

"Tita, may kailangan po ba kayo?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Ibibigay ko lang sana itong cellphone mo, naiwan mo kasi sa sofa.. May tumatawag kaya dinala ko agad rito, baka importante.." nakangiting sabi nya saka nya inabot sakin ang phone ko.

"Anong nangyari sa buhok mo? Mag suklay ka nga, mukha kang bruha.." nakangiting sabi ni Tita-mommy kay becky, kaya agad ko itong nilingon at nakita kong gulo-gulo ang buhok nya.

"It's a new hair style.." sagot ni becky, dahilan upang matawa ako, pero agad akong pinigilan ang sarili ko sa pagtawa dahil baka makahalata si Tita-mommy, nakakahiya.

"Osha! Matulog na kayo." Sabi ni Tita-mommy saka sya nagsimulang maglakad palayo. Nang maisarado ko na ang pinto ay sabay kaming huminga ng malalim.

Dahil nasira na ang moment namin ay pinili na lang namin pareho ang matulog at magpahinga dahil maaga pa kaming gigising bukas. Inilagay ko sa side-table ang phone ko bago ako nahiga sa kama.



————❤️————❤️————❤️————

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon