CHAPTER 26

4.9K 181 8
                                    

❦❦❦❦❦
BECKY's POV

Halos naging abala ako nitong mga nakaraang araw sa pag-aasikaso ng mga mahahalagang papeles para sa aking internship sa Cielore. Kailangan kong maipasa lahat ng mga dokumentong hinihingi nila sa tamang oras, kaya halos buong araw akong nakatutok sa pagkuha ng mga requirement, pag-fill out ng mga form, at pakikipag-coordinate sa iba't ibang departments para mapabilis ang proseso. Ang bawat hakbang ay mahalaga dahil alam kong ito ang magiging daan para sa mga mas malalaking oportunidad sa hinaharap.

Dahil dito, halos ilang araw na rin kaming hindi nagkikita ni Freen. Madalang na rin ang mga pag-uusap namin sa telepono; kahit sa chat, bihira na lang kaming mag-update sa isa't isa. Alam kong abala rin siya sa kanyang sariling mundo—pinaghahandaan niya ang pag-aasikaso sa resort at pati na rin ang nalalapit na photoshoot nila ni Kaisha Yzabelle para sa Keds Clothes. Hindi naman kami nawawalan ng balita o koneksyon sa isat isa, medyo nabawasan lang dahil sa pagiging busy namin pareho.

Sa kabila ng aming pagka-abala, hindi ko nararamdaman ang alinmang distansya sa aming relasyon. Alam kong parehong panatag kami at may tiwala sa isa't isa. Hindi lang naman sa amin umiikot ang aming mga buhay, kaya't suportado namin ang isa't isa sa mga bagay na gusto naming makamit. Ipinapakita namin ang pag-unawa sa bawat busy na araw, at alam kong kahit gaano man ka-busy, nandiyan pa rin kami para sa isa't isa kapag kailangan.

Pagkatapos kong mai-submit ang lahat ng papers para sa Cielore, halos mabunutan ako ng tinik. Alam kong hindi biro ang requirements na kailangan ko para makapasok sa kompanyang ito, kaya’t bawat papel, bawat pirma, at bawat detalye ay binigyan ko ng matinding atensyon. Sa wakas, tapos na rin lahat, at ang natitira na lang ay ang paghahanda ko para sa unang araw ng internship ko sa Cielore. Naroon ang kaba, ngunit mas nangingibabaw ang excitement at kasabikan na matuto at magsimula ng bagong yugto.

Habang naglalakad pauwi, nag-isip ako tungkol sa mga bagay na maaaring mangyari. Na-imagine ko ang pakikisalamuha sa mga bagong kaibigan, pag-aaral ng mga bagong strategies sa trabaho, at ang pagkakataong matuto mula sa mga pinaka-matataas sa industriya. Matagal ko nang pinapangarap ang ganitong pagkakataon, at sa wakas, malapit na ako..

Sa gitna ng pag-iisip ko, bigla kong naalala si Freen. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita dahil pareho kaming abala sa kanya-kanyang gawain. Sobrang miss ko na siya at naisip kong surpresahin siya ngayong gabi. Kaya’t walang pag-aalinlangan, nagpasya akong dumiretso sa bahay niya at ipagluto siya ng dinner bilang pasasalamat at pagbawi sa mga araw na hindi kami nagkasama.

Bago ako tumungo sa bahay niya, dumaan muna ako sa pamilihan para kumpletuhin ang mga ingredients na kakailanganin ko. Pinili ko ang paborito niyang kare-kare—isang putaheng alam kong laging nagpapasaya sa kanya. Maingat kong pinili ang mga sariwang gulay, ang pinong mani para sa sauce, at ang pinaka-malaman na karne para masigurong malasa ang luto ko.

Pagkatapos mamili, dumiretso ako sa bahay ni Freen, dala ang mabibigat na supot ng sangkap. Tahimik akong pumasok at nagsimulang maghanda sa kusina, inilalabas ang bawat ingredient at siniguradong maayos ang pagkakahanda ng bawat isa. Habang hinahalo ko ang sauce ng kare-kare, naisip ko kung gaano ko na rin siya nami-miss—ang mga kwentuhan namin, ang tawa niya, at ang simple ngunit nakakagaan ng loob na presensya niya.

Maya-maya, narinig ko ang tunog ng sasakyan ni Freen na pumarada sa garahe. Tumalon ang puso ko sa saya at excitement, kaya’t agad akong bumaba sa kusina at binuksan ang pinto para salubungin siya.

Pagbukas ng pinto, nakita ko siyang lumabas mula sa kanyang sasakyan, bitbit ang isang bag mula sa grocery. Nagulat sya nang makita nya ako, bakas sa mukha nya na hindi nya ineexpect na nandito ako ngayon.

"Mahal, ano ang ginagawa mo dito?" Nakangiting tanong nya sakin bago ko sya yakapin ng mahigpit.

"I miss you.." nakangiti kong sagot habang nakatingin sa mga mata nya, at ang mga braso ko naman ay nakayakap sa kanya.

"I miss you too.." nakangiting sagot nya saka nya ako hinalikan sa labi.

"Nagluto ako ng masarap na kare-kare.." nakangiti kong sabi sa kanya, dahilan upang mas  lumaki ang mga ngiti nya.

"Really? Mas masarap ba yan sa luto ni tita-mommy?" Nakangiting pang aasar nya sakin habang naglalakad kami patungo sa kusina.

"Well, mas lamang lang ng kaunti ang luto ni mommy.." nakangiti kong sagot sa kanya bago kami maupo sa dining area.

Ipinagsandok ko sya ng pagkain sa kanyang plato, ramdam na ramdam ko ang saya sa mukha nya nang makita nya ang kare-kare sa mesa.

"Sigurado akong masarap 'to..." nakangiti niyang sabi, puno ng pananabik sa kanyang boses bago niya tinikman ang luto ko.

"Mmmm ang sarap!" nakangiting sabi ni Freen habang ngumunguya.

"Wehhh?? Hindi mo ba ako binobola?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Bakit naman kita bobolahin? Eh akin ka na.." nakangiting sagot nya sakin.

"Wow.. tumatapang ka na ngayon.." tumatawang sagot ko sa kanya, dahilan upang magtawanan kami pareho.

Pagkatapos naming kumain, niligpit ko ang mga pinagkainan namin, habang si Freen naman ay nagtungo sa kwarto upang maligo.

Nang matapos akong maglinis sa kusina, nagdesisyon akong dumiretso sa kwarto. Maliligo na sana ako, pero nalaman kong nasa loob pa pala ng banyo si Freen. Sa pagkakataong iyon, naisip kong mas mabuting mahiga na lang muna at magpahinga.

Habang nakatingin ako sa ceiling at nag-iisip, bigla namang tumunog ang phone ni Freen na nakapatong sa side-table.

Wala namang masama kung bubuksan ko ang phone nya at kung tignan ko kung sino ang nag message sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone nya na nakapatong sa side-table saka ko ito binuksan. Laking gulat ko nang makita ko ang message ni Kaisha Yzabelle sa kanyang instagram.

Bakit may message si Kaisha sa kanya? Hindi pa naman nagsisimula ang photoshoot nila for Keds Clothes, bakit nagsesend na sya ng message kay Freen? Pwede naman nyang idaan sa secretary ang mga concerns nya, pwede rin naman na ang manager nya ang makipag usap tungkol sa photoshoot.. Nakakapagtaka..

Pagkabukas ko ng message ni Kaisha ay nakita ko ang sunud-sunod na message nito kay Freen, dahilan upang makaramdam ako ng pagkainis..

❦❦❦❦❦❦

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon