CHAPTER 19

5.1K 229 11
                                    

❦❦❦❦❦
FREEN's POV

Pagkatapos namin mag-snorkeling, hindi ko maiwasang makaramdam ng pagod at gutom. Ang magaan na saya mula sa aming underwater adventure ay napalitan ng pangangailangan para sa kaunting pahinga at masustansyang pagkain.

"Woahh! Nakakapagod, but it's worth it.." nakangiting sabi ni becky habang naglalakad kami sa dalampasigan.

"Are you hungry?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Yes, I'm hungry." nakangiting sagot nya sakin, dahilan upang mapangiti ako.

Nagtungo muna kami ni Becky sa room namin para maligo at magbihis pagkatapos ng aming snorkeling. Ang pakiramdam ng tubig sa aking balat at ang pawis na dulot ng araw ay nagbigay sa akin ng pangangailangan na mag-refresh.

Pagkatapos naming maghanda, nagtungo kami sa restaurant. Habang naglalakad, ramdam ang init ng araw sa aming balat, pero ang simoy ng hangin mula sa dagat ay nagbibigay ng ginhawa. Nang marating namin ang restaurant, bumungad ang masayang ambiance at ang mga bisitang abala sa kanilang pagkain.

Pumili kami ng spot na nasa itaas, kung saan tanaw ang napakagandang dagat. Napakaganda ng tanawin, at habang umakyat kami sa hagdan, ramdam ko ang excitement sa aking dibdib. Umupo kami at masayang tumingin sa menu.

Pagkatapos mag-order, nag-usap kami tungkol sa mga alaala ng araw na iyon, mula sa snorkeling hanggang sa mga isda na nakita namin. Ang bawat sandali ay puno ng tawanan at saya, at habang ang mga pagkain ay unti-unting dumating, lalo pang napasaya ang aming karanasan sa beach resort.

“Are you happy?” tanong ko kay Becky, habang ang ngiti sa labi ko ay di ko maitago. Kitang-kita sa mukha niya ang saya habang busy siya sa pagkuha ng litrato ng mga pagkain sa harap namin. Nakapangalumbaba ako, tahimik na pinagmamasdan siya habang ang mga mata niya ay nagliliwanag sa tuwa, tila ba bawat click ng camera ay isa pang dahilan ng kaligayahan niya.

Hindi niya ako sinagot agad, busy sya sa paghanap ng tamang anggulo para sa bawat dish. Sinundan ko ang bawat galaw ng kamay niya—yung paraan niyang maingat na inaayos ang pwesto ng plato, sinisiguradong sakto ang ilaw at hindi malilimutan ang bawat detalye ng pagkain. Naka-focus siya, na para bang wala siyang ibang iniintindi sa mundo kundi ang pagkain sa harapan namin.

Napangiti ako sa sarili ko. Masaya na akong panoorin lang siya. Parang ang saya niya ay sapat na para mahawa na rin ako. Tumayo siya saglit para kumuha ng mas magandang shot mula sa itaas, sabay tikwas ng buhok niya sa likod, at dito ko mas napansin kung gaano siya ka-immersed sa ginagawa niya. Para siyang bata na nakahanap ng bagong laruan, masigla at puno ng energy.

Matapos ang ilang sandali, bumalik siya sa upuan niya at ngumiti sa akin. "Wait, I need to get this one from a different angle pa," sabi niya, sabay ngiti, at patuloy na kumilos, tila ba hindi narinig ang tanong ko kanina.

Tumawa ako nang mahina, pinapanood lang siya, at iniisip kung gaano kasimple pero espesyal ang mga ganitong sandali. Hindi ko kailangan ng salita mula sa kanya para malaman ang sagot—kitang-kita ko na sa mga mata niya ang saya. Minsan, ang saya nga ay hindi nasusukat sa mga salitang sinasabi, kundi sa mga maliliit na kilos at pagngiti na nagpapakita ng tunay na damdamin.

"Take your time," nakangiting sabi ko sa kanya habang pinanonood ko sya sa kanyang ginagawa, tila higit pa sa pagkain ang nagpapabusog sa puso ko ngayon..







