Errors ahead
Chapter 31
Abuelo
Black Rose...White Sorrow...Fraternity...
Black Rose...White Sorrow...Fraternity...
Black Rose...White Sorrow...Fraternity...
Black Rose...White Sorrow...Fraternity...
Paulit-ulit na rumehistro sa utak ko ang mga salitang iyon na para bang sirang plaka. Hindi ko maintindihan bakit sa oras na gulong-gulo ako ay saka naman ako may mga bagay na nalalaman. Kung ganoon, kaya pala ayaw ipaalam ni Giro ang bagay na iyon dahil nandito siya sa Pecado. Pero bakit? Darn it!
"Dex, ayos ka lang ba?" Nakita ko ang bumalatay na pag-aalala sa mukha nilang dalawa. Nandito pa rin pala ako kasama sila. Shit!
"Ah, oo naman hahaha." Bigo akong tumawa. Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Koen.
"I shouldn't have told you. Aish!" Nanatili akong blangko at wala sa sarili.
"Ano ang tunay na pangalan ni Giro?" Tanong ko sa kanila habang tila ako nasa kawalan.
Bigla namang nangunot ang noo nilang dalawa.
"Ha?" Naiilang at tila naguguluhang sabi nito.
"Just answer me please."
"Giro Syquia." Naipalipit ko ang daliri ko dahil sa nalaman.
And shit, bakit? Bakit ang gulo-gulo? Ang layo nito sa tunay niyang pangalan.
"Did you know something?"
"Nothing, I just want to ask my curiosity wants to."
Nagpagpag ako at naging hudyat iyon para tumayo rin silang dalawa at sundan ako.
"Where are you going?" Hinabol ako nito para pigilan.
"To the dorm." Nanlaki ang mga mata nilang dalawa.
"Ate Dex?"
"Dexie, sigurado ka?"
"Mukha ba akong nagdadalawang isip, Koen?"
"Okay, ang iniisip ko lang naman eh baka hanapin ka nila at bigla silang sumugod sa dorm."
"Binibigay mo ako ro'n? Gusto mo doon ako tumira? Hindi ba't gusto niyo akong bumalik? Oh, eto babalik na ako."
Ano ang dahilan ko para manatili pa sa Pecado, heto nandito iyong mga pamilya ko. Sila 'yung nagparamdam sa akin kung paano hanapin 'yung nawala kong sarili.
"Ate Dex..." bigla akong dinamba ni Brysen ng yakap. Naramdaman ko na naman ang muling pagkasabik. "I really, really miss you so much." Sa pagkakataong ito sumama sa yakap naming si Koen.
Tiningnan niya ako sa mata at nginitian. Ginulo nito ang buhok ko, tila ba nakita ko ang isa niyang katangian.
Napabaklas kaming lahat sa yakap nang biglang may tumawag sa cellphone ko.
"¿Sí?"
"Wilson, come home. It's very important." Boses ni Tuazon.
Paanong nakuha mo ang number ko?
"Gaano kaimportante?"
"Sobrang importante na kaya kong saktan 'yang mga nasa paligid mo," Malamig na sabi nito at mahihimigang nagbabanta. Narinig ko pa ang sumuway sa kaniya na hula ko ay si Ash.
BINABASA MO ANG
The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)
Подростковая литератураThe Badass Girl in Boys Town | Badass Trilogy #1 When her family decided to take her to a mysterious place, Dexie lost her one goal. She believes that no matter what level you are in our society, you still need to work hard. At that moment, she bec...