FREEN's POV
First time kong makita si Becky ng malapitan, and I couldn’t help but feel a bit disappointed that I didn’t get a chance to talk to her. She’s even more beautiful up close—mas maganda pa kaysa sa mga pictures na lagi kong nakikita sa mga social media accounts ko.
Type ko siya, no doubt. Pero hindi ko alam kung paano siya pormahan. There’s this awkward tension within me. Alam kong may age gap kami, and it makes me hesitant. She’s four years younger than me. Nahihiya akong baka masabihan ako ng kung ano-ano, like child abuse or something crazy like that.
Nakilala ko siya dahil sa sobrang flood ng notifs ko everyday—walang palya. She’s everywhere on my social media. Sa lahat ng accounts ko, nakafollow siya. She reacts to my posts, comments on almost everything. Pano ko ba siya hindi mapapansin?
I read every single comment she leaves. Pero kahit nababasa ko lahat ng sinasabi niya, I never reply. Hindi ako nagrereact, hindi rin ako nagpaparamdam. I try to keep my distance, kasi ayokong magbigay ng maling signal o magmukhang interesado, kahit deep down, alam kong interesado talaga ako.
Hindi ko siya finafollow back. But the truth is, ini-stalk ko siya araw-araw. Yes, everyday. Tinitignan ko yung mga posts niya, mga stories niya, minsan pa nga inaabangan ko kung anong sunod niyang ipo-post.
Why? Because I like her. She’s beautiful. There’s something about her na hindi ko ma-explain. It’s like, kahit alam kong hindi pwede, gusto ko pa rin siyang kilalanin. Iyon nga lang, I’m too scared to take that step forward.
Pagkatapos ng laro ay nagcelebrate kami sa isang bar, shempre sagot yon ng coach namin dahil naipanalo namin ang laban. Nanatili lang saglit si coach, pagkatapos ay iniwan na nya kami dahil may emergency syang kailangang unahin.
Nasa resto bar kami ng mga ka-team ko para mag-celebrate ng pagkapanalo. Lively ang ambiance, may konting ingay mula sa iba’t ibang grupo ng tao, pero masaya kami sa table namin. Nagtatawanan at nagkukulitan habang umiinom at kumakain.
Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pakikipagrelasyon at mga crushes. Nakikinig lang ako habang nagkakatuwaan sila. Hindi ako madalas sumali sa ganitong usapan, kaya naman ini-enjoy ko lang ang ingay ng mga kwento nila.
“Gayahin nyo tong si Freen, faithful,” biglang sabi ni Jim na may halong pang-aasar.
Nashock lahat, napa-tili pa si Fon. Kasi hindi nga ako pala-crush, tahimik lang ako sa ganitong bagay. Nabigla rin ako na pati si Jim, alam yung sekreto ko.
“Wait, what?” Nagtatakang tanong ni Kade, habang nakataas pa ang kilay.
“With who?” tanong ni Tee, sabay sulyap sa akin na may curious look.
“Teka nga, bat hindi namin alam 'yan?” si Fon, halatang inis na parang naiwan sa balita.
“Bakit si Jim lang ang may alam?” dagdag pa ni Maddy, tila galit-galitan pa ang tono pero halata mong nagbibiro lang.
“Big deal ba 'yan?” pagtataray ni Jim, na halatang pinapalabas na hindi malaking issue, pero obviously gusto niyang malaman din nila.
Tahimik lang ako, kinakabahan. Hindi ko alam ang isasagot ko, pero pakiramdam ko hindi na rin ako makakatakas sa mga tanong nila.