Chapter 46

45 2 0
                                    

Errors ahead...

Chapter 46
Freeze

"Dorah? Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap." Bungad sa amin ni Ash.

"Nagpahangin lang."

"Sana sinama mo kami."

"Ano ako nanay niyo?" Tumawa naman ito saka ako inakbayan.

"Ikaw naman talaga nanay namin dito...tapos si T 'yung tatay namin." Binulong niya lang 'yung dulo para ako lang ang makarinig. Kaagad ko naman siyang hinampas kaya humagalpak siya ng tawa.

"You are blushing!" Agad na bira nito.

"Tangina mo, Abo! Kakalbuhin kita tantanan mo ako!" Agad niya namang sinurrender ang kamay niya.

"Manahimik kayo! Kaya nga natin hinintay si Dex para pag-usapan 'yung contest!" Agad na sigaw ni Carter kay Ash saka niya hinila ang tenga nito papunta sa pwesto nila Tuazon.

Umupo kaming lahat sa mga malalaking tipak ng kahoy at saka pumaikot.

"15 tayo dito sa space kaya hahatiin natin sa tatlong category." Panimula ni Azariah.

Ano bang meron? Contest? Akala ko ba may matututunan dito sa Camp Vista e mukhang mapapasabak pa yata ako sa contest na 'yan.

"Sino ang mga participants natin sa dance category?" Naghiyawan ang mga kasama namin after sabihin 'yun ni Azariah.

Parang mga nakawala sa lungga ang mga kupal daig pa babae sa kakasigaw.

"Kami na!" Taas ni Ash ng kamay. Katabi niya sina Matt, Steven, Bernhard at Carter na sa tingin ko ay kasama niya sa dance category raw.

"Kulang pa ng dalawa," Tinuro niya si Leonard at Felix.

Si Leonard at Felix ay kasama rin nina Matt sa block 5, lahat ng nasa Pecado ay sa dance category maliban kay Tuazon at Giro.

"Ayos na ang dance category natin..." May nilista ito saka ulit tumuloy. "O sa music band alam naman na natin kung sino-sino ang mga 'yun. Sila naman ang defending champion e." Nakangiti ito na nakapagpalabas ng dimple sa kanang pisngi niya. Sus may dimples pala ang kupal na Azariah na 'to.

"Sus, syempre kabilang ka ron!" Agad na gatong ni Zayn.

"Sinabi ko bang hindi?" Nagmiddle finger sa kaniya si Zayn.

"So, sa music band. Ang mga participants ay sina Giro, Tyler, Brysen, Zayn, Andrus, Koen at ako."

"Galingan ulit natin guys ha!" Bira ni Koen na nakapagpatawa sa aming lahat.

Buti naman hindi ako kasali, wala akong balak na sumali bahala sila diyan.

"And syempre sa last category which is the duet...Mr. Tyler and Ms. Dexie!" Agad napuno ng hiyawan ang buong space namin.

Tanghaling tapat ang iingay niyo!

"Objection your honor!" Putol ko sa sigawan nila.

"Yes, Ms. Wilson?" Animong nagpipigil ng ngiti si Azariah. Tanggalin ko gilagid nito e, naiinis ako!

"Ayaw ko."

"Bakit may masama ba don? Kakanta lang kayo."

"Edi kayo nalang."

"Kung pwede lang bakit hindi?"

"Edi pwede na, ako na nagsabi."

"Nako ikaw Dex ha! Baka naman kasi may LQ sila kaya ayaw niya!" Hataw ni Koen na agad nagpasimula ng kalampagan ng mga kumag.

The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon