Follow me on Social Media:
IG: iamthegreat_author
X: thegreatauthor_
Tiktok: thegreatauthor_
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are either the product of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior written permission of the author.WARNING:
This novel contains mature content, including explicit language, sexual themes, and situations that may not be suitable for all audiences. Reader discretion is advised. This story is intended for mature readers aged 18 and over.***
BECKY's POV
I am Rebecca Pascual, known as Becky. A third year highschool student. Hindi ako katalinuhan, pero matiyaga ako pagdating sa pag aaral. Hindi naman sa pagyayabang, pero lagi akong top 1 sa klase. Kaya naman medyo popular ako sa school namin, maging sa ibang school.. dahil ipinanlalaban ako pagdating sa academics..
Pero kung usapang sikat, may kilala akong isang babae na kahit saan ako magtungo ay sya ang usap-usapan.. Iba rin kasi ang talino at tyaga na taglay nya, kaya naman bihag na bihag nya ang puso ko.
Sya ay walang iba kundi si Freen Mikaella Samaniego. Isang maganda, mabait, at humble na Varsity player ng school namin.
Kahit na ahead sya sakin ay patuloy pa rin ang pagsuporta ko sa kanya sa lahat ng laban nya sa school, kahit na never nya akong pinansin sa social media.
Lagi kasi akong nagco-comment sa mga posts nya, pero wala akong nakukuha ni isang reply mula sa kanya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para mapansin nya ako.
Luckily, intrams day today. Hindi ako nauubusan ng pag-asa na masulyapan nya ako kahit saglit. Kahit saglit na sulyap lang ay nakapagbibigay na sakin ng labis na kasiyahan. Minsan tuloy napapaisip ako kung crush ko lang ba talaga sya, or ibang level na tong nararamdaman ko para sa kanya.
Magkabukod ang building ng highschool sa building ng college. Kaya naman dumadayo pa ako sa kabilang building para panoorin sya sa laban nya against other schools.
Shempre kasama ko ang very supportive kong bestfriend na si Ron. Aware sya na crush ko si Freen, kaya naman sinasamahan nya ako sa pagbibigay ng suporta sa mga laban nya.
Pagdating namin ni Ron sa court, halos hindi na ako makasingit sa dami ng tao. Lahat sila nagchicheer, at hindi nakapagtataka, halos lahat ng sigaw ay pangalan ni Freen. Magaling talaga siya, hindi lang sa laro kundi pati sa academics, kaya naman maraming humahanga sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto, 'di ba? Nasa kanya na lahat.
Pagkapasok namin ni Ron, napansin namin agad ang tropa niya sa harap, malapit sa mismong court. Kitang-kita ang buong laban mula roon, kaya sumama kami agad para makakuha ng mas magandang view. Habang nakapwesto kami, dama ko ang tensyon ng laban, at ang bawat galaw ni Freen ay tila may hatid na kilig. Ang daming babae na nagtatawag ng pangalan niya-parang gusto ko nang magselos kahit wala naman kaming relasyon. Para akong nasa gitna ng isang arena, lahat sila kalaban ko.
Tuloy-tuloy ang laro, at sa isang mabilis na paglipad ng bola, bigla akong tinamaan. Hindi ko inasahan iyon. Napaatras ako at natumba. Agad na lumapit si Ron, nag-aalala.