FREEN's POV
Maaga akong umalis ng office para sa meeting namin ni Ceska, ang CEO ng Viva Company. Magkikita kami sa isang napakalaking hotel na sya rin ang nagmamay-ari.
Pagdating ko sa hotel, agad akong napansin ng isang staff na naka-uniform ng malinis at elegant black suit. Tumayo siya sa harapan ng entrance at magalang na yumuko bilang pagbati.
"Good afternoon, ma'am. Welcome to the Viva hotel.." sabi niya na may magaan na ngiti. "May I assist you with your bags?" Nakangiti nyang dugtong.
"No thanks, magaan lang naman ito.." nakangiti kong sagot sa kanya. Handbag lang naman ang bitbit ko, nakakahiya naman kung ipapabitbit ko pa sa kanya.
Habang naglalakad kami sa malawak na lobby, napansin ko ang marangyang dekorasyon ng hotel—mga chandelier na kumikislap, marmol na sahig na tila sobrang kinis.. Pagpasok pa lang ay makikita na agad ang quality ng bawat details ng hotel, Im sure that it cost an arm and leg.
Paglabas namin ng elevator, dumaan kami sa isang tahimik na hallway na may malamlam na ilaw at may mga painting sa dingding.
Nang marating namin ang dulong bahagi ng hallway, huminto siya sa harap ng isang pintuan na may nakaukit na “VIP Suite” sa gold-plated nameplate. Kinuha niya ang keycard mula sa kanyang bulsa at dahan-dahang binuksan ang pinto.
"Nasa loob na po si Miss Ceska.." nakangiting sabi nya sakin saka sya nag give way para makapasok ako.
Pagpasok ko ay nadatnan kong nagbabasa ng libro si Ceska habang nakaupo sa malambot na sofa.
"Good afternoon, late na ba ako?" Nagtatakang tanong ko saka ako tumingin sa relo ko.
"No, im just early.." nakangiti nyang sagot sakin bago ako maupo sa tabi nya.
Nasa tahimik kaming conference room, ang tanging tunog lang ay ang mahina at pare-parehong ugong ng air conditioner. Nakatitig ako sa kanya, hindi ko maiwasang makaramdam ng konting kaba sa dibdib.
Sa harap ko, ang mga papel na may outline ng proposal ko, maayos na nakalatag sa mesa, pero ang tingin niya ay hindi sa mga iyon—kundi diretso sa akin, seryoso at walang bakas ng pag-aalinlangan.
"About your proposal, I really like it… but I wanted to add more to it to make it even better. That’s why I set up a meeting with you to discuss it," seryosong sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Is it okay with you if I remove some parts and add a few things to your proposal?" tanong nya sakin with a confident tone of voice.
"Yes, it's okay. If you think that would be better, I'm willing to accept the changes," nakangiti kong sagot sa kanya.
Inisa-isa nya ang mga bagay na nais nyang palitan or i-improve sa business proposal ko, idiniscuss nya sakin kung bakit nya inalis or pinalitan ang bawat detalye kaya naintindihan ko ang point nya. Mas lalo tuloy akong humanga sa taglay nyang husay at talino.
Pagkatapos ng meeting ay agad akong nagtungo sa Viva Mall na pag-aari din ni Ceska. Nasa Viva Mall kasi ang halos lahat ng original limited edition shoes kaya dito ako nagpunta para ibili ng sapatos si Richie bilang reward nya sa pagkakaroon ng matataas na grades.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkabungguan kami ni Architect Orm, sya ay isang mahusay na arkitekto kaya't pinag-aagawan sya ng iba't ibang kumpanya. Freelancer sya sa Viva Company kaya kami naging magkaibigan.
"Hey! It's nice to see you here.." nakangiting bati nya sakin, "I didnt expect na mahilig ka sa mga rubber shoes.." nakangiti nyang dagdag.
"No im not into rubber shoes.. but im here to buy a pair of shoes for my girlfriend's brother.. I want to give him a reward.." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Ikaw? Are you going to buy a pair of shoes here?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"No, I just came from a meeting.. kaya napadaan lang ako dito.." nakangiting sagot nya sakin bago sya tuluyang magpaalam.
Pagkatapos kong sunduin si becky sa school nya ay agad kaming dumiretso sa bahay nila. Her mom invited me to come and celebrate with them dahil kasama si Richie sa honor's list.
"Ito ang reward ko sayo dahil nag-aral ka ng mabuti.." nakangiti kong sabi kay Richie saka ko inabot ang isang paper bag na may lamang box.
"Wow! For real ate freen?" Nakangiting tanong ni Richie na bakas sa mukha ang sobrang kaligayahan.
"Wow! Limited edition to ah? Sigurado ako na mahal to, walang ganito sa mga mall eh.." Nakangiting sabi ni Richie saka nya ako niyakap ng mahigpit.
"Masyado mo namang ini-spoiled ang kapatid ko, baka isang araw ay ikaw na ang paborito nyang ate, hindi na ako.." nakangiting pagpaparinig ni becky kay Richie, dahilan upang magtawanan kaming lahat.
"Nako! Hindi malabo.." tumatawang sagot ni tito-daddy habang nakatingin kay Richie habang sinusukat ang sapatos nya.
"Tara na! Kumain na tayo. Sigurado akong gutom na kayo." Nakangiting aya ni tita-mommy samin kaya sabay-sabay kaming nagtungo sa dining table upang pagsaluhan ang mga pagkain.
Nang makaupo kami sa dining table, agad akong sinalubong ng aroma ng mga lutong pagkain na naglalaban-laban sa hangin. Pag-upo namin sa mahabang mesa, ipinagsandok ako ni Tita-Mommy ng mainit na sinigang at kanin, lagi nya itong ginagawa sa tuwing dito ako kumakain sa kanila, kaya naman ramdam na ramdam ko ang pagka-welcome sa family nila.
"Ang sarap ng luto niyo, Tita-Mommy! Walang duda kung bakit masarap din magluto si Becky," nakangiti kong sabi habang tinikman ko ang unang subo ng sinigang.
"Shempre naman, kanino pa ba magmamana si Becky? Sa ganda pa lang, alam mo na agad na ako ang mommy nyan," nakangiting pagmamalaki ni Tita-Mommy, habang sabik na nakatingin sa akin, tila sinisiguro na magugustuhan ko ang kanyang sinigang.
"Wala pong duda," nakangiting sang-ayon ko kay Tita-Mommy, habang sinasadyang tumaas ang aking kilay sa pagkakatuwa
Pagkatapos naming kumain, nagpasya akong tulungan si Becky na magligpit at maghugas ng mga plato. Habang nag-aalis kami ng mga pinagkainan sa mesa, nagsimula siyang magkwento tungkol sa mga hilig niya sa pagluluto, at tuwang-tuwa akong nakikinig sa kanya.
————❤️————❤️————❤️————