CHAPTER 14

5.9K 238 9
                                    

BECKY's POV

Habang naliligo si Freen ay nakaupo naman ako at naghihintay sa kanya. Maaga akong nagising at naligo dahil maaga ang klase ko ngayon kaya naman sya na lang ang hinihintay ko para makapag almusal na kami at makaalis.

Habang nagi-scroll ako sa tiktok ay biglang tumunog ang phone ni Freen na nasa side-table kaya agad ko itong kinuha. Usually, hindi ko ginagalaw ang phone nya dahil tiwala naman ako na wala syang gagawin na makakasira saming dalawa. Pero dahil sa pagka-curious ko ay nagpasya ako na kuhanin ito at bisitahin.

Nakita ko ang five missed calls from one person, it's from Architect Orm, two missed calls from her last night and three missed calls from her this morning, exactly 5AM.

Sa sobrang curious ko kung bakit sya tumatawag ay inopen ko ang conversation nilang dalawa.

"Pwede mo ba akong daanan sa bahay? Sabay na tayong pumunta sa site.." text ni Architect Orm sa kanya this morning. Well, I did'nt know her, hindi rin naman sya naiku-kwento ni Freen sakin.

"Sure, I'll be there." Reply naman ni Freen sa kanya, dahilan upang makaramdam ako ng kaunting selos. Why didn't she tell me about it?

"Great! I'll treat you na lang after natin sa site. Dun tayo sa paborito nating restaurant." Reply nya kay Freen, dahilan upang mas lumalim ang nararamdaman kong selos.

Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano habang binabasa ko ang conversation nila. Ang simpleng imbitasyon na iyon mula kay Architect Orm ay tila may bigat na hindi ko kayang ipaliwanag. Sino ba siya? Bakit parang komportable sila ni Freen sa isa’t isa? At bakit hindi nabanggit ni Freen ang pangalan nya?

Napabuntong-hininga ako, pilit na pinipigil ang nararamdamang selos na unti-unting bumabalot sakin. Oo, alam kong walang masama sa paglabas nila para sa trabaho, pero bakit parang may kung anong bumabagabag sa akin?

Paboritong restaurant? So it means ay maraming beses na silang kumain sa restaurant na yon, pero bakit never nai-kwento ni Freen sakin yon?

"Mauna ka ng kumain.. hindi na ako kakain dito.." sabi ni Freen pagkalabas nya ng banyo, kaya naman agad kong binitawan ang phone nya.

"Bakit hindi ka kakain dito?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Baka sa office na lang ako kumain.." nakangiti nyang sagot habang nagsusuklay ng buhok at nakatingin sa salamin.

"Okay.." kalmadong sagot ko sa kanya saka ako naglakad palabas ng kwarto.

Pagbaba ko ay nadatnan kong kumakain sila mommy, daddy at Richie ng almusal. Tahimik akong naupo sa harap nila.

"Nasan si Freen?" Tanong ni mommy.

"Nagbibihis pa po, sa office na daw sya kakain.." nakangiti kong sagot kay mommy, habang bumabalot pa rin sa akin ang pag-aalala.

Hindi mawala sa isip ko ang conversation ni Freen at ng arkitektong yon, dahilan upang mawalan ako ng ganang kumain.

"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Ayaw mo ba ng ulam?" Nagtatakang tanong ni mommy kaya naman umiling ako bilang sagot.

"Hindi lang po ako gutom.." nakangiti kong sagot nang biglang dumating si Freen. Tumayo ako at humalik kay mommy, daddy at Richie bago ako tuluyang lumabas ng bahay, hindi ko sya kinikibo hanggang sa makasakay kami sa sasakyan.

"May problema ba?" Tanong nya habang bakas sa mukha ang pag-aalala kaya naman agad akong umiling bilang sagot. Ayokong mag-alala sya sa mga bagay na iniisip ko, lalo na't nasa isip ko lang naman ang lahat ng ito. Alam ko naman na walang gagawin si Freen na alam nyang makakasira saming dalawa.

"Message mo ako kapag may kailangan ka.." nakangiting sabi ni Freen pagkahinto namin sa tapat ng gate saka nya ako hinalikan sa labi.

"Ingat ka sa pag drive.." nakangiti kong sagot sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan. Hindi ko maiwasan na mag- cold treatment sa kanya dahil sa mga naiisip ko.

Pagpasok ko sa campus ay lumapit sakin si Miss Iris, bakas sa mukha nya ang pag-aalala, ito ay marahil sa nasaksihan ko sa loob ng banyo.

"Can we talk?" Kalmadong tanong nya sakin habang nakatitig sa mga mata ko kaya naman tumango ako bilang sagot. Nagtungo kami sa isang sulok ng building upang masiguro na walang makakarinig samin.

"Tungkol sa nakita mo, gusto ko sanang makiusap sayo na kung pwede ay walang ibang makaalam." Kalmadong sabi nya sakin.

"Mahalaga sakin ang trabaho ko, sigurado akong magiging malaking eskandalo para sakin kapag may ibang nakaalam ng sikreto ko." Dugtong nya.

"Kung mahalaga sayo ang trabaho mo, hindi ba dapat iniingatan mo? Alam mo naman ang consequences ng actions mo, but still tinuloy mo pa rin." Sabi ko sa kanya.

"I love her, kaya kahit alam kong mali ang pakikipag relasyon sa isang estudyante, ginawa ko pa rin..." sabi nya.

"Im not talking about the relationship you had with Ruiz.. Dahil hindi naman yun ang mali na nakita ko, Miss Iris. Ang mali ay yung ginagawa nyo dito ang mga bagay na dapat ay sa private place nyo ginagawa.." sabi ko sa kanya.

"Please, don't tell anyone about this.." kalmadong pagmamakaawa nya habang nakahawak sa kamay ko.

"Like what I said, my lips were zipped.. You just need to be careful next time.." kalmadong sabi ko sa kanya, dahilan upang makahinga sya ng maluwag.

"Thank you.." nakangiti nyang sagot saka nya ako niyakap ng mahigpit. Sabay kaming pumasok ni Miss Iris sa classroom dahil sya ang first class ko.

Habang nasa klase, pansamantala kong nailibing sa limot ang mga bumabagabag sa akin. Si Miss Iris ay masiglang nagtuturo, at ang kanyang paraan ng pagdidiscuss ay laging nagdadala ng liwanag at sigla sa buong klase. Nagsimula akong makisabay sa mga tanong at sagot ng mga kaklase ko, natatawa sa mga biruan at natututo sa mga diskusyon. Nakakatulong ito sa akin para maibaling ang atensyon ko sa kasalukuyan, kahit sandali lang.

Nang matapos ang klase at nagpaalam si Miss Iris, agad kong kinuha ang phone ko mula sa bag. Umaasa akong may message mula kay Freen, pero nabigo ako. Wala syang message kahit isa.

Pinilit kong hindi mag-overthink, ngunit hindi ko maiwasang magtaka. Sa dami ng oras na lumipas, isang simpleng message lang sana ang magpapa-kalma ng puso ko. Pero heto ako, nakatitig sa huling message nya sakin kahapon, iniisip kung ano kaya ang mga nangyayari sa kanya.




————❤️————❤️————❤️————

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon