Chapter 1

861 33 15
                                    

Chapter 1
Pueblo de Hombres


Dinig na dinig ko ang lakas ng sigaw ng punyetang lalaking nasa harap ko.

Mabuti sa'yo 'yan! Napapala mo!


'Di ko napansin papunta na pala sila Mom and Dad. Masama ang tingin sa'kin ni Dad, alam niya na siguro na may ginawa na naman akong 'di maganda.


"Anong nangyayari dito?" Malalim ang boses ni Dad. Mababakas mo na galit talaga siya pero heto ako maganda pa rin ang postura. Gagawin ko ba 'yun nang walang dahilan? Bahala siya diyan! Aalis na sana ako nang biglang sumigaw si Dad.


"What's wrong with you, lady?! Bakit mo ginawa 'to kay Giro?!" Tinaasan ko ng kilay si Giro. Anong malala sa ginawa ko?

Well ipinukpok ko lang naman sa nguso ng magaling na Giro ang takong ng 5 inches stiletto ko at ang kinalabasan pumutok 'yung labi niya. Mabuti lang sa kaniya 'yan.


"Ginawa ko lang ang tama, bastos 'yang lalaki na 'yan." Sabay irap ko bago umalis. Pumunta ako sa kotse ni Dad. Natatawa ako sa nguso nong Giro na 'yon. 'Wag niya kasing itataon na naka-5 inches stiletto ako 'yan tuloy napukpok ko.


"At dahil diyan, dun ka sa kotse mo sasakay at si Giro pa rin ang mag da-drive." Seryosong sabi ni Dad na ikinainis ko.


"What!?" Inis na sigaw ko.


"Just follow me." Sabay sakay ni Dad sa driver's seat at ganun din si Mom na sumakay sa passengers seat saka pinaandar ni Dad ang sasakyan.


Dahil wala na sila Mom and Dad wala akong choice. Tinawag ko si Giro para ipabitbit ang mga bagahe ko pero syempre ako na ang nagdala ng hand bag ko baka kung ano pa kuhanin niya ro'n. Nadala niya na lahat at kasalukuyang inilalagay sa backseat. At dahil nga wala na sila Dad may chance na ko na asarin tong lalaki na 'to. Nakita kong tapos na siya at papunta sa pwesto ko.


"I'll allow you to use my car kahit na hindi ko gusto." Labag talaga sa kalooban ko ang gamitin niya ang kotse ko pero wala na 'kong magagawa. It's my Dad's decision I have nothing to do.


"Good, then let's go." Sabay pasok niya sa driver's seat at ako naman sa backseat umupo ayoko katabi 'yan duh!


"We need to buy some foods baka mainip ka." Bilin niya.


"Dahil ginamit mo ang car ko, then the punishment, ikaw bibili lahat ng gusto kong foods." Ngisi ko.


"Buti nalang at may pera 'ko dito dahil kung hindi baka nasapak mo na naman ako ng stiletto mo," parinig niya sa'kin.


Aba dapat lang!


Pinaandar niya na ang sasakyan. Bumili muna kami ng pagkain sa convenience store at dahil likas na mapang-asar ako. Isang plastik ng pagkain ang binili ko samantalang siya iilang pirasong pagkain lang, gaya nang sabi ko na siya magbabayad ginawa niya naman. Saka kami nagpatuloy sa pagtahak ng daan papunta sa lugar na hindi ko alam. 

The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon