Chapter 4

576 25 8
                                    

Chapter 4
Bonding


Nagising ako sa ingay na naririnig ko kanina pa. Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang hindi familiar na kisame. Naalala ko nasa boys town pala ako. Tinignan ko ang oras at 7:00 am na. Ang haba pala ng tulog ko dala na rin siguro ng pagod sa biyahe.


Umalis ako sa kama at tinignan sila. Sa tingin ko pillow fight ang ginagawa nila. Naghahampasan ng mga unan habang si Brysen, 'yung  batang lalaki hinihila ang paa ni Azariah. Si Koen naman tuwang-tuwa pa. Anong ginagawa nila?


Nahagip pa ng paningin ko ang topless na si Andrus. Umiwas kaagad ako ng tingin.


"Anong nangyayari dito?" Sinubukan kong agawin ang atensyon nila pero walang pumapansin sa akin. Nag-aaway ba sila? Naguguluhan na ako ha? Bakit kailangang mag-pillow fight?


Lumapit ako sa kanila para alamin ang dahilan ng ginagawa nilang pillow fight. Pero bago pa ako makarating may tumama na sa mukha kong unan. Fuck! Kung maglalaro naman sila 'wag nila ko idadamay!


Napahinto sila lahat sa ginagawa nila.


Nakita ko si Koen na napayuko, sa tingin ko siya ang salarin. Kahit kelan talaga itong lalaki na ito walang mabuting dulot. Samantala ang iba'y walang imik. Sinamaan ko ng tingin si Koen pero sa tingin ko hindi niya napansin dahil na rin sa nakayuko siya.


Lumapit sa akin si Azariah.


"Gising ka na pala, tara kumain ka na may pagkain dito. Pasensya na sa kaguluhan namin." Iginaya niya ako papunta sa kusina at saka tinulungan akong umupo.


Kumuha siya ng plato saka nilagyan ng sinangag na kanin at binigay sa akin. Bacon, hotdog at egg ang ulam na nasa harapan ko. Umupo siya sa harapan ko kaya naiilang ako. Nakikita ko sa peripheral view ko sila Koen na nakatunghay dito sa amin.


"Lumapit nalang kasi hindi yung sumisilip, para kayong namboboso." Pagpaparinig ko. Lumapit naman sila sa amin. Tumabi sa akin si Koen at sa kabilang gilid ko ay si Zayn. Pumwesto si Brysen sa gilid ni Azariah gayundin si Andrus. Hindi katulad kanina naka t-shirt na siya.


Papasubo na ko nang biglang si Koen ang sumubo nun sa sarili niya. Kingina, talaga! Sinamaan ko siya ng tingin. Nag-peace sign lang naman ang tukmol.


"Koen, kumain ka na 'di ba? Let her eat her foods. Hindi ikaw 'yung pinapakain, si Dexie. Okay?" Saway ni Azariah sa kaniya. Isumpak ko sa bunganga ni Koen lahat ito eh! Kaaga-aga nambubuwisit. Tumungo naman siya at sabay yumuko.


Kumain na ako hindi naman na nanggulo si Koen pero parang asong gutom na gutom pa rin. Kasi sa tuwing susubo ako nakatingin talaga.Halos maglaway na ang tukmol. Patay gutom!


Kasalukuyan kaming bumabiyahe. Sabi kasi nila may ipapakita sila sa akin wala akong maski isang ideya kung saan kami pupunta. Sana naman magustuhan ko 'yun baka disappointed na naman ako neto.


Nasa backseat ako, sa magkabilang gilid ko si Brysen at Koen. Katabi ni Koen si Andrus. Si Zayn ang driver at sa tabi niya si Azariah. Tahimik lang kaming lahat ng bumida itong si Koen.

The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon