Chapter 55
The AccidentGIRO'S POV
"Anong binabalak mo, Ria?" Seryosong tanong ko rito.
Nandito kami ngayon sa tagpuan, sa Pueblo Hermosa. Alam kong once na malaman ni Timothy na nandito ako ay tiyak na makakatikim na naman ako ng hindi maganda. Hindi ko na kasi talaga kayang lunukin ang mga ginagawa nila. Hindi na kinakaya ng konsensiya ko. At mas lalo akong nanggigil dito kay Azariah.
"Don't call me with my code name, cousin." Nakangising sagot nito sa akin. Nanggigil akong sampalin siya. Alam na alam niya talaga kung paano ako utuin at galitin.
"I don't fucking care about your code name. Answer me, anong binabalak mo?" Mariin kong sabi habang diretsa ko siyang tinitignan sa mata. Kung hindi ko lang siya pinsan ay kanina ko pa pinadugo ang nguso niya. Mas lalo akong nanggalaiti nang makita kong mas lumawak ang pagkakangisi niya.
"Gagawin ko ang dapat naman talagang ginagawa mo. Bakit? Kinakain ka na ba ng konsensiya at umaatras ka na? Hindi ko nga alam bakit hindi ka pa rin nila pinapapatay sa mga pinaggagawa mo." Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya at mariing hinawakan ang balikat niya. Nakita ko kung paano siya nasaktan doon.
Wala akong pake kung masaktan siya. Pasalamat siya at iyan lang ang kaya kong gawin sa kaniya dahil kung hindi lang ako nakakapagtimpi sa kaniya ay binali ko na ang leeg niya.
"Go on, cousin. Saktan mo ako, pero hinding-hindi mo ako mapipigil sa gagawin ko!" Galit na sigaw nito.
Tangina niya talaga. Ang sarap niyang lamutakin! Kung bakit ba naman kasi pinayagan ko siyang pumunta rito!
"You'll regret this, Azariah. I swear to you." May diin sa bawat salita ko, halatang-halata ang gigil ko sa kaniya kaya tinulak ko siya nang pabalang. Umalis ako sa kinaroroonan namin. Nakakaubos ng pasensiya kausapin lahat ng tao.
After ng mga luho niya na binigay ko, ito ang igaganti niya sa akin? Kung hindi ko lang talaga siya kamag-anak ay matagal ko na siyang napatay.
"Hindi ako titigil, Sarmiento! Gawin mo ang gusto mo! Hindi kita isusumbong dahil kahit papaano ay tumatanaw ako ng utang na loob!" Kung tumatanaw ka ng utang na loob ay hindi mo gagawin 'yan, gago!
Itinaas ko ang gitna kong kamay habang nakatalikod sa kaniya. Ayoko ng makita ang pagmumuka niya.
Pumunta ako sa kotse ko at tinahak ang daan pabalik sa mansion ng mga De Gracia. Ang tunay na mansion, malayong-malayo sa mga pinapakita nila kay Xieryl. Nagagalit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa.
Nang matunton ko ito ay kaagad akong dumiretso sa opisina ni Timothy. Hindi ako pinapansin ng mga bantay dahil alam naman nila ang pakay ko bakit narito ako.
Lahat naman ay tuta ni Timothy. Siya ang nasusunod. Maski ang anak niya ay hindi siya kayang suwayin. Malayang-malaya siyang gawin ang gusto niya. Sa kaniya ang buong Pueblo. Malaki ang koneksyon niya sa loob at labas ng bansa. Hindi na ako magtataka kung bakit hinding-hindi nalalaman ng lahat ng tao ang kahayupang nangyayari sa bayang ito.
Nasa harap na ako ng pinto ng opisina nito. Nararamdaman ko na ang lamig sa loob. Muli ko pang tinignan ang nakaukit na pangalan sa isang pirasong maliit na kahoy na kulay itim, Timothy "De Gracia" Wilson.
Pinihit ko ang seradura at saka buong tapang na hinarap ang matandang ngayon ay nakangiti. Mukha siyang anghel na hindi mo aakalaing kay dumi na ng sarili nitong mga kamay.
"Magandang araw ho, Abuelo." Naglakad ito at pumunta sa gitnang upuan katapat ang mahabang mesa at may dalawang malaking sofa sa magkabilang gilid. Umupo ako sa isa sa mga sofa.
BINABASA MO ANG
The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)
Teen FictionThe Badass Girl in Boys Town | Badass Trilogy #1 When her family decided to take her to a mysterious place, Dexie lost her one goal. She believes that no matter what level you are in our society, you still need to work hard. At that moment, she bec...