Pagkatapos niyang makuhanan ng litrato ang bawat putahe, ngumiti siya sa akin at ibinaba ang cellphone niya. "Okay, tapos na. Let's eat!" masiglang sabi ni Becky, sabay kuha ng tinidor.

Agad kaming nagsimula na tikman ang mga pagkain sa harap namin. Kumuha ako ng isang piraso mula sa unang plato, isang savory dish na may kombinasyon ng iba't ibang spices. Hinawakan ko ang tinidor, inilapit sa bibig, at dahan-dahang tinikman. Naramdaman ko agad ang masarap na timpla ng mga sangkap, at napangiti ako nang maramdaman ang rich flavor nito.

"Hmm, ang sarap!" sabi ko, sabay tingin kay Becky na tila abala rin sa pagtikim ng ibang putahe. Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya matapos niyang subukan ang isang dish na may creamy sauce. "Grabe, ang galing ng chef dito," sabi niya, sabay subo ulit.

Sinubukan namin ang iba't ibang putahe, mula sa spicy dishes hanggang sa sweet desserts na nasa dulo ng mesa. Pinag-uusapan namin ang bawat lasa—kung gaano kalalim ang timpla ng mga spices, kung paano nagbabalanseng maigi ang alat at tamis sa bawat kagat. Tila walang sawa si Becky sa pagtikim, at bawat subo niya ay sinasamahan ng mga masayang komento.

"Grabe! Panalo ang lasa nito!" nakangiting sabi niya habang tinuturo ang isang platter na may roasted meat. Napansin ko kung paano niya tinutukan ang bawat pagkain, parang isang tunay na food critic.

"Ang perfect ng pagkakaluto, juicy at tender." Dugtong nya.

Pagkatapos naming kumain, napagdesisyunan na rin naming magtungo sa aming room upang magpahinga. Ramdam ko na medyo bumibigat na ang katawan ko matapos ang masarap na pagkain, at mukhang ganoon din si Becky. Habang naglalakad kami pabalik sa resort, magkahawak kamay kami, dahan-dahang pinapawi ang bigat ng tiyan at sabik na rin sa magiging adventure mamaya.

Pagdating namin sa room, agad kong binuksan ang pinto at sabay kaming pumasok.

"Haaay! Nakakapagod pero ang saya!" Nakangiting sabi ni Becky habang umupo siya sa kama, at ang mga paa niya ay nakalaylay sa gilid, halos humahaplos sa malamig na tiles ng sahig. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya—kitang-kita sa mukha niya ang kasiyahan at ang kaunting pagod mula sa snorkeling na ginawa namin kanina.

"So that means.. bati na tayo?" Nakangiti kong tanong sa kanya pagkatapos kong lumuhod sa harapan nya.

Ngayon ay pareho kaming nakangiti habang magkatitig ang aming mga mata. Ang mga mata niya, na kahapon ay may bakas ng tampo, ngayon ay puno ng saya at lambing.

"Let me think about it.." nakangiting biro nya sakin saka nya iniwasan ang mga titig ko.

"Ahh ganon?" Nakangiting tanong ko sa kanya habang marahan akong tumayo mula sa pagkakaluhod. Alam kong malakas ang kiliti niya, kaya’t mabilis akong lumapit sa kanya, walang pasabi, at biglang kiniliti ko siya sa tagiliran.

"Wahh! Enough, I can't breathe!" natatawa niyang sigaw, pero walang tigil ang tawa niya habang sinusubukan niyang itaboy ang mga kamay ko. Hindi siya makawala dahil hinawakan ko siya nang mas mahigpit at patuloy na kiniliti.

"Ano? Hindi pa rin tayo bati??" nakangiting tanong ko habang patuloy kong kinikiliti ang tagiliran niya. Tawa siya nang tawa, halos mawalan na siya ng hininga, at sa pagitan ng mga tawa niya, nakikiusap siya, "Tama na! Bati na tayo!"

Nang huminto ako, pareho kaming nakaramdam ng hingal, halos magdikit ang aming mga ilong, habang magkatitig ang aming mga mata..

Hinawakan ko ang kanyang mukha, at naramdaman ko ang malambot na balat niya sa mga palad ko. "Ang ganda mo," bulong ko, halos hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatingin sa labi nya.



❦❦❦❦❦❦

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon