Chapter 11
Black RoseMay mga bagay talaga na mahirap gawin ng padalosdalos. Isang salita mo lang iba na ang takbo ng lahat. Maaaring magbago, pwede rin namang ikapahamak mo. At nagising ako sa katotohanang hindi madali ang mapunta rito.
"Bigyan mo ng pagkain 'yung babae doon."
"Ayoko, baka paglabas ko naghihingalo na ako."
Naririnig ko ang dalawang boses ng lalaking nagtatalo kung sino sa kanila ang papasok rito sa silid na pinagkulungan nila sa akin.
"Ano pang hinihintay niyo?! Pasko? Bagong taon? Nagtatalo pa kayo! Pumasok kayong dalawa mga hampaslupa!" Bigla nalang bumukas ang pintuan at sabay na nadapa sa harapan ko ang dalawang lalaking nagtatalo lang kanina.
Bago lang sa pandinig ko ang boses kanina, malamang 'yun ang naging dahilan kaya ganito ang naging pagpasok ng dalawa.
Nag-sukatan pa ng tingin ang dalawa kung sino ang lalapit sa akin. Nakapagpasyang ang lalaking may katangkaran ang lalapit sa akin.
"Hoy! Teka lang, nasaan 'yung pagkain?" Bigla namang tanong nung isa na naging dahilan ng paghinto ng lalaking kasalukuyang papalapit sa akin.
"Oo nga pala, katanga mo 'di mo kinuha." Napakamot pa sa ulo at dinuro ang lalaking kasama niya.
"Bakit naman ako? Dapat ikaw ang ready!" Sabat naman nung isa. So, ganito nalang 'to? Mag-aaway sila sa harapan ko? Kung hindi lang nakatali itong mga kamay ko parehas ko ng nasampal 'to. Nagugutom na kaya ako!
"Ano na naman 'yan?! Hampaslupa kayong dalawa, pati ba naman sa harapan ng babaeng 'yan magbabangayan kayo?!" Biglang sumigaw ang lalaking sumigaw lang din sa kanila kanina. Galing pa sa labas ng pintuan ang boses at mahihinuhang kumakain dahil sa pananalita niya.
"Yung pagkain kasi nakalimutan namin, pakuha nariyan sa upuan, yung naka-tray!" Inutusan naman nung may katangkaran ang sino mang lalaki na nasa labas.
"Mga inutil talaga kayo! Hindi niyo sinabi, nakain ko na! Kumuha nalang kayo ng bago!"
"Chezter! Tangina ka! Timawa ka talaga!" Sabay na sigaw ng dalawa saka parehas na napakamot sa ulo't napahilamos ng mukha. As in sabay na sabay.
"Maghintay ka nalang diyan, nagugutom ka na ba?" Biglan namang bumaling sa akin ang lalaking may katangkaran.
"Bobo mo talaga, paano makakapagsalita may harang 'yung bibig!" Saka nito binatukan ang lalaking nagtanong sa akin.
"Oh, eh, bakit ka mambabatok? Gusto mo masapak?" Inambahan pa nito ang kasama bago inalis ang tapal sa bibig ko.
"Damn! Kasakit!" Sinigawan ko ito ng biglaang tinanggal ang tape sa bibig ko.
"Ay weh?" Malalaman mo talagang sarkastiko ang dating ng pagkakasabi niya.
"Gusto mo try ko sa'yo?" Nagtunog sarcastic na rin ang pananalita ko.
"Iba ka talaga, ganyan na lagay mo nakuha mo pang mambara." Kinilatis nito ang buo kong katawan at hinawakan ang bandang balikat ko kaya iniiwas ko naman ito.
"Don't touch me," Banta ko rito saka sinamaan ng tingin pero patuloy parin siya sa ginagawa niya at tuluyan niya ng nahawakan. "And you'll regret it."
"Esta mujer es de otra clase." Nanliiit pa ang mata ko sa sinabi niya. Lalo na nung napailing-iling pa ito. 'Di ko maintindihan 'yung sinasabi nito. 'Yung totoo? Nasa spanish era ba ako?
BINABASA MO ANG
The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)
Teen FictionThe Badass Girl in Boys Town | Badass Trilogy #1 When her family decided to take her to a mysterious place, Dexie lost her one goal. She believes that no matter what level you are in our society, you still need to work hard. At that moment, she bec...