CHAPTER 27

4.3K 187 11
                                    

❦❦❦❦❦
BECKY's POV

Kinuha ko ang cellphone nya na nakapatong sa side-table saka ko ito binuksan. Laking gulat ko nang makita ko ang message ni Kaisha Yzabelle sa kanyang instagram.

Bakit may message si Kaisha sa kanya? Hindi pa naman nagsisimula ang photoshoot nila for Keds Clothes, bakit nagsesend na sya ng message kay Freen? Pwede naman nyang idaan sa secretary ang mga concerns nya, pwede rin naman na ang manager nya ang makipag usap tungkol sa photoshoot.. Nakakapagtaka..

Pagkabukas ko ng message ni Kaisha ay nakita ko ang sunud-sunod na message nito kay Freen, dahilan upang makaramdam ako ng pagkainis..

"Hello. Im so excited to meet you in person.."
"Are you free tomorrow? Let's have coffee. My treat.."

What the hell? Is she out of her mind? This is not about a photoshoot! Bakit nya inaaya si Freen?

Habang nag-iisip ako ng dahilan, narinig kong bumukas ang pinto ng banyo, kaya naman agad kong ibinalik ang phone ni Freen sa side table ng kama. Mabilis akong umupo ng maayos at nag-ayos ng buhok ko upang hindi sya makahalata.

"Mahal, kailan nga pala ang start mo sa Cielore?" tanong niya pagkalabas niya ng pinto ng banyo, pinupunasan ang kanyang buhok gamit ang tuwalya.

"On Monday..." tipid na sagot ko sa kanya, kahit na sa loob ko ay may kasamang kaba at saya.

"Excited ka na ba?" tanong niya sa akin, kaya naman inisantabi ko na muna ang mga iniisip ko at binigyan siya ng isang ngiti na puno ng pananabik.

"Medyo, sana nga maging maayos ang unang araw ko..." nakangiting sabi ko, ang puso ko ay tila umuugong sa excitement at kaba.

"Galingan mo! Pabilibin mo silang lahat," nakangiti niyang sagot, ang kanyang mga mata ay nagliliwanag na puno ng suporta at tiwala. Sa mga salitang iyon, parang nawala ang lahat ng pag-aalinlangan sa akin, at sa halip, mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para maniwala sa sarili kong kakayahan.

Naglakad ako palapit sa kanya at binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap. "Salamat, Freen. Ang saya ko na nandito ka para sa akin," bulong ko habang ang kanyang yakap ay patuloy na nagbibigay sakin ng dahilan upang kumalma.

"Alam mo, kahit anong mangyari, nandito lang ako. Suportado kita," sagot niya, ang boses niya ay puno ng sinseridad, dahilan upang lumakas ang loob ko na harapin ang mga pagsubok na darating.
.
.

Kinabukasan ay wala akong klase kaya naman inihatid muna ako ni Freen sa bahay namin. Pumasok lang sya saglit para mag mano kay mommy at daddy, pagkatapos ay umalis na rin sya agad upang pumasok sa trabaho.

"Ate! Balita ko kinuha daw ni ate freen na endorser ng Keds Clothes si Kaisha Yzabelle.. Totoo ba?" Nakangiting tanong sakin ni Richie pagka-alis ni Freen. Bakas sa mukha nya ang pagka-excite dahil matagal na syang crush si Kaisha, at halos lahat ng account ni Kaisha ay talagang pina-follow nya.

"Oo, bakit? Hihingi ka ng autograph?" Taas kilay na pagsusungit ko sa kanya.

"Sigurado ako na dudumugin ng mga fans nya ang Keds Clothes.." nakangiting sabi ni Richie na bilib na bilib kay Kaisha.

"Kahit naman wala sya, dinudumog pa rin ng mga tao ang Keds Clothes.." kontra ko sa kanya.

"Pero mas dudumugin ng tao ang Keds clothes kapag in-endorse na ni Kaisha.." nakangiting sagot nya sakin, dahilan upang maasar lang ako lalo sa kaisha na yon.

"How sure? Hindi naman kagandahan ang Kaisha na yon.." taas kilay kong sagot sa kanya saka ko sya inirapan.

"Maganda kaya si Kaisha, kukunin ba ni ate Freen yon bilang endorser kung hindi sya maganda?" Sabi ni Richie na tila ipinaglalaban talaga si Kaisha sakin.

"Kung mas dudumugin ng tao, edi mas maganda.. Wag na kayong magtalo dyan.." nakangiting sabi naman ni mommy.

"Eto kasi si ate, nagseselos ka ba kay Kaisha?" Nakangiting pang-aasar sakin ni Richie.

"Bakit naman ako magseselos?" Iritang tanong ko sa kanya.

"Eh shempre magkakasama sila sa photoshoot.. sigurado ako na nagagandahan din si ate freen sa kanya.." nakangiting pang aasar ni Richie, dahilan upang tignan ko sya ng masama.

Makuha ka sa tingin, Richie! Konti na lang ay masasakal na kita..

"Uy si ate, kinakabahan na baka ipagpalit sya ni ate freen.." tumatawang pang-aasar sakin ni Richie.

"Wag kang lalapit sakin dahil kakalbuhin talaga kita.." iritang sagot ko sa kanya.

"That's enough, Richie.. Wag mong asarin ang ate mo, lalo na sa mga ganyang bagay.." Saway ni daddy sa kanya kaya naman agad na tumigil si Richie.

Umakyat ako sa kwarto ko dahil sa sobrang inis ko kay Richie. Kung wala lang si daddy, sigurado akong kalbo na sya ngayon.

Pagkapasok ko sa kwarto, sinara ko ang pinto, na parang pinipigilan ang anumang negatibong energy na mula kay Richie. Kinuha ko ang isang unan at piniga ito ng buong lakas, upang mailabas ko ang nararamdaman kong inis kay Richie at kay Kaisha.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking  inilabas nang marinig ko ang katok mula sa aking pintuan. Nang bumukas ito ay nakita ko ang worried na mukha ni mommy bago sya pumasok. Umupo sya sa tabi ko at hinawakan nya ang kanang kamay ko na nakapatong sa aking hita.

"How's your day yesterday?" Seryosong tanong ni mommy habang nakatingin sa mga mata ko, kaya naman nginitian ko sya upang mawala ang pag-aalala nya.

"Im doing good.. Naipasa ko na ang lahat ng dapat kong ipasa sa Cielore.." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Kailan ang start mo dyan?" Tanong nya.

"On monday.." sagot ko sa kanya.

"Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba dapat nagce-celebrate tayo ngayon dahil sa monday na ang unang araw mo sa Cielore?" Seryosong tanong ni mommy.

"Hindi naman po sa hindi ako masaya.." bungad ko saka ako yumuko ng bahagya, "im just afraid.."

"Afraid about what?" Tanong nya sakin.

"These past few days, we've both been busy; we hardly see each other and don’t get to talk. It’s only been a week, but I already miss her so much. What more in the coming days? Especially since I’ll be busy with Cielore, and she’ll be busy too." malungkot na sagot ko kay mommy.

"Being apart from each other is part of growing." seryosong sabi ni mommy habang nakatingin sa mga mata ko. "Masyadong malaki ang mundo at hindi dapat umiikot ang buhay ninyo sa isa't isa.. You need to explore things, at ganoon din si Freen.. Yan ang susubok kung gaano katatag ang pagmamahalan ninyong dalawa.."



❦❦❦❦❦❦

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 18 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon