FREEN's POV
Masaya ang lahat at nagtatawanan, nakikita kong nag-eenjoy talaga si Becky sa mga kaibigan ko. Masaya ako na mabilis nyang nakuha ang loob ng mga kaibigan ko, well hindi naman nakakapagtaka dahil noon pa lang ay friendly na talaga si Becky..
Inihatid ko sya sa bahay nila upang hindi na sya mahirapan magcommutr, besides ipinagkatiwala sya sakin ng kanyang mga magulang.
Nang makauwi ako sa bahay ay nagdalawang isip ako na mag message kay becky, nahihiya kasi akong mag first move, hindi ako sanay na ako ang unang magbibigay ng motibo.
Nagpahinga lang ako saglit bago ako maglinis ng katawan, lagi ko itong ginagawa bago ako matulog upang mas maging mahimbing ang tulog ko.
Pagkatapos kong maligo, basa pa ang buhok ko nang marinig ko ang mahinang tunog ng notification sa phone ko. Agad akong napatingin sa screen na may nag-ilaw, sabay kuha nito mula sa bedside table. May lima akong unread messages. Pagtingin ko, lahat ng message ay mula kay Becky.
"Hey"
"You!"
"Nasa bahay ka na?"
"Pst..."
"Imissyou!"Nagulat ako, sunod-sunod ang mga message niya. Napangiti ako, pero pilit kong pinipigilan ang excitement ko. Alam kong masyado akong nahuhulog sa mga simpleng gestures nya, siguradong magiging masakit din ito ng husto.. Nagreply ako ng mabilis habang nanginginig sa excitement ang mga kamay ko. .
"Im home, kakatapos ko lang maligo," reply ko bago ko ibinaba ang phone ko sa side table ng bed ko. Wala pang isang minuto ay nakapagreply na agad si Becky, dahilan upang kunin kong muli ang phone ko mula sa side table ng bed ko..
"Can you send me a selfie?" reply niya, dahilan upang manlaki ang mga mata ko sa pagtataka.
"What for?" reply ko.
"I wanna have sweet dreams..." mabilis niyang reply sakin, dahilan upang mapangiti ako ng husto, kaya naman agadakong nag-ayos ng konti sa harap ng salamin, pinatuyo ng bahagya ang buhok, at kumuha ng selfie. Wala nang arte, simpleng ngiti lang. Sinend ko agad.
"Send yours too. So that we see each other in our dreams." nakangiti kong reply pagkatapos kong mag send ng selfie.
"So cute! Gusto na kitang makita ulit.." reply nya na agad nagpangiti ulit sakin.. Ilang segundo lang ang lumipas at nagsend naman siya ng selfie.
Tinitigan ko nang husto ang picture na isinend nya, wala syang make up pero maganda pa rin sya.. Sobrang ganda..
Dahil sa pagtitig ko sa picture nya ay hindi ako agad nakapag-reply, masyado akong nag-enjoy sa pagtitig sa picture nya.
"How can I resist her charm?" bulong ko sa sarili ko, habang sinisave ko ang picture niya sa gallery ko. Walang ibang makakakita nito dahil ako lang ang may access sa phone ko.
Kinabukasan ng umaga, tahimik ako sa office habang nakaupo sa office chair, abala sa mga papers at mga email na kailangan kong tapusin. Nakafocus ako sa trabaho hanggang sa biglang nag-vibrate ang phone ko sa gilid ng table ko kaya naman agad akong napatingin dito. Kinuha ko ito, at nakita kong may bagong notification, at ito ay mula kay becky. Nagpadala siya ng voice message.
"Good morning, have a good day. Smile!" Napangiti ako ng hindi ko sinasadya nang marinig ko ang voice message nya. Ang lambing ng boses niya, parang batang excited magpaalala, kaya naman naisipan kong sendan din sya ng voice message, para kahit papaano ay marinig nya ang boses ko.
"I'll have a good day because of you..." Voice message ko sa kanya. Nang ma-seen nya ang message ko ay agad syang nag react ng heart sa voice message ko.