CHAPTER 4

6.6K 270 24
                                    

FREEN's POV

Pagbukas ko ng pinto ng bahay, bumungad sa akin ang malamlam na ilaw ng sala. Tahimik ang paligid, walang ibang tunog kundi ang mahinang ugong ng aircon.

Pag-upo ko sa sofa, kinuha ko agad ang phone ko at nagbukas ng messenger. Ilang beses ko nang tinitingnan ang pangalan ni Becky sa chat list, gustong-gusto ko na siyang i-message para magpasalamat sa pagpapasaya niya sa gabi ko.

Pero bawat pagtatangka kong mag-type, nauunahan ako ng kaba at ng pag-aalala. Baka kung ano ang isipin niya, baka mabasa niya na masyado akong nagmamadali o nagpapakakompromiso.

Nakasandal ako sa sofa, iniisip ang tamang salita. Pinipilit kong hanapin ang tapang na magpahayag ng nararamdaman ko, pero parang may harang na pumipigil sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang sabihin ang totoo sa kanya. Parang nauurong ang dila ko sa tuwing sinusubukan kong magsalita.

Maya-maya, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko-si Becky. Sa wakas, siya na ang unang nagchat. "Nasa bahay ka na ba?"

Isang simpleng mensahe, pero sapat na para magbigay sa akin ng dahilan para sumagot. Dapat siguro maging casual lang ako, para hindi halatang matagal ko na siyang gustong i-message. Nag-reply ako, pero hindi ko napigilang gawing malamig ang tono ng sagot ko. "Yes. Im home.."

Nakatingin lang ako sa screen, iniisip kung tama ba yung sagot ko. Bakit ganito ako? Gusto kong magpasalamat, gusto kong ipakita kung gaano kasaya ang gabi ko dahil sa kanya. Pero imbes na maging totoo, tinago ko sa likod ng malamig na mga salita ang tunay kong nararamdaman.

Tomorrow morning, dahil sunday today ay inaasahan kong ito ang araw ng pahinga ko, ngunit nagising ako na tila may mabangong amoy ng pagkain na bumabalot sa bahay. Napapikit-pikit pa ako bago bumangon, pinilit kong kalmahin ang pag-usisa ko sa amoy. Agad akong bumaba ng hagdan para alamin kung saan nanggagaling ang halimuyak na 'yon.

Pagdating ko sa ibaba, tumambad sa akin sina Fon, Jim, at Sky na kumakain ng masarap na almusal. Nagulat ako at nagtaka kung paano sila nakapasok dito sa loob ng bahay ko.

"Oh.. Goodmorning.." bati ni Fon habang abala sa pagkain at nakataas pa ang paa sa upuan nya. Lumapit ako upang hampasin ang kanang paa nya na nakataas habang sya ay kumakain, senyales upang ibaba nya ito.

"Paano kayo nakapasok dito?" Nagtatakang tanong ko pagkaupo ko sa tabi ni Fon.

"Hello, binigyan mo ako ng susi diba?" Nakangiting sagot ni Fon sakin saka nya ipinakita ang susi na ginamit nya.

Shit! Nakalimutan kong binigyan ko sya ng susi, dapat hindi ko yon ginawa. Malaya tuloy silang nakakapang istorbo.

"How's your date with your long-time crush?" Pang-aasar ni Jim sabay akbay sa akin. Hindi ko napigilan ang pagsiko sa tiyan niya bilang ganti.

"I'm the best friend, but I didn't know this," pagtatampo ni Fon habang nakatingin sakin.

"What are you doing here?" tanong ko, iniba ko ang usapan dahil ayokong bigyan nila ng meaning ang coffee date namin ni becky kagabi.

"Eating..." sagot ni Sky nang walang pakialam habang tuloy-tuloy sa pag-subo ng pagkain sa kanyang bibig.

"Alam ko, bakit kayo nandito?" ulit ko, tila napakamot na lang ako sa ulo ko habang nakatingin sa kanila.

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon